Chapter 15

1210 Words
CHAPTER 15 "Bukas po" sigaw ko mula sa kumakatok. Alam ko naman na si tita lang naman nag kumakatok. Wala naman ibang tao dito sa bahay kundi kaming dalawa lang. Sabado na ngayon, sa susunod na araw ay lunes na gusto ko na rin sa school dahil masyado na akong na huhuli sa klasea t masyado na silang nag sasaya na wala ako. Pumasok si tita sa loob nang kwarto ko, bitbit ang iilang damit na mukhang na iwan ko sa bahay. "Monica, ang mama mo," agad akong napabangon sa kinahihigaan ko nang gawing bungad ni tita si mama. "Ano po yung kay mama?" agad na tanong ko. Napakamot naman siya nang ulo bago siya ngumiti sakin at lumapit, "Ang sabi nang mama mo ay sasama daw siya sa psychotherapist , pero baka mahuli siya nang konti," Nag diwang ang buong sistema ko nang sabihin yun ni tita. Gustong-gusto ko na kasi talagang Makita si mama, gustong-gusto ko na siya maka-usap para naman kahit papano'y mawala ang konsensya at sakit sa dibdib ko. "Talaga po?" di ko makapaniwalang tanong sa kanya. Tumango si tita bago malaki na ngumiti, "Kinulit ko siya nang kinulit. Mukhang na konsensya ka rin naman sa ginawa mo, at panget ang huling pag uusap niyo nang mama mo kaya gumawa ako nang paraan. Mag handa ka na sa lunes, at maaga tayong aalis" Hindi na ako nag salita pa, mahigpit kong niyakap si tita sa sobrang kasiyahan na nararamdaman ko. Paano ba naman hindi ba? Siya na ngayon ang nagiging tulay para Makita ko si mama, nang una'y akala ko ay nilalayo niya lang talaga ako kay mama para makuha niya ako. "Sorry po tita," hinging paumanhin ko bago yumuko sa harap niya, "alam kong sumasakit na rin ang ulo niyo sa kakabantay niyo sakin. Sorry po at madalas ay nagiging pasaway pa ako sa'yo," "wag kang mag-alala don. Basta ay gumaling ka mawawala na ang pagod at hirap ko," nakangiti niyang sabi bago hinawakan ang buhok ko. Hindi ko naman mapigilan ang maluha sa sinabi ni tita. Ang swerte sana nang magiging anak niya kung pwede pa, sigurado akong lalaki sila nang puno nang aruga at pag mamahal ni tita kung sakali. "Salamat po," pilit kong pinunasan ang luha na nasa gilid nang mga mata ko. Ngayon, pakiramdam ko may tao pa na nag aaruga sakin. May tao na kayang umintindi, gawin ang mga bagay na ikabubuti sakin pati na rin ang mag sakripisyo. Sa buong buhay ko kasi, hindi ko pa naramdaman na may tunay na nag aaruga sakin. Si papa na naman ay walang ginawa kundi ang mang-away at pa-iyakin kami sa bahay, wala naman siyang ipagmamalaki samin pero lahat nang gusto niya ay binibigay ni mama. Samantala si mama, ay palaging busy sa trabaho. Madalas nga ay hindi ko na siya naabutan sa bahay dahil lagi siyang aligaga sa pag pasok, sa tuwing gigising ako ay palaging may note nalang sa lamesa na nag papaalam at kumain nalang pag gising. Kaya naman all this time, wala akong ibang maramdaman kundi ang sarili kong existence. Aruga sa sarili, pag mamahal sa sari, at palaging ginawang busy ang sarili sa pag-aaral. Atleast kung mataas ang grade ko ay magiging proud sakin si mama. At maisip niya na worth it ang pag hahanap buhay niya araw-araw para maitaguyod ako, ang kaso kahit na saan lugar ka. Hindi mawawaka ang mga taong gusto kang hatakin pababa sa posisyon na meron ka. Impokrita lang ang mag sasabi na walang gano'n na nakakasalamha. Minsan nga ay natatawa ako sa mga ginagawa ko sa sarili ko, I do everything para magustuhan nila ako, to notice me pero ang natatanggap ko ay puro's negative lang. Negative sa pamilya, kaibigan at sa iba pang nakapaligid sakin. And that is reality, you can't please everyone to like you. Mas lalo na sa mga Filipino na sa sobrang kagustuhan na umangat ay gusto pa manira nang iba. Sana nga ay maganda 'yon, at ikwento nila sa iba kung paano sila umangat nang ganon. Napangiti ako nang mapakla nang marinig ang pagsara nang pintuan. Isa nalang ngayon ang gusto ko. 