"A 75.0-kg firefighter climbs a flight of stairs 28.0 m high. How much work does he do?"
Kinuha ko ang notebook ko sa loob ng aking bag pati na rin ang ballpen kong kulay pula ang tinta. Sinimulan ko'ng i-solve ang unang problem na binigay sa aming problem set ng professor ko sa Physics.
Nandito ako ngayon sa garden ng university upang unti-untiin ang mga nakatambak na requirements ko at ito ngang problem set ang inuna ko.
"Work is equal to the force exerted multiplied to the dis-"
"Hoy baboy!"
"Ay haliparot! Hayop ka talaga Art! Wala ka talagang magawang matino ano?" Asik ko sa lalaking walang habas na nanggulat sa akin. Hindi pa ako nakuntento at sinapok ko pa ito.
Napa-himas naman sya sa kanyang ulo habang natatawa pa sa akin. Sinimangutan ko lang siya para mas makita niya na hindi ako natutuwa sa kaniya.
"Bakit ba ang sungit mo? Tsaka ano na naman ba 'yan?" Sabi pa nito.
"Problem set" simpleng sagot ko nang hindi man lang sya nililingon at nagpatuloy na sa pagsosolve.
"Hindi ka pa ba tapos? E kahapon pa binigay 'yan ah?"
"Bulag ka ba? Mukha bang tapos na ako? Kita mong nagsisimula palang, minsan talaga bobo ka" asik ko sakanya.
"Hey, chill!" tinaas pa niya ang dalawa niyang kamay na parang sumusuko sa pulis habang natatawa pa.
"Akin na, ako na tatapos diyan" sabi pa niya sabay kuha ng notebook at ballpen sa akin.
Hindi na ako umangal at yumuko na lamang sa lamesa upang magnakaw ng kaunting idlip. I'll just review it later. Sobrang pagod na ako galing sa shift ko restaurant at ang dami pang requirements na kailangan i-pass at mga subjects na kailangan kong mag-review.
"Oh, madam tapos na 'ho, hiyang-hiya naman ako sa'yo"
"Bastos ka talaga ano? Kailangan pa ihampas sa'kin ang ballpen? E kung itusok ko 'yan sa mata mo?"
"Alam mo ikaw Guada, napaka-sama talaga ng ugali mo" sabi niya at sinamaan ako ng tingin. Inirapan ko lamang siya at inayos na ang mga gamit ko upang pumunta sa palengke dahil kailangan ko naman magtinda ng lutong ulam.
"Alam mo ikaw Art, ang sama ng mukha mo" ganti ko sakaniya.
"Hoy! Bawiin mo 'yon! Bawiin mo 'yon!" Parang bata niyang ani habang nakaturo pa sakin at di makapaniwala sa kaniyang narinig.
"Bakit ko babawiin e totoo naman!"
"Anong totoo? Akala mo ba hindi ko napapansin 'yang mga nakaw na tingin mo sa akin ha? Akala mo ba 'di ko alam na type mo 'ko?" Sabi pa niya ng may naniningkit na mga mata. Kinagat pa niya ang ibaba niyang labi at hinawi pa ang buhok niyang mas malambot pa ata sa buhok ko.
"Hoy lalakeng kalyo na kay konting mukha! Ang kapal naman ng apog mo! Ikaw? Type ko? Over my dead sexy body"
At ang hinayupak tumawa pa ng malakas at nakahawak pa sa tiyan niya! Lalo naman akong nainis sakaniya dahil pinagtitinginan kami ng mga tao sa kalsada.
"I-ikaw s-sexy? HAHAHAHAHA, laughtrip ka talaga Guada! May sexy bang pwede na ihanda sa fiesta ang mga binti at braso? Hahaha"
ARGGGG HAYOP TALAGA 'TONG LALAKI NA'TO!!
Nilayasan ko na siya at nagdiretso na sa pwesto namin sa palengke. Nadatnan ko doon ang tiyahin ko na siyang may-ari at kasalukuyang nag-aalaga sa akin at ng naka-babata kong kapatid na babae na si Ariane. Nasa grade 12 na ang kapatid ko at ang tiya ko ang nagpapa-aral sakaniya samantalang ako ay kahit anong raket ang pinapasukan para lamang matustusan ang pag-aaral ko sa kolehiyo.
"Mabuti nalang at nandito ka na Guada, makaka-uwi na itong kapatid mo at marami raw proyekto sa skwelahan" bungad sa akin ng tiya Lucy nang makapasok ako sa tindahan. Tumango lamang ako at ibinaba na ang mga gamit ko sa isang tabi.
Sininop na ni Ariane ang mga gamit niya at naghanda na upang umuwi.
"Una na ako ate, sa bahay ka ba kakain?"
"Hindi na, baka sa restaurant na lamang ulit. Sayang kasi sa pamasahe kung uuwi pa ako."
Tumango naman ito na umalis na.
Konti na lamang ang mga tao sa palengke dahil siguro ay alas tres na ng hapon at masyado ng mainit dahil tirik na tirik ang araw.
Nilabas ko ang libro ko sa Calculus at yun na lamang ang pinagtuunan ko ng pansin habang walang bumibili. First year college pa lamang ako at kumukuha ng kursong Civil Engineering. Hindi ko rin alam kung bakit ito ang napili kong kurso, hindi naman ako magaling sa matematika at lalo naman sa pagguhit.
"Hoy, Chelsea! Saan ka na naman pupunta aber?" Dinig kong sigaw ng tiyahin ko sa anak niyang si Chelsea.
Naka-bistida kasi itong hapit sa kaniyang balingkinitang katawan. Nakakulot ang kaniyang buhok at naka make-up pa.
Nag-iisang anak ito ng tiya Lucy sa isang Amerikano na naging kasintahan nito noong siya ay isang OFW pa sa America. Ngunit ilang buwan pa lamang mula ng ipinanganak si Chelsea ay iniwan na sila ng ama nito.
"Ano na naman ba 'ma? May party akong pupuntahan! Tsaka ayoko dito sa palengke! Ang baho-baho like ewww" maarteng reklamo nito sa ina.
"Anong party? Ikaw talagang babae ka! Puro paglalandi ang inaatupag mo! Bakit hindi ka nalang mag-aral kesa puro ka kerengkeng!"
Parang wala naman narinig si Chelsea at diretso pa ring umalis.
"'Yang pinsan mo talaga naku! Kung hindi ko lang dugo't laman e baka sinipa ko na palabas ng palengke na'to" reklamo ni tiya sa akin habang inaayos ang mga paninda niya.
Hindi na lamang ako kumibo. Ilang beses ko na ba narinig 'yon sakaniya? Isa? Isang libong beses.
Nilibot ko ang paningin ko sa palengke, nagtama naman ang paningin namin ni Art ng madaan siya sa tapat ko, naghihila siya ng mga batyang may laman na mga isda. Naka-topless ito kaya naman kitang-kita ang malalaking braso nito at ang pawis na tumutulo mula sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang tiyan na may mga pandesal na parang nag-aanyayang hawakan ko.
"Hoy Babs! 'Yang bibig mo itikom mo, tumutulo na naman laway mo, tsaka baka malusaw naman ako niyan sa mga titig mo!" pang-aasar ni Art at tumatawang nakipag-apir pa sa mga kasama niya.
Hayop talaga itong Artemeo na ito. Saksakan ng kapal ng mukha.
"Ang kapal ng mukha mo unggoy na patpatin!" Inis na sabi ko rito at inirapan siya. Tumawa pa lalo ang gago. Hindi ko na siya pinansin at nagbasa na lamang uli.
"Asus, ikaw talaga babe, este babs. Hayaan mo pagka-graduate natin pwede mo na ko ligawan at hawakan ang aking katawan" sabi pa niya ng may kasabay na kindat at ngisi.
"GAGO!" inis na sigaw ko sakaniya. Nakakawala ng poise ang yabang ng lalaking ito!
"I LOVE YOU TOO!" Ganting sigaw niya at nag-flying kiss pa! Hinayupak talaga! E kung bigwasan ko siya at bigyan ng flying kick? Grrrr nakakainis talaga!!!!!!!!!