"Welcome!" bati ni Mayor Arteza. Prinisent ng alkalde ang interior ng Anlunan Residence sa mga kakapasok pa lang na sina Jules, Hannah at Hepe. "Ang famous bahay na bato ng Quezon Province. Otherwise known as Anlunan Residence," sabi ng mayor. Napatingin din ang ibang bisita na nauna roon: dalawang 30-something na mag-asawa na may-ari ng Honda Civic at grupo ng limang 20-year old college students (tatlong lalaki at dalawang babae) na may dala ng Starex. Natuwa sila nang makita si Mayor. Namumukaan kasi nila ito dahil sa mga billboards ng mayor sa bayan, at mga election posters na hindi pa natatanggal sa mga pader pader. Kinawayan sila ni Mayor, all smiles. Tapos ay sumenyas siya kay Karen. Naglakad si Karen sa gitna. "My name is Karen. I'll be your tour guide," pagpapakilala ni Karen.

