8 : Calm and easy

2623 Words
Bandang alas nuwebe nang maalimpungatan ako mula sa pag-idlip. The bus was dead silent and it seems like everyone is asleep. Maging ang katabi kong si Mon ay bulagta sa neck pillow niya. I put on my earphone as I read Raf's messages. RaFiend: You asleep? Guess you are. Sleep well, sleepy head We get passed your bus. I saw you. Di ka ba nakalunok ng insekto? Tuloy laway ka pa eh hahaha Namimilog ang mga matang nasapo ko ng wala sa oras ang bibig at kinapa ang gilid nito, para hanapin ang ebidensya ng akusasyon niya. I even fumbled using my phone's front cam to check for a drool. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang makumpirmang wala akong ganoon. Ngunit nang makabawi ay nanggagalaiti akong nagtipa ng reply sa kaniya. You: I don't drool. A fiend like yourself might thou Kabababa ko pa lamang ng cellphone sa kandungan ay nag-notif na kaagad ang reply niya. RaFiend: Hahaha the princess has finally awoken! What you up to? You: Musictripping. You? RaFiend: Same Wanna play a game? You: Game? Like what? RaFiend: Today's Feb fifteen so go to your music app and play the fifteenth song starting from the B's. I'll do the same then we both tell each other what song it is when it's finished. Game? You: On it Ginawa ko ang sinabi niya at pinakinggan ang kanta habang nakadungaw sa bintana ng bus. I was feeling silly for smiling with myself the whole time the song is at play. I was curious what song his are playing. Kaya't nang matapos ang kantang pinapakinggan ay agad akong nagtipa ng mensahe sa kaniya. You: Be your everything - boys like girls Yours? RaFiend: Be with you - this wild life The song isn't familiar to me so I searched it. At habang pinakikinggan ko ito'y binasa ko ang isa pang reply niya. RaFiend: Damn. Your song is in my fourteenth B's. Haha muntik na You: You have a blg song too? RaFiend: Songs Who doesn't? Hahaha You: Huh RaFiend: Pano ba yan? Guess it'll be our song then You: Anong ka-cornyhan nanaman pinagsasabi mo? RaFiend: Hahahaha how do you think it’s called a game if there isn’t any prize for the winner? You: O bakit nanalo ka ba ng lagay na ‘yon? RaFiend: It’s my game so I get to decide who wins You: Pangit ng laro mo RaFiend: Angal ka lang, Lew pero wala ka na magagawa hahahaha “Sana all happy… 'wag lang ngingiting mag-isa para 'di mukhang creepy,” anas ni Mon pagkalipat ng posisyon sa dinadantayang neck pillow. Her eyes are shut but she's smiling groggily, halos pang-asar. We settled on our assigned rooms upon arrival at the hotel. The girls are on third floor while the boys are on the second. The rooms are divided per grade and section. Kaya magkasama pa rin kami ni Mon pati nang iba kong kaklaseng babae. Pagkatapos magbaba ng gamit at mag-ayos ng mga sarili ay pinababa kami sa auditorium para sa opening remarks. Matapos ang madaliang pasada ng mga rules at mga gagawin para sa araw na iyon ay kumain na kami ng lunch. We did some reflections, games and the usual activities from our previous retreats. Nagulat pa ako nang maging kagrupo ko sa isang ice breaker game si Paul. Muntik ko nang nakalimutang grade ten din pala ang isang ito at syempre narito rin siya. “Hi.” Ngumisi siya agad sa akin nang makita ako mula sa kumpulan ng grupo namin. Tanging malamig na ngiti lamang ang isinukli ko sa kaniya bago nagpatuloy sa pakikinig ng mechanics ng laro. The game is called the shrinking vessel. Simple lang iyon, kunyaring nasa ‘sinking ship’ kami at ang tanging goal ay mag-stay sa border ng ship o lubid na siyang paliit nang paliit. In short, magmimistulan kaming mga sardinas para lang pagkasyahin ang mga sarili namin sa loob niyon. Team work, creativity at kaunting pagiging athletic ang kailangan kumbaga. Tig sasampu ang bawat grupo mula sa magkakahalong section. I don’t know anyone in my group except for this one douche. At hindi ko alam kung sinasadya ba niya o ng mga kagrupo namin na pagtulakan kaming dalawa. Wala naman akong pakialam kung kailanganing magbuhatan doon o ano. Ang problema lang ay nang maramdaman ko ang paghapit ni Paul sa baywang ko, kulang na lang ay yakapin at buhatin niya ako roon. “What?” Parang demonyito siyang ngumisi nang tinapunan ko nang matalim na tingin. May ilang katyawan at hiyawan mula sa ibang grupo nang mapuna kaming dalawa. Ang mga kagrupo naman namin ay pangisi-ngisi na animong may ikinatutuwa. Umirap ako. Saglit lang rin naman ang laro at wala namang mapapala sa akin si Paul kahit ano pang gawin niya rito. Lagpas isang buwan na rin naman ang lumipas at may bago nang girlfriend ang ungas. Kaya’t pinalampas at binalewala ko na lang iyon. Pagkatapos ng pang huling game ay sandali akong namahinga. “Thanks,” sulyap ko sa taong nag-abot ng bottled water matapos ko iyong kunin. Bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha ni Rafiele na naupo sa tabi ng inuupuan kong baitang. Nagtaas ako ng kilay. “What’s wrong with your face?” “Mukhang enjoy ka sa mga games ah? Lalo na ro’n sa ano, sa unang game? Enjoy ba kayo?” Muntik na akong nabulunan mula sa pag-inom. Ang ngiti ay dumudungaw na sa mga labi ko nang sinabing, “Oo, ’di ba ‘yon naman ang purpose ng laro? Ang mag-enjoy? Anong problema mo?” Bumuntonghininga siya bago ako nilingon sa tabi. Mukha pa rin siyang iritable ngunit nakuha nang ngumiti. “Wala naman. Parang gusto ko lang rin tuloy sumali sa mga games. May free hugs eh.” Tuluyan akong natawa sa narinig. “Dumbass.” Pilit niyang pinipigil ang ngiti nang magkatinginan kami matapos. “Bawal ba kayong sumali sa games?” Umiling siya. “Kami ang nag-organize. Daya nga eh.” Bahagya rin akong nadismaya pagkatango. Naligaw sandali ang tingin ko sa nagkukwentuhang grupo ng mga estudyanteng papasok ng building. Hanggang sa maramdaman kong may humaplos sa pisngi ko. “May harina ka pa sa mukha.” Ngumisi siya habang patuloy sa marahang pagpalis niyon sa pisngi ko. Nagtagal naman ang tingin ko sa kaniya, not aware of his smile reflecting on mine if it weren’t for our eyes locking. The next day was more packed with activities that starts early in the morning. Buong araw kong hindi nakausap si Raf, dahil abala sila ng mga kasama niya sa Student Council sa pag-organize ng mga activities at program. From time to time though, I would catch him steal a glance at me and when he saw me looking, whatever he's doing, he'll always smile, wave and gestures if I'm doing okay. Ginagantihan ko lamang siya ng tipid na ngiti at tango. Ilang sandali pang magtatagal ang tingin niya sa akin kahit may ginagawa. At saka muling ngingiti bago ako tuluyang pakawalan ng tingin. Sa pagtatapos ng araw ay pare-pareho kaming pagod kaya't matapos kumain at mag-shower ay kaniya-kaniya nang tulog. I tried to call Mom and Dad at nights but I was too exhausted that I dozed off in the middle of talking to them. It was like that until the last day. Simpleng floral top at mini maong skirt lang ang suot ko nang nasa auditorium na kami para sa closing remarks. The chairs are arranged on the four sides of the room, surrounding the stage in the middle, kaya’t magkakaharap ang mga estudyante. Sa pinakaunahang hilera ako nakaupo katabi si Mon at abala sa pakikinig nang bahagya niya akong siniko. “Those guys across from us are checking you out,” bulong niya. “Ha?” “Kanina pa nagbubulungan habang nakatitig sa ‘yo, gaga. ‘Di mo ba nararamdaman at napapansin man lang?” Tumaas ang kilay ko nang makumpirma iyon. Noon ko lang rin napansin na halos puro lalaki ang mga nakaupo sa tapat namin. Naiayos ko ng wala sa oras ang suot na maong mini skirt nang mapansin ang iba roong nakatingin sa legs ko. Ayos lang sana iyong ibang sumusulyap. Pero mayroon kasing ibang malala na talagang nakatitig pa rin kahit nasalubong na ang tingin ko. May pangisi-ngisi pang kasama! I couldn’t help but wince when I shuddered a little with the sudden creeps. “Ang sama na ng tingin no’ng isang staff sa kanila.” Mon giggled. Kasabay niyon ang ilang bulungan ng mga estudyante malapit sa amin. Palingon pa lamang sana ako sa tinitignan niya nang sumalubong ang pagyukod sa akin ng kung sino. Sunod kong naramdaman ang pagdampi ng kung ano sa hita ko. A jacket. “Raf?” Natitigilan pa ako nang mamataan ko ang pagtayo niya sa harap ko. Pinagtitinginan siya ng mga estudyante at mas lalong lumakas ang bulung-bulungan. Hindi ko sigurado kung dahil ba sa tangkad o dating niya kaya siya pansinin, o dahil siya lang ang nakatayo roon bukod sa teacher na nasa platform. Matapos sulyapan sandali ang katapat na row ng inuupuan namin ay nagbalik siya ng tingin. Mukha siyang galing sa pagsimangot, ngunit nang bumagsak sa akin ang mga mata’y mabilis nanlambot ang ekspresyon niya. He gave me a gentle and assuring smile when our eyes locked then. Kumalabog ang dibdib ko sa sandaling pagtititigan namin. “Ayos ka lang d’yan?” “Yea,” tango ko, natitigilan. Halos hindi na marinig ang nagsasalita sa stage nang dumagundong ang bulungan at ilang pigil na tili ng mga estudyanteng malapit. Si Raf naman ay tumangong pabalik sa akin habang bahagyang nakayuko at kumakamot sa dulo ng kilay. Isang ngiti pa ulit at tuluyan na siyang naglakad paalis. Nasundan ko siya ng tingin at natanaw ko ang pagsalubong sa kaniya ng ilang staff o miyembro ng Student Council. They were quietly teasing him, it shows on their impish smiles. Tanging iling at ngisi lang ang isinukli ni Raf sa mga kaibigan nang pabiro siyang pinagtutulak at tinapunan ng mga suntok nito. Monica was giggling while teasingly bumping her arms on mine. Napangiti na lang ako nang bumagsak ang tingin sa kulay lumot niyang bomber jacket sa kandungan ko matapos. Mula sa bulungan ay napalitan ng nakabibinging tawanan at hiyawan ang buong auditorium, dahil sa ginawang pagpuna ng nagsasalitang teacher sa ginawa ni Raf. Umirap lang ako at nakitawa nang naging tampulan ng asaran ang huli. Hapon na kami nakaalis sa hotel. The road was hazy with the drizzle. Hindi ko namalayan ang pagkakaidlip ko. Dala na rin marahil ng pagod. Malakas na ang ulan mula sa bintana ng bus nang naalimpungatan ako. Wala pa ako gaano sa huwisyo ng ilang sandali kong nayakap ang sarili mula sa ilalim ng suot na jacket. Hanggang sa unti-unti kong matanto ang pagdantay ko sa balikat ng katabi at ang pagdantay din nito sa ulo ko. Mon's head sure wasn't heavy though. Ngunit nang nahagip ng paningin ko ang damit na suot ng katabi ko'y agarang namilog ang mga mata ko't nawala ang antok. Panic settled in me as I immediately jumped away, realizing that it isn't Mon I was leaning onto and vice versa. It was a boy! Bahagya pa akong napadaing sa sakit nang bumangga ang braso ko sa may bandang bintana. And as I checked warily who the hell this boy could be, his head bobbed from the space I once occupied. Kasabay ng pagmulat nito nang namumungay pa sa antok na mga mata ay napaawang ang mga labi ko. “Rafiele?” Para akong nabunutan ng tinik nang makita siya. ‘Sing bilis ng pagbangga ng panic ang siya ring pagkawala nito. “Hey.” Sarado ang mga matang ngumiti siya. His voice was throaty from napping. “What's wrong? Nahihilo ka?” Napasadahan ko pa ng tingin ang kabuuan ng bus at ch-in-eck ang mukha ng mga kaklase ko para lang masigurong hindi ako namali ng bus na nasakyan. “What are you doing here? Where's Mon?” kalmado ko nang tanong ng matantong hindi ako nananaginip lalong hindi namali ng bus. He yawned, nagkukusot pa ng mata. “Mon is sleeping at the farthest back. She said she wanted to lie down.” “And you?” “I wanted to be here with you,” mapungay pa rin ang mga mata niya nang sinabi iyon habang nakatitig sa akin. My heart took a sudden leap at that. Hindi na ako nagtanong kung paano siya nakalipat ng bus dahil alam ko nang sagot. Kaya't wala akong ibang ginawa kundi ang titigan din siyang pabalik. Ang buhok niya'y bahagya pang magulo mula sa pag-idlip. And the silence with only the sound of the tapping rain and the solemn breathing of my classmates emphasized my fast beating heart. “I'm spent… can I lean on your head, please?” Nakangiti siya nang tamad na tinapik ang balikat kung saan ako nakadantay kanina. I gulped with the sudden boom in my chest but did what I was told anyway. Dahan-dahan akong sumandal sa upuan at muling dumantay sa balikat niya. My cheek is pressed on his broad and comfortable shoulder. No wonder I dozed off on it without even noticing his and Mon's exchange. I felt his head barely leaned on mine. It was warm. He was always warm. Despite the moist on the window from the cold heavy rain outside, the warmth from my chest enveloped me entirely. And just like breathing, being with him feels calm and easy… “Care for some music?” si Raf sa namamalat pa ring boses. Tinanggap ko ang isang pares ng earphone niya at ipinasak sa tainga. He tapped on his phone and a song started playing. Natawa pa ako nang marinig ang parehong kanta ng BLG kanina. The one he declared as our song. “Seriously?” “Seriously,” he slowly affirmed. I don't even have to look at him to know he's smiling. “This song is cheesy as hell,” pabulong kong kumento. “Kunyari ka pa, naka-save naman sa phone mo. That means you like cheesy songs too.” Ramdam ko ang baghagyang pagyanig ng balikat niya dahil sa ginawang paghalakhak. “Tss. Our song? Really? Sino bang tatalo sa ka-corny-han mo?” “Walang ibahan ng usapan. Aminin mo na lang na gusto mo rin…” After a few seconds of silence we both snorted which eventually turns into a manic quiet laughter, na para bang mayroong kung anong nakakatawa gayung wala naman. Both of us are slightly shaking from laughing. Until in all subtleness, inilahad niya ang nakabukas na palad sa kandungan. Bahagya pa akong natigilan ng agad mapagtanto kung para saan iyon. Ngunit nanatili akong kalmado, kahit nagwawala na naman ang kung ano sa dibdib ko. At animo’y maliit na bagay lamang ito nang dahan-dahan kong pinadausdos ang mga daliri sa palad niya. I held my breath as his warm, calloused palm clasped with mine in a painstakingly manner. Awang ang mga labi ko nang nagtagal ang tingin sa magkasalikop naming mga palad. He then gave it a light squeeze. Bahagya naman akong tumingala upang balingan siya. He was smiling from ear to ear when our eyes met. His are twinkling with bliss the same as mine, only with a hint of melancholy. Biting his lip, he squeezed my hand again. This time, his smile was reflected on mine too. At that slice of time, I felt alive in the truest and purest form. I’ve never known until that moment that life can be this beautiful. That feelings can be ecstatic to the point of being addictive. That it felt tangible you can almost touch it. At lahat ng iyon ay natanto ko dahil lamang sa isang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD