SUMMER'S POV: -- NAPAG-ALAMAN kong lupa pala ang pinagkakaabalahan nina Grandpa at Grandma dahil may balak ang mga ito ng bumili ng lupa sa probinsya para gawing sakahan ng mga palay at gulay. Isang umaga napag-usapan nila na mananatili sina Grandma at Grandpa dito sa Maynila. "Gusto mo na bang umuwi sa probinsiya, hija?" Baling ni Grandma sa babaeng weirdo matapos naming kumain ng agahan. Tatlong araw na rin ang lumipas at bukas na bukas din uuwi na dapat sila kaso hindi pa tapos ang nilalakad na papeles ni Grandma at Grandpa. "Kung pwede po sana? Nahihiya na rin po ako kay Tito at Tita eh." Sagot naman ng babaeng weirdo. "Don't be, Mental. Welcome ka dito sa bahay. Nababagot ka ba dahil wala kang kasama? Pasensya na may pasok rin kasi sa eskwela si Summer Dyrroth at Rain." Paghingi

