“MISS?” Napalunok si Jianna nang magtama ang mga mata nila ng lalaki. Mukhang hindi na nga siya nito naalala dahil hindi man lang ito nagulat nang makita siya. Samantalang siya… Paano nga naman niya makakalimutan ang taong pinag-alalayan niya ng kaniyang virginity? Pero kung tama ang memorya niya at si Luther nga itong kaharap niya ngayon, ano ang ginagawa nito roon? Ito rin ba ang Sir Luther na big boss niya? Ngunit paano nangyari iyon? Paano niya babayaran ang utang niya rito nang hindi sinasabing anak niya si Gale? Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan habang nag-iisip ng sasabihin. Wala siyang balak na magpakilala rito, ipaalala ang nakaraan nila at sabihin ang tungkol kay Gale. Kahit limang taon na ang lumipas, malinaw pa sa memorya niya ang mga nangyari sa kanila noon. Mula sa

