SUMMER'S POV: -- "Mula nang mamatay po ang magulang ko, pinagpasa-pasahan po ako ng mga kamag-anak ko. Gusto po nilang kunin ang pera na meron ako pero hindi po ako pumayag kaya kahit sarili ko pong kamag-anak, naranasan ko po yung hirap at pasakit mula sa kamay nila. Ito pong paso ng plantsa nakuha ko po sa Tita ko na kapatid ni Mommy. At ito naman pong malaking peklat sa hita, binuhusan po ako ng mainit na tubig no'ng isa ko pa pong Tita sa side naman ni Dad. At ito naman pong saksak ng kutsilyo sa tagiliran ko, nakuha ko po sa Mommy ni Alice, nakababatang kapatid ng Mom ko. Hindi po nila ako mapapirma sa mga papeles na pilit nilang ibinibigay sa akin kaya sa kahit anong paraan na maisip nila, ginagawa po nila para mapunta sa pangalan nila ang pera na iniwan ng mga magulang ko. Hanggat

