She's gone. She left me. We stayed at the hospital for two days at kinailangan kong iwan siya sa ospital dahil may inasikaso akong importante pero nang balikan ko na siya sa ospital ay wala na siya. I can still remember kung paano ako nagwala ng hindi ko siya madatnan doon. Pinuntahan ko kaagad ang bahay ng kakambal niya dahil sigurado akong ito lang ang tatakbuhan ni Eunice pero wala rin. "Eunice! Eunice! Lumabas ka diyan! Magpakita ka sa akin, Eunice!" sobrang pagkalampag na ang ginawa ko sa gate ni Eugene. Hindi nagtagal ay lumabas doon si Eugene at madilim ang mukha nito. Matalim din ang binibigay nitong tingin sa akin. "Nasaan si Eunice? Nasaan ang asawa ko?" tanong ko rito pero suntok lang ang isinagot nito sa akin. "Wala kang asawa dito, gago ka! Niloko at pina-ikot mo ang kap

