MENTAL'S POV: -- "ANO ba ang gusto mong pag-usapan natin?" Wika ko kay Alice kinaumagahan. Inaasahan niya na kasi ang pagdating ko kanina kaya naman walang nagawa si Kuya Perth kundi ang iwan ako nito sa bahay ng pinsan ko. Katakot-takot pang habilin ang natanggap ko mula kay Kuya Perth kahit na may asawa na ako, they always treat me as their little sister. "The elders asked me to bring you in Great Britain. They need a successor from you Metallica. Nalaman nilang lalaki ang anak mo at gusto nilang makilala ito at hiranging tagapag mana ng Britanya." Ani ni Alice habang magkaharap kami dito sa kanilang kusina. Maaga kasi kaming nagising at si Alice mismo ang naghahanda ng pagkain para sa aming lahat. Nandito rin si Herri at mukhang tulog pa ito although nakita niya naman ako kagabi ha

