MENTAL'S POV: -- SA isang hotel na pagmamay-ari ni Kuya Trev ginanap ang reception at talaga namang hindi mapuknat ang ngiti sa labi ng mga bisita namin ni Summer. "I'm so happy to be with you forever, Mental." Bulong sa akin ni Summer habang nakaupo kami sa love seat na siyang nasa gitna mismo ng hall kung saan ginaganap ang reception. Pinisil ko ang kamay ni Summer na nakahawak sa kamay ko. Wala na akong balak pang bitawan ang mga kamay na 'yon sa hirap o ginhawa man dahil buong puso kong ipinagkakaloob ang sarili ko sa isang Summer Dyrroth Santiago. Magsasalita na sana ako nang biglang maagaw ang atensyon namin ni Summer nang pumunta sa gitna si Saviel habang may hawak na mikropono. "Alright guys, maupo na kayo at sisimulan na natin ang programa para sa kasal ni Mental at Dyrroth.

