PAGKALITO

1410 Words

"AND please don't deny it, Ji. I know you still do." Naputol ang malalim na pag-iisip ni Jianna nang pagsiklopin ni Luther ang mga kamay nilang dalawa. Namalayan na lang din niya na suot na niya ang jacket nito para mas mainitan pa siya. Tiniis nito ang sarili na malamigan para sa ikakaginhawa niya. "P-paano mo nga pala nalaman na nandito ako?" sa halip ay tanong niya rito. "Hindi na ako nagpaalam kasi I'm sure na hindi mo ako papayagang mag-isang pupunta rito." "Nagtanong-tanong ako. Ayun. May isang photographer ang nakakita sa'yo kanina na kumukuha rin daw ng mga picture," sagot ni Luther. "Sinundan ko lang 'yong magagandang spot hanggang sa nakarating ako dito." "Paano na lang kung hindi mo ako nasundan dito? Baka tuluyan na akong nanigas sa lamig," mangiyak-ngiyak niyang saad.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD