KABANATA 16 Pagkatapos nang naging pagsasalo nilang iyon sa kanilang hapunan ay iniwanan na mag-isa ni Dam Reun si Loisa sa kaniyang sariling kuwarto. Hindi na ito nagbalak pang bumalik makaraan ang apat na oras kaya naman hindi pa rin nakakatulog si Loisa. Kahit anong pabaling-baling niya ng higa ay hindi siya mapakali. Bandang alas-dyes na ng gabi kaya napagdesisyonan niyang lumabas na ng kuwarto. Hanggang hita naman niya ang suot na t-shirt ni Dam Reun kaya ayos na rin iyon. Hindi na iyon kahubaran para sa kaniyang kaluluwa. Ang kaniyang mahabang buhok ay kaniyang itinali. Isinuot din niya ang panloob na tsinelas ni Dam Reun na nasa paanan lang ng kama nito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Sumilip pa muna siya kung may makikitang tao pero wala naman. Animo'y katahimikan ang

