Chapter 17

1177 Words
Chapter 17 Mahaba ang traffic, habang ang mga busina ng mga sasakyan ay kanina pa tumutunog dahil sa pagka-inip s byahe. Malalim akong bumuntong hininga bago tinignan ang labas ng bintana. Halos isang oras na kaming na sa byahe nila tita papunta sa Pyschotherapist. Wala si mama sa tabi ko at heto na naman ako, na pupuno nang kaba sa pwede ko malaman. Hindi ako baliw, pero inaamin ko na wala akong matinong maisip. Kumpara dati ay mas naging magulo ang isip ko sa lahat ng bagay. "Kinakabahan ka ba, Monica?" Hindi na ako nag abala pang tignan si tita. Marahan akong tumango at pilit na ngumiti sa kanya, "kinakabahan po ako sa pwede ko malaman," Totoo. Natatakot ako aminin sa sarili ko na bak baliw nga ako, kaya naman dinala ako sa doctor nang mga baliw at hindi sa natural na doctor na gumagamot nang pasyente. "Wag kang kabahan. Alam mo sa sarili mo na hindi ka baliw, pero ang tingin at papananaw ko sa pag-iisip ang aayusin niya," paliwanag ni tita bago marahan na inusad ang sasakyan. "Katulad ng baliw tita?" Sumilip ako sa pwesto niya. Napabuntong hininga nalang siya, na sinabayan ko. Hindi ko sila maintindihan, hindi rin nila ako maintindihan sa na iisip ko. Ang utak ko ngayon ay puro negative. Negative sa lahat nang nangyayari at mga nakakasalamuha ko. Lunes na ngayon, gusto ko na sana pumasok sa school pero mas kailangan ko 'tong unahin. Sigurado ko na nag didiwang na ngayon ang mga impokrita kong so-we-called 'KAIBIGAN'. Nag tagumpay sila sa gusto nila, na lugmok ako at ngayon sila ang na sa harapan. Pero hindi nila alam na mag babalik ako, mag babalik ako para gabtihan at sirain ang buhay nila. Ipapakita ko sa kanila at ipaparamdam ang mga bagay na ginawa nila. "Nandito na tayo," bumalik ako sa tunay na mundo nang mag salita si Tita. Na una siyang lumabas nang sasakyan, bago binuksan ang likod at kinuha ang gamit na dala namin. Nilibot ko ang buong lugar, nandito na pala kami. Muli akong bumuntong hininga at lumabas mula sa sasakyan. Hindi ko na maintindihan ang pakiramdam ko ngayon, habang nandito kaharap nang clinic ng mga baliw. "Tara na?" Tumango ako at sumunod kay tita. Pag pasok namin ay sinalubong ka agad kami nang isang babae, hawak ang isang papel at ngumiti. "Ms. Monica Esquibel?" Tanong niya. Tumango ako bago ngumiti nang maliit, "tara sa loob?" Tumingin ako kay tita, humihingi nang permiso na papasok sa loob. Walang atubili siyang tumango, kaya't tumayo na ako sa kina-uupuan ko at sumama sa nurse. Dinala niya ako sa isang kwarto, kung saan may isang babae na naka-upo sa isang mahabang sofa. "Monica?" Paninigurado niya. "Opo," sabay tango ko. Nag umpisa na manginig ang kamay ko, sa mga ngiti niya pero may isang bagay akong na pansin mula sa kanya. Ang mukha niyang pamilyar sa'kin. Hindi ko lang malaman kung saan at kailan ko na kita, pero isa lang ang na sisigurado ko. Kamukhang-kamukha niya yun. "Relax, iha. Inhale, exhale" ginawa ko ang pinagawa niya, malalim akong bumuntong hininga, "ma-upo ka muna dyan," Na upo ako sa sofa, kaharap nang sa kanya. May hawak siya ngayong pad, hindi ko alam kung anong tawag pero parang sa mga bitbit nang doctor. "Btw, ako si Dr. Lerza, may itatanong ako sa'yong mga bagay at gusto kong sagutin mo nang maayos at totoo," paalala niya habang my ngiti sa mukha. "Opo," sagot ko nang walang pag aalinlangan. "Good! So let's start," sumeryoso ang mukha niya bago tinignan ako diretso sa mata, "what's bring you here?" Bakit nga ba? Malalim akong bumuntong hininga, bago lumunok nang laway. Ang hirap nang tanong niya, kahit ako hindi ko alam kung bakit ako nandito maliban sa isang bagay, "I tried to kill myself. Sobrang pressured ako sa lahat ng bagay, puro negatives ang pumapasok sa isip ko everytime na gumagalaw ako," diretsong sabi ko bago ako tumingin din sa mga mata niya. "What are the problems from your viewpoint?" "Katulad po nang una, simula nang nangyari 'yon, ang mga bagay na nag pa triggered sakin ay umabot ako sa puro's negative ang na iisip ko. Bawat galaw ko, hinahanapan ko nang mga bagay na negative at matatakot ako gawin" "Ano ang sinasabi mong 'bagay' na yon? Can you tell me? I promise your problem is safe with me," sabi niya nang walang pag-aalinlangan. Napa-iwas ako nang tingin ko. Hindi ko kaya mag tiwala, hindi ko siya kayang pag katiwalaan. Pero ang sabi ni mama. Ayaw ko siya ma disappoint ulit. "Nag start po ang lahat ng na papadalas ang pag-aaway nang magulang ko, sa mismong harap ko. Nag sisigawan, nag babatuhan, hanggang umabot ako sa point na sinaktan ako ni papa." Nag umpisang mag tuluan ang luha ko. Habang inaalala ang mga bagay na ginawa ni papa, lagi niya akong sinasaktan at binabato nang kung anong mahawakan niya. "Natatakot po ako. Natatakot ako sa tuwing na kakarinig ako nang kalabog sa bahay, dahil pumapasok sa isip ko ang mukha ni papa. Ang mukha ni papa na handa akong saktan kahit anong oras," napahawak ako sa dibdib ko. Ang bigat, ito nanaman ang bigat nang dibdib ko sa tuwing binubuksan ang problema ko. Pero sabi ni mama, sabihin ko, ilabas ko kahit masakit. Kahit sobrang sakit sakin na alalahanin lahat. "Noong araw na 'yon, umalis ako sa bahay na may pasa. Sinaktan ako ni papa, pero mas pinili kong pumasok. Ayaw ko ma disappoint si mama sakin, ayaw na isipin niya na masayang ang pinag hirapan niya para bigyan ko siya ng mababang grades," marahan akong kumuha nang tissue sa harap ko bago suminga, "pero pag dating ko sa school, inakusahan nila ako." "Pinahiya nila ako sa buong klase, na ang pasa sa braso ko ay chikinini. Sabi nila may sugar daddy daw ako, sabi nila lahat daw ng meron ako dahil daw sa lalaki at binebenta ko sarili ko," sila. "Hindi po totoo 'yon, sinagot ko sila. Pinaglaban ko ang sarili ko pero walang naniwala, pinag tanggol ko lang po sarili ko pero pag pasok ko kinabukasan ang dami nang kwento sakin," bumuntong hininga ako para pakalmahin ang sarili, ang bigat nang nararamdaman ko. Sobrang bigat. "Kaibigan ko po sila, pero nalaman ko na sinisiraan pala nila ako habang nakalikod. Kung ano-anong kwento nila ang pinakalat nila sakin, sumabay sila sa problema ko sa pamilya. Hanggang di ko mapigilan ang emosyon ko, galit na galit ako nang araw na 'yon. Ginising nila yung sama na meron ako at ipinag mumukha sa kanila, pero huli na po. Binaliktad na nila ang kwento, binaliktad nila at sa huli ako ang naging masama sa lahat." Pinunasan ko ang luha ko. "Sa araw na din po 'yon, nalaman ko na delikado na ako sa pagiging dean lister ko. Pag uwi ko, nagalit sakin si mama. Wala akong mapag sabihan ng problema, gusto ko mag open kay mama pero nagalit siya sa mababa kong grade. Kaya naisip ko na mas siguro mas mabuti nang mamatay ako, tutal isa lang naman akong sagabal sa lahat." Continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD