Kabanata 8 | Tabing Ilog

1054 Words
MAS LALONG NALUNGKOT si Ayesha. Lihim na pangi-ngiti si Tonyang sa reaksyon nito. Maya-maya pa nagraragasang yabag ng papalapit na kabayo ang narinig ni Ayesha. Lumingon si Tonyang sa kanan kung saan paparating si Macoy. "Here comes your prince, Princess Ayesha!" "Holy mackarel! Napapayag mo?" "Ako pa!" pagyayabang ni Tonyang. Mamaya niya na aayusin ang kalokahang ginawa. Lumapit agad ang nag-aalalang si Macoy kay Ayesha. "Anong nangyari, Ayesha?" nagaalalang tanong nito. "What happened?” “Oh, akala ko masama ang pakiramdam mo kaya pinuntahan kita.” “Nothing happened. Okay naman ako." "Antoinette!" sigaw ni Macoy. "Oops! Caught you in a lie," nag-peace sign agad si Tonyang kay Macoy,"kapag sinabi kong okay si Ayesha hindi ka naman pupunta. Gusto ka lang namin makasama dito sa tabing-ilog. Hindi pala kami . . . si Ayesha," ani Tonyang. "Puro ka kalokohan, Antoinette. Marami akong ginagawa. Pinag-alala mo ako sa wala." "Eh, 'di concern ka! Ligawan mo na kasi. Torpe-torpe kapa. Sasagutin ka naman niya. Ako bahala." "Maiwan ko na kayo," ani Macoy. "Macoy! Nakakahiya sa bisita ni Papa. Stay for a bit?" pilit ni Tonyang sa kaibigan. "Hanggang tanghalian lamang," sagot nito. "Fair enough." Mauupo sana ito sa tabi ni Tonyang ngunit . . . "Hoy! 'Wag diyan," sigaw ni Tonyang matapos ay tiningnan si Logan na nakatayo sa likuran niya," West dito ka. Doon ka sa kabila, Macoy . . . sa tabi ni Ayesha," ani Tonyang na tatawa-tawa. Naupo si Macoy sa tabi ni Ayesha. Kininditan naman ito ni Tonyang. Sumilay ang ngiti ni Ayesha. Ang ngiting 'humunda ka mamaya Antoinette!' Sa tabing-ilog. . . Pasulyap-sulyap si Macoy kay Ayesha. Ganoon rin naman ang dalaga sa binata. Nagmamasid lang naman si Cheska sa dalawa. Hindi ito nakatiis kaya binasag ang katahimikan. "Kumain na tayo. I am totally starving," ani Cheska. "Gutom? Sa dami ng kinain mo kanina. Gutom ka pa rin?" Cheska made a face to Tonyang. Then she made a malicious gaze at Ayesha and Macoy. Then she motioned for them to leave the two alone. "Gutom ka 'di ba?" Sinimulang ilabas ni Tonyang ang baon na mga pagkain.Tumulong naman si Logan. Habang si Usting at Andong ay may pinagtatalunan. "Ayan, Cheska. Ipagsasandok pa ba kita?" "Hindi na pala ako gutom. Tara mangabayo tayo," alok nito. Sabay hila kay Tonyang papunta sa anim na nakahelerang kabayo sa ilalim ng puno ng mangga. Nakita ni Tonyang na ika-ika si Arthur at mayr'on itong maliit na lapnos sa balat sa gawing kaliwang lapi. Paboritong kabayo iyon ng kaniyang Papa. Arthur is an Irish Thoroughbred racehorse na binili pa sa ibang bansa ni Ethan. Ito ang pinakamahal na kabayo sa El Rancho Echeverria na nagkakahalangang apat na milyon. Kung paano ito naitakas ng mga kakambal niya? Malamang nilansing na naman ang katiwala nila sa kuwadra. Sa kabi dahil baka madamay siya. Pasigaw na tinawag ni Tonyang ang dalawa kahit isang dipa lamang ang layo sa sakaniya. "Usting! Andong!" "Bakit Tonyang?" tanong ni Andong. "Anong nangyari kay Arthur?" "Eh,napilayan si Arthur. Si Usting kasi nakipagkarera kila Nolan at Ryder kanina papunta rito. Sinabi kong 'wag patulan. Ayon nag-set up ng trap ang mga gago. Hindi ko nakita 'yong patibong nahulog kami sa hukay." "Balak ka nilang ilibing ng buhay?" patawang sagot ni Tonyang rito. Maya-maya pa nakahawak na ito sa tiyan katatawa. "Walang nakakatawa, Tonyang. Lagot kami kay Papa. Alam mo naman gaano kahalaga si Arthur sa kaniya." "Sorry. Nasaktan ka?" "No, I'm fine." "Nenerbyos ako sa inyong dalawa.Walang mintis grounded tayong tatlo. Siste pati allowance tanggalin ni Papa. Paano n'yo naitakas si Arthur? Mga gonggong talaga kayong dalawa. Pangalawang araw ngayon ni Papa malamang mangangabayo 'yon at maglilibot sa kaharian niya. Kapag ako nadamay. Hmmph!" Then Ayesha interrupted . . . "Andong, iyong kabayo na lang ni Ayesha gamitin mo. Then, Logan can use Macoys. Tara na!" "Cheska! Anong binabalak mo?" ask Tonyang rolling her eyes. "Shhhh! Just adding some sparks to what you started." "Oh, okay. Are we borrowing, or are we taking?" "Taking! That sounds more fun!" "Loko ka Cheska. Gaganti 'yan si Ayesha." "Let's go!" Hinila na ni Cheska si Tonyang pasampa sa kabayo. Tumingin naman si gawin nila si Logan. "Logan! Let's go!" anyaya ni Cheska rito. Nagsimula naman mag-usap si Ayesha at Macoy. Parang maya sariling mundo ang dalawa. Sa ingay nila hindi man lang natinag sa pagtitigan ang dalawa. Nang makasampa na si Usting sa kabayo ni Ayesha. Saka lang nito na pansin na paalis na ang lima at iiwan na sila. "Hoy! Cheska! Antoinette! Saan kayo pupunta?" "Mamasyal!" "Sasama ako!" "Diyan ka lang! Entertain your suitor. Ang torpe-torpe. Pagkakataon mo na man ligaw," pang-aasar ni Tonyang kay Ayesha. "Ang kabayo ni Macoy ibalik n'yo!" Kumaway lang si Cheska at Tonyang kay Ayesha. Matulin nitong pinatakbo ang kabayo patungo sa rancho. Nang makalayo binagalan na nila ang galaw. Napansin naman ni Tonyang na marunong mangabayo si Logan. "You know how to ride?" NAINIS SI TONYANG dahil naisahan siya ni Logan subalit hindi niya iyon pinahalata. Nagustohan niya naman ang pasimpleng pagyakap nito sa kaniyang balakang habang matulin niyang pinatakbo ang kaniyang kabayo. Nagyabang pa siya kung gaano siya ka iksperto mangabayo. Iyon pala marunong naman ito. Nagmukha tuloy siyang tanga. “You know how to ride?” Ngumiti lang si Logan kay Tonyang. Iyong pilyong ngiti. "Why did you act — frightened earlier?" "You are a hustler rider,” sagot ni Logan. Seryoso na ang mukha nito habang kausap si Tonyang,” kahit sino aatakahin sa puso sa tulin mo magpatakbo ng kabayo." Inismiran ito ni Tonyang hanggang marating nila ang burol kung saan matatanaw na ang rancho at manggahan. "Nandito na tayo sa burol. Sa kaliwa mo ay ang hacienda ng mga Zendejas. Sa kanan naman hacienda ng mga Palermo.” Paliwanag ni Tonyang habang tinuturo ang mga lupain. “Hindi ba’t sainyo rin ang hacienda ang Zendejas?” “Hindi. Sa Lola Mama ko lang ang hacienda Zendejas. Hacienda at El Rancho Echeverria naman ang kay Popsie.” "Iyong tabing-ilog ang naghahati sa mga lupain n'yo?" "Yeap. Doon rin kami nagkakilalang tatlo. Oh, si Macoy rin pala." "Kaano-ano mo 'yong Macoy?" tanong ni Logan kay Tonyang na may himig pag-seselos. Sumingit naman si Cheska. "Don't worry. They are only friends. Deads na deads 'yon si Macoy kay Ayesha." "Ah," sagot nito."Saang banda ang rancho n'yo, Thalia?" "Malapit na."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD