Chapter 1.3

1080 Words
JEANN Writing “Baliw ka na ba? Umalis ka nga sa daan!” sigaw ko sa kanya habang madiing nakahawak sa manibela. Halos tumalon ang puso ko nang bigla siyang humarang sa bintana ng kotse at walang sabi-sabing binuksan iyon. “Bwiset ka! Umalis ka sa kotse ko!” “Damn! Stop this car!” sigaw niya pabalik. Bago pa ako makapalag, mabilis niya akong itinaboy sa kabilang upuan at siya na mismo ang humawak ng manibela. Napahawak ako sa dashboard habang mabilis niyang inapakan ang silinyador. “Hoy! Ano ba—” Hindi niya ako pinansin. Sa unang pagkakataon, napansin kong nanginginig ang kaliwang kamay niya. May dugo ring tumutulo mula sa gilid ng tiyan niya, tumatagos sa itim niyang polo. Kahit matigas ang ekspresyon niya, halatang hirap na siyang manatiling gising. “Wah! Buwiset ka! Can you just slow down?!” halos mapasigaw ako habang humaharurot ang kotse sa madilim na kalsada. Hindi siya sumagot. Mariin lang siyang nakatitig sa daan habang paminsan-minsan ay sumusulyap sa rearview mirror. Para bang may humahabol sa amin. Napakagat ako sa labi. Hindi ko maintindihan kung bakit ako natatakot. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kahit gustong-gusto kong tumalon palabas ng kotse, may parte sa akin na nagsasabing mas ligtas akong manatili sa tabi niya. Ilang minuto pa ang lumipas bago kami huminto sa harap ng isang abandonadong bahay sa gitna ng masukal na lugar. Tahimik. Madilim. Nakakatakot. Lumabas agad si Kaito ng kotse na parang walang nangyari. Napasandal siya sandali sa pinto bago muling tumuwid. Napatingin siya sa akin. Tinaasan niya ako ng kilay. “What?” “Ano?” inis kong tanong. Umirap lang siya. “Lumabas ka.” “Excuse me?” “Hindi ka pwedeng manatili sa kotse.” Napabuntong-hininga ako bago padabog na bumaba. “Kung ano man ang ginagawa niyo rito, wala akong pakialam. Basta gusto ko nang umuwi.” Hindi siya sumagot. Naglakad lang siya papasok. Napailing ako. “Ang yabang talaga.” Sinundan ko siya sa loob dahil ayokong maiwan mag-isa sa labas. Nang bumukas ang lumang pintuan ng bahay ay agad akong sinalubong ng amoy ng alikabok at lumang kahoy. Ngunit mas nagulat ako sa dalawang taong naroon. “What the—! Ano'ng ginagawa ng babaeng 'yan dito?!” iritableng sigaw ni Nathan habang nakaupo sa sirang sofa. “Chill, dude,” awat ni Ice. Napangiti sana ako nang makita si Ice. Pero nawala rin iyon nang makita ko ang seryosong ekspresyon nilang lahat. Hindi ito simpleng tambayan. May kung anong mabigat na nangyayari. Inirapan ko si Nathan. “Masaya ka na? Nakita mo na ako?” “Hindi.” “Good. Pareho tayo.” Napairap siya. Lumapit naman si Ice. “Jeann...” Bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nanigas ako. Pakiramdam ko ay may dumaloy na libo-libong boltahe sa buong katawan ko kaya mabilis ko siyang naitulak. “B-bakit mo ako pinipigilan?” “Hindi ka pwedeng umalis.” “Bakit?” Nagkatinginan silang tatlo. Tahimik. Napansin kong may benda rin ang balikat ni Nathan. Si Ice naman ay may pasa sa panga. Samantalang si Kaito ay patuloy lang na naninigarilyo habang nakasandal sa dingding. May nangyari. At sigurado akong hindi iyon maliit na bagay. “Ano ba