MABILIS na inayos ni Jianna ang sarili nang marinig ng lalaki ang pagtawa niya nang mag-isa. Gusto niyang magpanggap na hindi niya ito nakita ngunit hindi niya magawa. She couldn’t even look away. Animo’y huminto ang lahat habang nakatitig siya rito na naglalakad palapit sa kaniya at may bitbit na malaking isda. Sa tingin niya ay halos hindi naman nagkakalayo ang edad nila. Tatlo o apat na taon lang siguro ang tanda nito sa kaniya. Kayumanggi ang kulay nito pero hindi maikakailang agaw-pansin na kahit malayo pa lang. Hindi niya alam kung bakit parang nanuyo ang lalamunan niya nang mapansin ni Jianna ang matiim din na pagtitig sa kaniya ng lalaki habang palapit nang palapit ito sa kaniya. Gusto niyang umiwas ng tingin dahil bigla siyang nahiya nang mahuli nito ang pagtitig na ginawa ni

