Stop Over

876 Words
Tumatakbo ang Hi-Ace sa provincial highway, pabalik na ngayon tungo ng Maynila. Mataas ang sinag ng araw kung kaya't suot ni Hannah ang Ray-ban at nakababa din ang visor ng van. Hindi papatalo, naka-shades din si Jules, samantalang si Father Markus ay nakaupo sa likuran, naka-civilian clothes na ito: black polo shirt at gray na slacks. Tahimik siyang nakamasid lang sa bintana, sa view ng bukirin, puno at bundok. Umaga sila noong dumating sa simbahan, nananghalian muna at pasado ala-una nang sila'y lumarga. "Okay ka lang, Father? Tahimik natin a," sinisilip ni Hannah ang pari sa rear view mirror. "Okay lang," malayo ang tingin ng pari sa parang. Malalim ang iniisip. Nilingon ni Jules ang pari sa likod. "Relax, father, kaya natin ito. Kalimutan mo na'ng nangyari last time." Tumango si Father Markus, "Yes, Jules. 'Wag kang mag-alala sa akin." "Anyway," sabi ni Jules, hawak niya ang kanyang laptop. "Background lang ng family in question." Binasa ni Jules ang nakasaad sa laptop. "Trajico Family. Pangalan ng tatay ay Kanor, 52 years old, nanay ay si Ester, 48. Panganay na lalaki, Wendell, 16 years old, at si Roberta, o Berta. 6-years old na babae." Tahimik na nakikinig sina Father Markus at Hannah. "Nakatira sila sa Barangay Bunlak, Daigdigan, Quezon Province. Tubong Quezon si Ester, si Kanor naman ay galing Mindoro. Magsasaka ang trabaho ng tatay, nagaalaga din sila ng baboy, manok, kalabaw, kambing at pato." Natawa si Hannah habang nag-d-drive, "Quack quack. Parang zoo lang?" "Medical records ni Berta?" tanong ni Father Markus. "So far, ang nakuha ko lang na impormasyon ay yung binakunahan siya, although may report na tinigdas ang bata at nakitaan ng mga unusual na mga pasa. Ang kaso kasi, more on sa albularyo dinadala si Berta kesa sa clinic o ospital." "At bakit daw?" "Well, una, malayo ang clinic sa kanila, nasa bayan pa," explain ni Jules. "At may nangyaring insidente..." "Anong insidente?" tanong ni Hannah. "Nung nakitaan nila ang bata ng mga pasa ay ni-report ng duktor sa pulis. Kaya inimbestigahan ng mga pulis si Kanor for possible child abuse. So, simula noon natakot na sila na dalhin sa duktor sa bayan ang bata." "Syempre naman, baka makulong siya," comment ni Hannah. "Well, duh!" sagot ni Jules. "Rehilyoso ba sila?" tanong ni Father Markus. "Well...so-so. Okay lang." "History ng mental illness?" dagdag ng pari. "Well, yes, in a way," sagot ni Jules. "I mean, hindi hereditary. Nasa mental hospital ngayon yung nanay nung bata." "O, eh 'di may sira nga!" sabi ni Hannah. "Well, apparently, nasiraan lang ng bait a couple of years after isilang si Berta." Natahimik sila, iniisip na posibleng ang possession ang dahilan. Binuksan ni Hannah ang bintana at dinakma ang kaha ng yosi sa dashboard, at bago kumuha ng stick ay inalok si Father Markus. "Father?" "Sige, mamaya na lang," tanggi ng pari. Nagsindi ng yosi si Hannah. Nagbukas naman ng bintana sa kanyang side si Jules. Pagpasok ng masarap na ihip ng hanging probinsya ay dinama niya ito sa kanyang mukha. Ganun din si Father Markus, napasandal sa upuan nang abutin siya ng hangin sa likuran. Maging si Hannah. Alam ng tatlo na kailangan nilang damahin ang sarap ng hangin na ito pagkat hindi magtatagal ay haharapin nila ang malaking pagsubok. Dinaanan ng Hi-Ace ang road sign na nagsasabing "You are now leaving the Province of Pampanga." # Pababa na ang araw at nagsisimula nang dumilim. Ang kalangitan ay ngayo'y kulay grayish-blue na. Naka-park ang Hi-Ace sa gas station ng North Luzon Expressway. Maraming sasakyan ang nag-stop over para gumamit ng CR, bumili sa convenience store o kumain sa mga fastfood restaurants na nakahilera doon. Karamihan ay mga bakasyunista na galing sa iba't-ibang destinations sa Norte, halata mo dahil sa mga suot nila—naka-pang-beach, sando, board shorts, sandals. At halata mo dahil sa kanilang mga tan lines. Ang iba nama'y naka-sweater o jacket, at bonnet, na nakalimutan na nilang hubarin dahil feel pa nila ang lamig ng pinanggalingan. Sa isang coffee table sa labas, nakaupo sina Father Markus at Hannah, kapuwa nagyoyosi at nagkakape. Umalis si Jules at pagbalik niya'y may dala na siyang box ng donuts at siya'y naupo. "Donuts?" Binuksan niya ang box at nagkuhanan sila ng donut. "Hmm," sarap na pagkagat ni Hannah. "Thanks, Jules." "Anong thank you, hati-hati tayo sa bayad." Pakagat na sana si Father Markus, pero, binalik niya sa kahon ang donut. Pinigilan naman siya ni Jules. "Joke lang, father. Treat ko 'yan." Natawa si Hannah, at biglang natigilan nang may naalala. "Wait, pano nga pala fee natin dito? I mean, may pera ba sila?" "Well..." sagot ni Jules, at naghang ang word na ito sa ere. "Well?" nagaantay si Hannah. "'Wag mong sabihing kalabaw ang ibabayad nila?" Ilang na tumango si Jules, "Mahal naman ang kalabaw 'di ba?" "What?!" inis na bulalas ni Hannah. "f**k naman, Jules! Pano natin isasakay ang kalabaw na 'yan sa van ko! Inabonohan ko na ngang gas niyan e! Bakit kasi tumatanggap ka ng trabaho na ganyan? Wala bang mayayaman na mga sinasaniban?" Malakas boses ni Hannah, kaya't napatingin ang ibang customers sa kabilang mesa. "Donut pa?" nahihiyang alok ni Jules. Umiling na lang si Hannah at nagsindi ng panibagong yosi. May suggestion si Father Markus. "Tutal dadaan naman tayo ng Manila. Bisitahin natin si Bishop Israel, baka makahingi tayo ng pondo." "Good idea!" ngiti ni Jules. "Yes, buti pa si Father may kunsyensya," parinig ni Hannah. Tinignan ni Jules ang relo niya. "Okay, so, tara na." Nagtayuan sila at naglakad pabalik ng van. Dinig ang pag-start ng makina at pag usad nito. Bumukas ang headlights ng Hi-Ace. Inabutan na sila ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD