Puro mga Xiantian Realm Expert ang mga ito; kung tutuusin ay masasabing malalakas din any mga ito dahil sa ini-emit na enerhiya ng bawat isang Xiantian Realm Expert dito. Hindi naman makapaniwala ang batang si Li Xiaolong sa kaniyang nakita. Napakatapang ng mga martial artists na ito upang lumabas sa gabi. Isa rin iyan sa advantages ng mga nilalang na mayroong espesyal na abilidad at mayroong malakas na panlaban sa mga halimaw sa gabing ito. Pero laking pasasalamat niya pa rin kung tutuusin dahil sa mga ito ay hindi siya nahanap o nadiskubre ng tuluyan ng nilalang na nakasuot ng jade mask kung hindi ay alam niyang nasa panganib siya. ... Nakita ni Li Xiaolong kung paanong mabilis na dumaan sa lugar na ito ang grupo ng mga martial artists na naglalakbay sa kailaliman ng gabing ito. Alam

