MENTAL'S POV: -- MAAGA akong nagising dahil pupunta ako ng Alegre Enterprises at sasamahan ako ni Herri at Alice para ipakilala sa kompanya bilang CEO dahil pinalayas ko na ang isa sa mga kapatid ni Daddy mula sa posisyon na 'yon. They don't deserve that company where my father put his life on. At ngayon ako naman ang tatayo para sa sarili ko at sa mga alaala na iniwan ni Daddy para lang maging maayos ang angkan ng Alegre. Masyado silang naging gahaman nang malaman nilang sa pangalan ko bumagsak ang yaman ng mga Alegre at hindi nila matanggap 'yon kaya pinahirapan nila ako ng sobra para lang makuha ang pirma ko. "Ready ka na?" Salubong sa akin ni Alice nang makababa ako ng hagdan habang nakasuot ng puting blouse at skirt na abot hanggang itaas ng tuhod para lumantad ang kaputian ko. "

