CHAPTER 1.1

1295 Words
JEANN "Are you Miss Jeann Vasquez?" Napatingin ako sa babaeng nasa harapan ko. Nakasuot siya ng maayos na faculty uniform at may hawak na class record. Malumanay ang boses niya, pero halatang nagmamadali. "Yes, ma'am," maikli kong sagot habang tumatango. "Just wait here for a moment." Tumango lamang ako at bahagya siyang ngumiti bago muling isinara ang pintuan ng silid-aralan. Napabuntong-hininga ako habang nakasandal sa malamig na pader sa labas ng classroom. Ilang segundo pa lang ang lumipas ay narinig ko na ang boses ni Ma'am mula sa loob. "Okay, class! Magkakaroon tayo ng bagong kaklase ngayong school year kaya tumahimik muna ang lahat." Kasunod noon ay ang unti-unting paghupa ng ingay sa loob. Napangisi ako. Mukhang exciting ang magiging araw na ito. Makalipas ang ilang sandali ay bumukas muli ang pinto. "You may come in." "Thank you, Ma'am." Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Parang biglang huminto ang oras. Kanina ay maingay ang buong klase, pero ngayon ay kahit laglag ng karayom ay maririnig mo. Lahat ng mata ay nakatutok sa akin. May mga nakanganga. May mga nagbubulungan. May ilan pang napasinghap na tila ba may nakitang artista. Well... Hindi naman ako nagtataka. Ngumiti ako sa kanila—isang ngiting alam kong hindi umaabot sa mga mata ko. "Hello, everyone. I'm Jeann Zane Vasquez. Galing ako sa Elite Section at simula ngayon dito na ako mag-aaral. Sana ay magkasundo tayong lahat." Pagkatapos kong magsalita ay may narinig akong malakas na sipol mula sa likod. "Ang ganda naman!" "Pwede bang ako na lang ang katabi mo?" Napailing ako. Mga manyakis. Hindi ko na lang pinansin ang mga iyon at inilibot ang tingin sa buong silid. Doon ko siya nakita. Isang lalaking nakaupo sa pinakadulong bahagi ng classroom. Nakasandal ang ulo sa kamay habang tila walang pakialam sa nangyayari. Hindi man lang siya tumingin sa akin noong una. That's Kaito Rin Sebastian. Ngunit nang maramdaman niyang nakatingin ako sa kanya, dahan-dahan niyang iniangat ang ulo niya. Nagtagpo ang mga mata namin. Malamig. Matalim. At parang walang emosyon. Katabi niya ang isang babaeng halos nakakapit na sa braso niya. Anne. Kung tama ang mga narinig kong tsismis bago pa ako lumipat rito, siya ang isa sa pinakasikat na flirt sa campus. Halos lahat ng guwapong lalaki ay nilalandi niya. Kasama pa niya ang dalawa niyang kaibigan na halos pareho rin ng ugali. Birds of the same feather flock together. Hindi na ako nagtaka. Ngunit ang lalaking nasa tabi niya... Si Nathan Del Valle. Isa sa pinakasikat na estudyante ng buong eskuwelahan. Mayaman. Matalino raw noon. Pero ngayon? Pabaya. Pala-absent. Laging tulog sa klase. At higit sa lahat... Siya ang dahilan kung bakit ako inilagay rito. Napansin kong diretsong-diretso ang tingin niya sa akin. Mula ulo... Hanggang paa. Para bang sinusukat niya ako. Tinaasan ko siya ng kilay. As if I care. "Miss Vasquez." Napalingon ako kay Ma'am. "You may sit beside Mr. Del Valle." Napakurap ako. Seriously? Sa lahat ng bakanteng upuan... Sa tabi pa talaga ng lalaking iyon? Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Habang naglalakad papunta sa upuan ay naririnig ko ang mga bulungan ng mga kaklase namin. "Patay..." "Siya ang magiging tutor ni Nathan." "Kawawa naman." "Sigurado akong hindi tatagal." Hindi ko sila pinansin. Tahimik akong umupo sa tabi niya. Hindi man lang siya lumingon. Nakasubsob lang siya sa mesa at ilang segundo pa lang ay nakatulog na ulit. Napailing ako. Ito ba ang estudyanteng kailangan kong tulungan? Good luck na lang sa akin. Nagpatuloy ang klase. Habang nagtuturo si Ma'am ay seryoso akong nagsusulat ng notes. Hindi ako sanay na walang ginagawa. At kung kailangan kong turuan ang lalaking ito, mas mabuting handa ako. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa kanya. Tulog pa rin. Ni hindi man lang gumalaw. Mukhang sanay na sanay na ang teacher sa ginagawa niya dahil hindi na rin siya pinagsabihan. Makalipas ang halos isang oras ay tumunog ang bell. "Okay, class. Dismissed." Nag-unahan nang tumayo ang mga estudyante. Nag-ingay muli ang buong classroom. Samantalang ang katabi ko? Tulog pa rin. Huminga ako nang malalim. "Ehem." Wala. Hindi man lang gumalaw. Mas nilakasan ko. "EHEM!" Tahimik pa rin. Napapikit ako. Unti-unti nang nauubos ang pasensya ko. Inabot ko ang notebook ko at marahang itinapik iyon sa ulo niya. Wala pa rin. "Bahala ka." Sa pagkakataong iyon ay tuluyan ko na siyang binatukan. "Aray!" Bigla siyang napabangon. Hawak ang ulo ay galit niya akong tiningnan. "What the hell?!" "Finally." Nakaakbay ako sa sandalan ng upuan habang nakataas ang isang kilay. "Akala ko habang-buhay ka nang matutulog." "Ano bang problema mo?" singhal niya. "Ikaw ang problema." Napatingin na sa amin ang lahat ng estudyanteng palabas na sana ng classroom. "Hoy," sabi ko. "Hindi mo ba alam kung bakit nandito ako?" "Ano'ng pakialam ko?" Tumayo siya. Mas matangkad siya sa akin nang halos isang ulo. Pero hindi ako natinag. "Binayaran ka ba para turuan ako?" Ngumisi siya nang mapang-asar. "Don't worry." Lumapit pa siya. "Dodoblehin ko ang bayad." Nanlaki ang mga mata ko. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa sobrang kapal ng mukha niya. "Excuse me?" Hindi ko namalayang lumakas na pala ang boses ko. "Hindi ako narito dahil gusto kita." "Good." "At lalong hindi ako mabibili ng pera mo." Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Talaga?" "Oo." "Then leave." Parang sinampal ang pride ko. Tinalikuran niya ako at nagsimulang maglakad palabas ng classroom. "Hoy!" Hindi siya huminto. Mabilis kong hinabol siya. Sa sobrang inis ko ay hinawakan ko ang balikat niya. Humarap siya. At bago pa siya makapagsalita... Pak! Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya. Tahimik. Lahat ay natigilan. Maging ako ay bahagyang napasinghap matapos kong magawa iyon. Hindi ko alam bakit biglang gumalaw ang kamay ko at dumapo sa pisngi niya na parang may sariling buhay. Dahan-dahan niyang ibinalik ang tingin sa akin. Mapanganib ang mga mata niya. "Huwag mo akong susubukan," malamig niyang sabi. "You don't know me, hindi mo alam kung anong kaya kong gawin, even if you're a girl." Mahigpit niyang hinawakan ang pulsuhan ko. Napangiwi ako. Ang lakas. Pakiramdam ko ay mababali ang buto ko. "Bitawan mo ako." Pagbabanta kong sabi sa kaniya. "No." Lalong humigpit ang hawak niya. Ramdam kong namumula na ang balat ko. Unti-unti ring nawawala ang pasensya ko. "I'm warning you Mister Nathan. Bitaw." Hindi siya sumagot. Sa halip ay marahas niyang itinulak pababa ang kamay ko bago ako tuluyang tinalikuran. Nanigas ako sa kinatatayuan. Sa buong buhay ko... Ngayon lang may taong naglakas-loob na tratuhin ako nang ganoon. At sa harap pa ng napakaraming estudyante. Naririnig ko ang mga bulungan. "Napahiya si Jeann." "Grabe si Nathan" "Patay..." Pakiramdam ko ay kumukulo ang dugo ko. Hindi. Hindi ito matatapos nang ganito. Huminga ako nang malalim. Pagkatapos ay mabilis akong tumakbo palapit sa kanya. "Nathan!" Lumingon siya. Ngunit huli na ang lahat. Buong lakas kong ibinuhos ang kamao ko sa kanyang mukha. Pak! Tumagilid ang ulo niya. Napaatras siya ng ilang hakbang bago tuluyang mawalan ng balanse. Bagsak! Diretso siyang bumagsak sa sahig. Napasinghap ang buong klase. May mga estudyanteng napasigaw. "Sinuntok niya si Nathan!" "Oh my gosh!" Humihingal kong hinilot ang kamao ko. Masakit. Pero mas masakit na natapakan ang pride ko kanina. Unti-unting lumapit ang mga kaklase namin kay Nathan na nag-aalala. Kahit si Kaito na kaibigan nito ay lumapit na rin. May yumuko para tingnan ang kalagayan niya. "Uy..." "Hindi gumagalaw." Sagot ng Mayor sa klase. "Hoy, Kaito! Si Nathan!" Napalunok ako. Hindi kaya... Napalakas ang suntok ko? Pero kasalanan rin niya dahil pinuno niya ang pasensya ko. Nanigas ako habang nakatitig sa lalaking nakahandusay sa sahig. At sa unang pagkakataon... Naisip kong baka nagsisimula pa lang ang pinakamalaking gulong papasukin ko sa buong buhay ko. "What have you done?!" Galit na sigaw ni Kaito na ngayon ay buhat si Nathan na walang malay. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD