NAPAGTANTO ni Jianna na masarap din pala kausap si Marsean. Magaling itong magpayo kaya naman pansamantalang nakalimutan niya ang pinagdadaanang sakit. O baka tumalab na rin sa wakas ang dalawang bote ng vodka ns naubos na niya. Hindi kasi siya tinablan sa isa kanina. Pagkatapos nilang uminom ay hinatid siya ni Marsean sa kaniyang silid kahit ito man ay lasing na rin. Iyon lang ang huling natandaan ni Jianna bago siya nakatulog uli. Hapon na nang magising siya dahil sa sakit na nararamdaman. Napahagulgol na naman siya ng iyak at bumuhos ang kaniyang mga luha nang maalala ang nangyari. Ngunit biglang napahinto sa pag-iyak si Jianna dahil nakaramdam siya ng pagsusuka. Baka dahil hindi na siya sanay uminom nang marami at lalo pang humina ang tolerance niya sa alak kaya siguro ganoon ang