talaga ang tinatago niyo?” tanong ko. Walang sumagot. Lalong uminit ang ulo ko. “Fine! Hindi ko problema ang buhay niyo.” Tatalikod na sana ako nang marinig ko ang malamig na boses ni Kaito. “Hayaan niyo siya.” Napahinto ako. “Kung gusto niyang umalis... umalis siya.” Hindi ko alam kung bakit pero parang may kumurot sa dibdib ko. Parang... gusto kong marinig na pigilan niya ako. Napailing ako. Ano ba ang iniisip ko? Padabog akong lumabas ng bahay at bumalik sa kotse ko. Mabuti na lang at kabisado ko pa ang dinaanan namin. Habang nagmamaneho pauwi ay paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mukha ni Kaito. Hindi ko maintindihan. Bakit kahit sugatan siya, parang wala siyang nararamdaman? Bakit parang sanay na sanay na siya sa ganoong sitwasyon? At higit sa lahat... Sino ba talaga siya? Pagdating ko sa bahay ay gaya ng dati, madilim na naman. Tahimik. Walang naghihintay. Walang magulang. Walang pamilya. Kasambahay lang ang sumalubong sa akin. “Good evening po, Ma'am Jeann.” “Good evening.” Pilitan akong ngumiti bago dumiretso sa dining room. Tahimik akong kumain. Habang sinusubo ko ang pagkain ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari kanina. Nakakainis. Nakakagulo ng isip. Pagkatapos kong kumain ay umakyat agad ako sa kwarto. Mainit ang tubig sa bathtub. Unti-unti nitong pinawi ang pagod ko. Ipinikit ko ang mga mata ko. Ngunit sa bawat pagpikit ko... Mukha ni Kaito ang nakikita ko. Ang duguan niyang polo. Ang seryoso niyang mga mata. Ang paraan ng pagtitig niya sa rearview mirror. Para bang... May tinatakasan siya. Napamulat ako. “Ano ba naman, Jeann. Bakit siya pa ang iniisip mo?” Lumabas ako ng banyo at nagsuot ng pantulog. Kasasandal ko pa lang sa kama nang tumunog ang cellphone ko. Caller ID: Dianne. Sinagot ko agad. “Hello?” “JEANN!” Napangiwi ako. “Pwede bang huwag kang sumigaw?” “Nabalitaan mo ba?” “Alin?” “'Yung lalaking nambastos sa'yo!” Napakunot ang noo ko. “Oh, ano naman ngayon?” “Patay na siya.” Nanlaki ang mga mata ko. “Ano?” “Buksan mo ang TV!” Agad kong kinuha ang remote. Ilang segundo lang ay bumungad ang breaking news. Natagpuan ang bangkay ni Julius sa isang abandonadong warehouse. Mahigit sampung tama ng bala. Wala nang buhay nang matagpuan. Napatakip ako ng bibig. Hindi... Hindi maaari. Biglang nag-flashback ang nangyari kanina. Ang dugo sa damit ni Kaito. Ang mga sugat nila Ice. Ang seryosong mukha ni Nathan. Hindi kaya... Sila? “Sino kaya ang gumawa no'n?” tanong ko. “Mabuti nga sa kanya,” inis na sabi ni Dianne. “Napakabastos niyang lalaki.” Tahimik ako. Hindi ko alam ang sasabihin. Pagkatapos ng ilang minutong pag-uusap ay nagpaalam na rin kami. Pagkapatay ng tawag ay agad kong pinatay ang TV. Tahimik ang buong kwarto. Ngunit ang utak ko... Punong-puno ng tanong. Hindi ako mapakali. Bandang alas-dose ng gabi ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Kaya bumaba ako para uminom ng tubig. Pagkabalik ng kwarto ay nanood na lang ako ng palabas sa tv para kahit papaano ay dalawin ako ng antok. At ilang minuto lang ay hindi ko na namalayan nakatulog na ako. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD