JEANN
There are only two things I hate in this world.
First, waking up early.
Second, realizing I overslept on the most important day.
And unfortunately... It's worst.
Unti-unti akong namulat dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Napapikit pa ako habang kinapa ang kumot at pilit itong hinila para takpan ang mukha.
Five more minutes...
'Yon lang naman ang hinihingi ko sa mundo.
Tahimik ang buong kwarto. Wala ang ingay ng alarm clock na palagi kong kinaiinisan tuwing umaga. Tanging mahinang huni lamang ng mga ibon sa labas ang naririnig ko.
Nakangiti pa akong yumakap sa unan.
This is nice.
For once, ang peaceful ng umaga ko.
Ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay may kung anong bumabagabag sa isip ko.
Parang may nakalimutan ako.
Mabagal akong dumilat at tumingin sa digital clock na nakapatong sa bedside table.
8:27 A.M.
...
Saglit akong natigilan.
Pagkatapos ay parang tumigil ang mundo.
"WHAT?!"
Napabalikwas ako ng bangon.
Nanlaki ang mga mata ko habang paulit-ulit na tinitingnan ang oras.
"Hindi..."
Mabilis kong hinablot ang cellphone ko.
Friday.
June 26.
At sa mismong screen ng phone ko...
RESEARCH PAPER SUBMISSION
Nanigas ang buong katawan ko.
Unti-unti kong ibinaba ang cellphone habang nakatingin lang sa kisame.
"...Patay."
Kasunod noon ang isang malakas na sigaw.
"AAAAAHHHHH!"
Napasabunot ako sa sarili kong buhok.
Sa dami ng pwede kong makalimutan...
Assignment.
Quiz.
PE uniform.
ID.
Calculator.
Bakit ang research paper pa?!
Kung minamalas ka nga naman, hindi na talaga kailangang magpakilala.
"Hindi pwede! Hindi ako pwedeng bumagsak!"
Tumalon ako pababa ng kama at halos madapa sa sariling tsinelas.
Nagkalat ang mga libro sa sahig, ang uniporme ko ay nakasabit pa sa upuan, at ang bag ko ay nakabukas pa mula kahapon.
"Jeann!" sigaw ni Mommy mula sa ibaba. "Gising ka na ba?"
"Opo!"
"Gusto mo bang almusal?"
"Hindi na po!"
Mabilis kong sinuot ang uniporme kahit baliktad ang necktie.
Nang matapos akong magbihis, saka ko lang napansing magulo pa ang buhok ko.
"Wala nang oras."
Hinila ko na lamang ito pataas at itinali sa simpleng ponytail.
Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, halos lumipad ako pababa ng hagdan.
"Anak!" tawag ulit ni Mommy.
Huminto ako sandali.
Nasa kusina siya, suot ang apron at may hawak na sandok.
"Ano bang nangyayari sa'yo?"
Lumapit siya sa akin at inayos ang kwelyo ko.
"Late ka na naman ba?"
Napakamot ako sa batok.
"Medyo."
"Medyo?"
Tumaas ang isang kilay niya.
"Jeann Vasquez."
"Ano?"
"Huwag mo sabihing ngayon ang deadline ng project mo."
...
Hindi ako sumagot.
Napabuntong-hininga siya.
"Nakalimutan mo."
Napakamot ako sa ulo.
"Konti lang."
"Konti?"
"Okay... nakalimutan ko talaga."
Pinisil niya ang noo niya na para bang sumasakit na agad ang ulo.
"Jeann."
"Hmm?"
"Hindi ka na bata."
"I know."
"College ka na."
"I know."
"Dapat responsable ka na."
"I know..."
Napailing siya.
Mabilis niyang inilagay ang isang sandwich sa paper bag bago ito iniabot sa akin.
"Kahit papaano, kumain ka."
Ngumiti ako.
"Thank you, Mom."
Humalik ako sa pisngi niya.
"Love you."
"Love you too."
Pagkalabas ko ng bahay ay agad kong tinawagan ang isang tao.
Dianne Torres.
Ring.
Ring.
Ring.
Walang sumasagot.
"Come on..."
Tinawagan ko ulit.
Ring.
Ring.
Ring.
Voicemail.
"Seriously?"
Muli kong sinubukan.
Wala pa rin.
Napabuga ako ng hangin.
"Kapag hindi ka talaga sumagot ngayon, Dianne, isusumpa ko ang future love life mo."
Pagdating ko sa Hustone University ay halos tumalon ako palabas ng sasakyan.
Bitbit ang bag at paper bag na may lamang sandwich, mabilis akong tumakbo papasok ng campus.
Ang ibang estudyante ay naglalakad lamang nang kalmado.
Samantalang ako...
Parang kalahok sa Olympics.
"Excuse me!"
"Sorry!"
"Tabi muna!"
Halos mabangga ko ang dalawang freshmen na may hawak na iced coffee.
"Miss!"
"Sorry po!"
Hindi ko na sila nilingon.
Kailangan kong maabutan si Professor Roy.
Kung hindi...
Goodbye grades.
Habang tumatakbo ako sa hallway, nakita ko ang pamilyar na likod ng propesor naming palabas na ng building.
"Naku!"
"Sir!"
Hindi siya huminto.
"Sir Roy!"
Mas binilisan ko ang takbo.
"Sir!"
Huminto rin siya sa wakas.
Dahan-dahan siyang lumingon.
Nakakunot ang noo.
At gaya ng dati...
Mukhang galit na naman siya sa mundo.
"Ms. Vasquez."
Napahawak ako sa dibdib habang hinihingal.
"Good morning... po..."
Tiningnan niya ang relo sa kaniyang pulsuhan.
"Good?"
Bahagya siyang natawa.
"It's already past eight-thirty."
Napayuko ako.
"Sorry po, Sir."
"Bakit late ka?"
Kagat-labi akong napaisip.
Ano na namang dahilan?
Nagkasakit ba si Mommy?
Na-flat tire?
Brownout?
Traffic?
Bigla akong napapikit.
"Sir... kasi po—"
"Huwag."
Napahinto ako.
"Ilang beses na kitang narinig."
Tahimik kaming nagtitigan.
"Tuwing male-late ka, lagi kang may dahilan."
Napakagat ako sa labi.
Hindi naman kasi pwedeng sabihin kong...
Nakalimutan ko lang.
Mas nakakahiya 'yon.
"Sir..."
Mahina kong sabi.
"Hindi na po mauulit."
Huminga siya nang malalim.
"Alam mo ba kung ilang beses ko nang narinig ang linyang 'yan mula sa'yo?"
Tahimik lang ako.
"Lagi mong pinapataas ang blood pressure ko."
Napangiwi ako.
"Sorry po."
Tumalikod na siya.
Nagsimula na siyang maglakad.
At doon ko naisip...
Kapag hinayaan kong umalis siya ngayon...
Sigurado nang zero ang research paper ko.
Kaya mabilis akong humabol.
"Sir!"
Napahinto siya.
Lumapit ako at halos magmakaawa.
"Please."
Isang salita lang.
Isang pagkakataon lang.
"Bigyan n'yo po ako ng hanggang bukas."
Hindi siya nagsalita.
"Ipapasa ko po ang research paper. Promise."
Tahimik pa rin.
"Gagawin ko po ang kahit anong ipagawa ninyo."
At doon...
Unti-unti siyang ngumiti.
Ngunit hindi iyon ang ngiting gusto kong makita.
May kakaibang kislap sa mga mata niya.
Parang...
May matagal na siyang hinihintay.
"Really?"
Mahinahon niyang tanong.
Tumango ako.
"Opo."
Humalukipkip siya.
"Then it's a deal."
Napalunok ako.
"Tomorrow."
Tumango ako nang mabilis.
"Thank you po, Sir!"
Ngunit bago pa ako tuluyang makahinga nang maluwag...
Dinagdagan niya ang sinabi niya.
"But in exchange..."
Bahagya siyang ngumiti.
"May ipapagawa ako sa'yo."
Napatigil ako.
"Ano pong gagawin ko?"
Hindi siya sumagot.
Sa halip ay inayos lamang niya ang kaniyang salamin bago ako tinapik sa balikat.
"Malalaman mo mamaya."
At iniwan niya akong nakatayo sa gitna ng hallway.
Tahimik.
Naguguluhan.
Habang may kakaibang kutob na unti-unting bumabalot sa dibdib ko.
Pakiramdam ko...
Hindi research paper ang pinakamalaking problemang haharapin ko ngayong araw.
At hindi ko pa alam...
Na ang simpleng pabor na hinihingi ko ay tuluyang magpapabago sa buong buhay ko.
To be continued...