Nagising na lamang ang batang si Li Xiaolong sa isang tabi ng damuhan. Pakiramdam niya ay nagkabali-bali ang katawan niya mula nang pagkagising niya. Naalala niya kung paano siya marahas na tumalsik mula sa paghawi ng malakas na hangin. Agad na inayos ng batang si Li Xiaolong ang kaniyang sarili at in-inspeksyon niya pa kung kumpleto pa ang mga parte ng katawan niya kung may nawala ba sa kaniya o wala. Agad namang napahinga ng malalim ang batang si Li Xiaolong nang mapag-alaman niyang walang nawala sa kaniya at walang malalang tama ang katawan niya mula sa malakas na pagkakabagsak sa lugar na ito. Napansin niya ang isang maliit na nilalang na nasa gilid niya lamang sa hindi kalayuan. Sugatan ito at napakaraming pasang natamo. Kitang kita niya na nagpupumilit itong makatakas mula sa pa