'yon ang gumaling at mag karoon nang peace of mind. Kahit wala naman kasi akong ginagawang masama, magugulat nalang ako na meron na akong ginawa sa kernto nang iba. Ang sarap ipatapon tuloy nila sa mars at doon na manirahan. Bumuntong hininga ako at kinuha si Meowmeow, apat na beses sa isang araw ko siya pinapakain para tumaba at lumbo. Ayaw ko siyang nagugutuman, kaya naman sa tuwing mag memeryenda ako ay nag mimeryenda din siya. Bumaba ako sa salas at nakita ko kaagad si tita na nakatayo habang may kausap sa harap niya. "Mama!" Tili ko nang masigurado ko na si mama nga 'yon. Tumakbo ako papalapit sa kanya, at biniba si meowmeow sa sahig at yumakap kay mama, "Monica," banggit ni mama sa pangalan ko. Hindi ko na mapigilan ang umiyak, habang yakap si mama nang mahigpit. "Mama, buti po pumunta ka na dito, susunduin mo nap o ba ako?" hopeless kong tanong sa kanya. Pero iling lang ang ginawa niya bago tumingin kay tita. "Monica, pumunta dito ang mama mo para dalhin ang mga gamit mo. Tuloy ang mama mo sa pag-alis niya nang bansa, pero sa ngayon ay dito na muna siya tutuloy," diretsong sabi ni tita bago tumango kay mama. "Ma," tumango din si mama sakin bago ako niyakap nang mahigpit. "Dito muna si mama sa tabi mo, aalis na ako sa wednesdaykaya gusto ko makasama ka muna." Na upo kaming lahat sa sofa. Habang nakatingin samin si tita at katabi ko naman si mama na umiiyak na. "Na gustuhan mo ba ang regalo naming sayo ni tita amika mo?" tanong ni mama na nakangiti. Habang tinitgnan si Meow na kumakain sa kusina at hindi na maistorbo. "Opo ma, alam na alam mo po na gusto ko nang aso," natutuwang sabi ko bago muling yumakap kay mama. Ayaw ko tanggalin ang yakap ko sa kanya, baka mamaya ay umalis nanamn siya at iwan ako mag isa pag pinakawalan ko pa siya. "Mabuti naman, habang wala si mama si meowmeow at tita Amika muna ang kasama mo. Okay?" tumango kay mama. "Kailangan ba talaga ma?" tanong ko kay mama. Kasi this time, kung kailangan iwan na namin si papa ay tatanggapin ko nalang, na hindi na mabubuo ang pamilya naming at kahit kalian hindi na ako magkakaroon nang matinong ama. "Kailangan, kaya naman ako aalis para sa'yo. Dalawang taon lang ako don, sinakto ko talaga na dalawang taon lang para Makita kita na umakyat sa stage," nakangiti niyang sabi sakin. Pero ang grade ko. Mukhang Malabo na maka-akyat ako sa stage, mas lalo na ngayon na ang lahat nang grade ko ay nag hihingalo na at pwedeng di na ako maksama. "Pero ma---," "No, ayos lang sakin kahit hindi ka na deans lister. Kung ano ang makabubuti at ikakasaya mo, anak, pasensya na sa ginawang pag pressure sayo ni mama," putol ni mama sa sinabi ko. Tumango ako sa kanya bago ngumiti. Marami pa akong tanong, pero siguro mamaya na kung kami nalang dalawa. Tumingin ako kay tita bago ngumiti nang matamis, alam ko naman na siya ang na papunta dito kay mama para magkita kami. Maswerte pa rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD