SIMULA

1173 Words
SIMULA GANITO talaga siguro kapag masyado ka nang pagod sa buhay mo. Iyong puro ka na stress at hilera ang problema mo. You will be numb and pointless. "Nag-aral ka sa Switzerland... ng nursing?" Putol na tanong sa akin ng head nurse, habang nakatingin sa aking Curriculum Vitae. Ngumiti lamang ako ng hilaw bilang sagot. "Parang baliktad ata? Ang iba ay nag-aral dito at magtatrabaho sa ibang bansa? Bakit ikaw ay napili mo rito?" Sasabihin ko ba sa kaniya ang totoo? Hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil mahal ko ang bansang ito, dahil sa loob ng seven years ay nagtago ako sa Switzerland. "I..." Hindi ko iyon masagot, dahil alam kong mas lalo ko lamang maipapahamak ang kalagayan ko rito. I have to hide here, I have to hide her... my daughter. “I really wanted to work here.” I didn’t flinch, kahit pa nagsisinungaling ako. Siguro ay nasanay na ako magsinungaling, kaya parang lahat nang nalabas sa bunganga ko ay totoo. The actual reason I want to work here is that I need to escape. Kahit alam kong delikado pa rin ako sa Pilipinas, dahil sa ginawa ng ama ko. The government here sucks, and I'm not going to lie—kasama na roon ang ama ko. “Luisa Cianna—” Hindi niya iyon natuloy, nang bigkasin ko ang apelido ko, “Krieger,” dagdag ko. “Luisa Cianna S. Krieger,” wika ko sa buong pangalan ko. Natatakot akong sabihin ang tunay kong apelido. S stand for Sy, and for sure—kapag sinabi ko iyan ay talagang maraming magkakandarapang patayin ako. “I see; are you married?” Tumaas ang dalawang kilay niya sa pagtanong n’yon. Mukha nga naman akong bata pa kung tignan. “Y-yes.” I can’t answer that properly, but I’m indeed married to a man I wanted to get rid of, Royce Light Krieger. “What is your greatest weakness?” Ibinaba niya ang kaniyang hawak na papel at tumingin mula sa mata ko. Kumurap-kurap pa ako sandali, dahil tila sa ganitong tanong ay nabablangko ang isip ko. “I-I’m scared,” una kong sagot, dahil pinipilit kong kumalma. “Scared of what?” “Of… losing someone.” Mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko, at ayaw ko naman na mawala pa sa akin ang trabaho na ito, kahit pa hindi ko naman alam kung makakapasa ako. “But I am working on it. Satingin ko ay matutulungan ako ng co-workers and mentors ko.” I saw her ghost smile and then fade away for a split second. “Ang pagiging registered nurse ba ang orihinal mong plano?” Siguro ay kailangan ko na lang talaga umamin sa kaniya, “No. I aspired to be a politician when I was a kid, kasi gusto kong tumulong sa bayan.” Masuri niya akong tinignan at pakinggan ang mga sagot ko. “And I changed my mind since being a politician is not what my heart desires. Makakatulong pa rin naman ako sa bansa ko, dahil registered nurse ako.” Tumungo-tungo lang siya sa akin. “Well, you can still help, kahit hindi ka registered nurse.” Balik niya sa akin. “I don’t think I can stitch wounds, kung ang kailangan nila ay pera.” Humalakhak lamang siya sa akin, “Humor! Iyan ang gusto ko! We nurses are often stressed in wards, maganda na may nurse na kayang i-control ang stress and emotions.” Tumayo siya sa akin at kinamayan ako. “I look forward to your growth as professionals, Luisa—” I cut her off, “Lucia, na lang, po.” “Lucia, alright.” But I'm curious how I'm going to grow as a nurse here. Noong nasa Switzerland pa ako ay iniisip kong magkasama kaming dalawa. Ako ang umaalalay sa lahat ng surgery niya, tumutulong at maaasahan. Lahat lamang ng iyon ay pangsarili kong kagustuhan lamang. He already helped me—siya na ang gumastos at nagpakain sa akin. Kahit ang ibigay niya ang apelido nito sa akin na wala naman nang napatunguhan, dahil narito na ako sa Pilipinas. Kakatapos ko lang sa aking shift sa ospital, matapos ang dalawang taon kong pagtatrabaho bilang nurse. “Tulong! Tulong!” Agad napalingon, nang marinig ko ang sigaw na iyon. Kahit ramdam ko ang pagod sa aking katawan at antok, ay para naman akong si batman kung tumakbo patungo sa batang babaeng nasigaw. May isang matandang babae na lumapit sa lalaking nakahandusay na daan at nanginginig. “Baka makagat niya ang dila niya—” Agad kong kinuha ang ilalagay niyang metal sa bunganga ng lalaking nanginginig. “Hindi po pwede ‘yan.” Agad naman tumayo ang matandang babae sa akin. Kinuha ko ang salamin ng lalaking maaring tumusok sa kaniyang mukha mula sa panginginig niya. “Baby, akin na ang bag mo.” Kahit kinakabahan ako ay kalmado kong hiningi sa batang naiyak ang bag niya at ibinigay iyon sa akin. Agad kong pinatong iyon sa ulo niya at tinulak ito patagilid. Tila akmang hihilain na ang paa ng lalaki ng matandang babae, nang masigawan ko ito. “Huwag!” Kita ko ang iritasyon niya sa akin. May ilang mga taong nakikitingin sa amin nang palayuin ko sila. “T-tumawag ka sa nine-one-one!” Turo ko sa isang lalaki at agad naman kinuha ang telepono nito. “A-ano pong number?” Tila natataranta niyang tanong sa akin, nang akmang ako na ata ang susunod na si-siezure dito! “Nine-one-one,” kalma ko pa ring sabi sa kaniya. Hindi ko pwedeng pabayaan na lang ito rito at may kasama pa siyang bata. Mas maganda na sa ospital na lang siya para hindi na rin mapano ang bata. Sa loob ng dalawang minuto ay kumalma ang lalaki, pero wala pa rin siya sa wisyo. “Baby, makinig ka kay Ate, okay? Maayos na si Daddy mo. Darating ang ambulansiya rito at magpahinga kayo muna roon. Hintayin mo na may magsundo sa inyo, ha?” Umiiyak pa rin ang batang tumungo sa akin. “Good girl,” wika ko sa kaniya at hinaplos ang buhok nito. Dumating ang ambulansiya, nang makita ako ni Sunny. “Anyare?” Agad niyang tanong sa akin. “Inatake,” tugon ko, nang buhatin nila ang lalaki sa stretcher habang nagsasalita sa gilid ko, “May mga bagong dating na nurses and doctors ngayon. Ang angas pa ng bagong Hospital CEO natin. Kami na bahala rito—” Hindi iyon natuloy ni Sunny, nang agad sumigaw ang isa naming kasamahan. “Tara na!” Sigaw ni Paul. Agad umalis sina Sunny at Paul, nang pulutin ko ang bag kong nasa lapag. Ngunit sa pag ikot ng ambulansiya ay bumungad doon ang isang lalaking nakasandal sa kaniyang expensive na sasakyan. His hands are in his black pants pockets. Wala akong nagawa kung hindi ang lumunok lamang. Baka hindi niya ako nakita! Agad akong tumalikod para tumakbo, ngunit hindi na ako magtataka sa bilis niya’t nahawakan nito ang braso ko. “Stop hiding from me, My wife.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD