Chapter 4 – Settling In for the Dream

1218 Words
“Mama, I still can’t believe that we’ll be living in this beautiful house. May work ka na ma?” Ayan na naman si little girl sa reality checklist nya. “I’m working on it bambina. Don’t worry.” “Okay po. Are we going to my new school today," ma?” “Nope, bukas na. I’ll be preparing for the house blessing kasi. We have guests mamaya. Do you want to know who?” “Sino po?” “Tita Mel and Tita Kris will be here later together with their kids.” “Really?! Kasama si Philip, Patrick and Liam?” Excited gurl? “Yes yes” At ayun nag simula na ang busy day ng ferson. Di na muna ako nagluto. I ordered a small catering service. Ilan lang naman kami. Di naman din nagtagal yung house blessing. And here I am with my ladies with four tornadoes running around the house. “Splook na beshie. What’s the T?” Mel opened. “The T? Malaking T, maliit na T?” Sagot ko sa kanya. “Loka! So ano nga? Where’s the afam?” I laughed. Talaga ba girl?! I’m no exotic beauty. Pwede naman sa akin half breed, half EU, or half German, half shepherd ganun. Charing! Sa ganda kong to?! Lord oh, away nya ko! Char! “Walang afam girl. Di nga naglalabas, di nga nag sosocmed tapos afam” “Sugardaddy?” Singit naman ni Kris. “Papasa pa ba ako na sugarbaby?” No offense sa age gap trope. “So ano nga?!” “Napulot ko.” Of course pabitin akis, Para may thrill “Ha?” “Napulot ko sa main branch ng PCSO” Sabay ngiting aso. Mukhang di ata nila nagets. Ang tahimik eh. “oh.my.god” “Balato!” Sabay pa talaga sila. At dun nagpatuloy ang Marehan session namin. I was arranging more food sa table para sa mga bagets. I was looking at them from the sliding door, andun sila sa may garden sa harap ng bahay, naglalaro. “Tita Clara, can we play with the baby across the street?” Biglang takbo at tanong sa akin ni Patty kulit. Baby across the street? Yung cute baby na gusto kong kagatin. “Eh di ko yun baby. Kayo baby ko. Tsaka di ko pa sila namimeet. Next time na lang po, pwede?” Kasi totoo naman. Alangan naman magsabi ako, hi po pwede pong pahiram ng baby nyo ang sarap pong kagatin eh. Di pa nga kakilala. “Ok po tita” At ayun tumakbo na si kulet. Tagal din naman kasi mameet ang kapitbahay. Si baby girl lang nakikita ko. Inaya ko na din sila sa terraceoof deck para doon mag convene ang mga tita (with the bagets syempre). Wine night lang ang peg plus babysitter. Nonomu responsibly in a chic elegant way. Char! Nasa table na kami dito sa terrace. Overlooking ng greens ng village at syempre yung mga bahay. Kwentuhan sa buhay-buhay. Tsismisan kahit di naman ako ganun kamarites. Nonchalant lang tong girlie nyo po. Very mabait, very observant, very prim and proper. Char! “Ano nang balak mo ngayon nyan beshie? May plano ka ba? Ang layo pa ninyo, lahat kami southies, Cavite, and Parañaque.” “Syempre may plano ako. Maraming plano. Pero ngayon school muna ni Kiara, then magpapatuloy ako sa law school, may time at pera na kong pahirapan ang sarili ko. Then syempre magbusiness. Pag may problema, syempre lilipad na lang ako sa mga bahay nyo.” Sagot ko naman kay Mel. “Sabagay, I know you. You’re not going to battle unprepared. Ang galing nga eh, you received the ultimate weapon for your dreams. #sanaallblessed.” Tawanan naman kami ni Mel. “Totoo, ang galing lang talaga ni Lord." Huminga ako ng malalim. "Ano ba gusto mo Givenchy, Prada, LV? Sabihin mo lang beshie. May maigifting man lang ako sa lahat ng naitulong mo sa tuwing kapos kapalaran ako." Huminto ako at huminga ulit ng malalim. "Pero Mel, thank you ha at nanjan ka always, especially sa hard times.” Nakatingin lang sya sa akin. Sabay hampas. Aray ha! “Baliw ka! Nagpapaiyak te?! Pero okay na ko sa Balenciaga.” Naluluha din tuloy ako. Lagi kasi talaga yang nanjan si Mel tuwing kapos na kapos na ko. Bilib daw sya sa pagiging single mom ko at kinakaya. Lahat sila ganyan, palibasa may mga jusawa. Inggit ka naman! Ayan na naman si conscience. Oo yoko na maging odd number wheel no. Pero syempre when it comes - it comes. Sabi ko sa isip ko. “Ca, ang gwapo pala ng kapitbahay mo. Nakilala mo na to?” Nagulat naman ako kay Kris na nasa may rail ng terrace. Kulang na lang telescope. Linaw ng mata ah. Di ko pa nga nakikita at namimeet. “Huy Kris may asawa ka na!” Saway naman ni Mel na nangingiti. “Ano ba itsura?” Pagpapatuloy nya. “Uy may jowa ka!” Segunda ko naman. Naglakad din sa amin pabalik si Kris at nagbalik upo, sabay inom ng wine. “Hala te anong nakita mo? Nakahubad ba?” Tanong ni Mel. Bigla kasing namula si Kris. Tumatawa na ko kasi para syang batang nahuli. “Sabi ko naman sayo wag kang namboboso. Susumbong kita kay bayaw nyan eh.” Panunukso ko. “Hala di naman eh. Half lang naman, hanggang pandesal lang naman nakita ko. Ang ganda rin ng mukha Ca. Imeet mo nga.” Suggestion pa ni Kris. Kaloka to si girl. Sumbong ko nga to sa asawa nya. Charot! “Mukhang pamilyado na yang kapitbahay ko. Yung baby lang ang nakikita ko jan eh. Ang cute sobra. Sarap kagatin ng cheeks.” “Uy Kris grabe ka ha. Ano ba itsura? Yummy ba?” Tanong pa ni Mel. “Hala pati ba naman ikaw Mel. Hello JC! Yung asawa mo oh.” Panunukso ko sa kanya. 'Tong mga to talaga. “Oo te. Parang feeling ko kaedad natin o matanda ng kunti. Pero yung abs girl. Mejo grumabe.” Kwento pa ni Kris. Grabe na talaga sila. “Tama nayan mga te! Kawawa naman kapitbahay ko sa inyo. Pinagnanasahan nyo.” “Silipin mo kasi dai!” “Ayoko nga. Mamaya yung asawa ang makita ko edi nagmukha pa kong ewan nun. Naninilip." At ayun si kuyang kapitbahay ang naging topic namin tapos nag iba pa, business, life plans ko daw and everything chismisan. Pinagsusundo na rin sila ng mga asawa nila nung kinagabihan. At si Kiara, ayun bagsak na sa kwarto nya. I returned to the balcony. I placed my arms on the rails for my muni-muni session. Ano kayang gagawin ko bukas after sa school ni Kiara? Maganda kung masimulan ko na si Floréa. Ang saya ng araw. Maingay, magulo, puno ng tawa. Pero pag tahimik na, I felt the weight settle in — the good kind of weight. The beginning kind. I was sipping wine. Napatingin ako sa tapat ko. Sa bahay sa tapat. I saw the baby girl again pero nakasiksik na sya sa leeg ni kuya guy na nakablack sando and grey sweatpants. Pero nakatalikod pa rin si kuya, hinehele si baby girl. Napangiti ako, ang ganda nilang tingnan. Time to go to bed. Marami pa kong gagawin bukas. #HanapinsiFloréa
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD