Kakasindi lang ni Hannah ng yosi habang minamaneho ang Hi-ace, sa tabi niya, binibilang ni Jules ang kumpol ng pera, after nilang i-encash ang cheke ng simbahan. Hinahati niya ito three-ways sa taas ng kanyang laptop. Sa likuran, nakapagpalit na si Father Markus sa civilian clothes at pinipilit niyang makatulog dahil malayo pa ang biyahe, pero nadadala siya sa pagbibilang ni Jules. "One for me...one for you...one for you..." bilang ni Jules sa pera. "'Wag mong kalimutan 'yung inabonohan kong gas," paalala ni Hannah. "P1k ang kinarga ko." "Yes, yes, don't worry," sabi ni Jules. "One for me...one for you...one for you...one for me..." "Teka! Bakit dalawa yung "one for me" mo?" angal ni Hannah. Sumimangot si Jules. "Anubah, umiikot lang 'yung pagkakasabi ko, hindi ko dinodoble noh!" sab

