v. clark jerktine

4795 Words
Pababa ako ng hagdan nang maabutan ko Neil at Lea na naglalandian sa may sala. Humahagikgik si Lea habang si Neil naman ay nakangiti at titig na titig sa kanya. Nang maramdaman nila ang presensya ko ay kaagad silang na tigilan at napalingon sa akin. Nanlalaki ang mga mata ni Lea nang tumama ito sa akin. Kaagad naman siyang nagpaalam kay Neil at nakayukong naglakad paalis doon. Nakangiti pa rin si Neil nang sinalubong niya ako ng tingin. "Hello Nikha!" bati niya sa akin, tinaasan ko siya ng kilay. Ano na namang ginagawa nito dito? Akala ko ay abala siya sa bago niyang girlfriend pero heto siya at nakikipaglandian na naman sa katulong. "What are you doing here?" mataray na tanong ko habang pababa ng hagdan. "Nothing, I'm just worried. Bigla ka nalang kasing nag walk out kanina." ngumiti siya ng tipid at pinakikiramdaman ako. Para namang hindi siya nasanay sa madalas na pag walk out ko. Mabilis mag-init ang ulo ko at ayaw kong nakikipag diskusyon sa mga kaibigan ko kaya't madalas ko silang talikuran. "I'm fine Neil, you can go home now." tipid kong sagot at naupo na sa sofa. Sumunod naman siya at tumabi sa akin. "Uhmm... I also want to ask you if totoo yung sinasabi ni Krishna at Jiannah kanina?" seryoso niyang tanong. Tinignan ko siya ng masama, so nagpunta siya rito para lang maki chismis? Nagkibit balikat na lamang ako dahil wala ako sa mood para sagutin ang tanong niya. Napailing siya at halata mo ang pagkainis sa mukha niya. Bakit ba big deal sa kanila kung totoo yun o hindi? Naiisip ko pa lang na magiging boyfriend ko siya for real kinikilabutan na ako. Gusto ko ang itsura niya pero mukhang malabong magustuhan ko ang buong pagkatao niya dahil sa kapangitan ng ugali niya. Nakakapanghinayang talaga, nakaka inis mang aminin pero hindi talaga maikakaila na gwapo siya at iyong ganoong itsura ang type ko. Damn it! Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maisip na nagwagwapuhan ako ngayon sa isang lalaki. Never pa akong nagwapuhan sa mga lalaki, for me so so lang naman ang mga itsura nila, yung tipong mapapa "ahh gwapo" ka lang. Alam mo yun nagwapuhan ka lang pero di ka na attract, basta ang hirap i-explain. I'm attracted to his looks pero hindi sa mismong siya. Kinunutan ako ni Neil nang matagal akong hindi maka sagot. At dahil asar ako dito kay Neil ay mas mabuting pag tripan nalang muna. "Bakit ba curious ka?" Ako na ngayon ang nakakunot noo dahil nga naguguluhan ako sa kaniya. Nagkibit balikat lang siya kaya naman naisipan kong pagtripan. "Yes, he's my boyfriend." Seryosong sabi ko. Iniimagine ko palang na magiging kami ay mukhang araw-araw kaming mag aaway dahil walang gusto magpatalo. Ugh! Napapadalas yata ang pag isip ko sa kaniya? Ano na banag nangyayari sa akin? "Congrats then. " Sabay ngiti niya, inirapan ko naman siya. Ang bilis naman niyang mapaniwala. "Asa ka naman! Hindi ko boyfriend yon alam mo namang ikaw lang sapat na." Pagbibiro ko saka siya kinindatan. "Haha nice joke! You're always saying that but I never been enough for you." Nalaglag naman ang panga ko sa sinabi niya. Wow! Ang drama! "Oh shut up Neil!" Sabay sampal ko nang marahan sa kanya. "Kung hindi mo siya boyfriend ano mo siya?" Kakulit talaga neto, ano ba kasing paki niya? Hindi ko alam kung bakit niya ako kinukulit sa bagay na iyan. "Wala ka na don!" Pagtataray ko sa kanya. Nakikinig ba talaga siya sa usapan namin kanina? Sinabi ko na ngang hindi ko boyfriend yung ungas na lalaking yun eh tapos pumunta pa talaga siya dito para lang i-confirm yun. "Okay sabi mo eh. Tara mag-movie marathon?" Yaya niya saakin. Saglit akong napaisip, wala rin naman akong gagawin so why not. "Okay fine! Tara na sa kwarto ko." ngumisi naman siya. Nakakainis talaga to, binigyan na naman niya ng malisya yung sinabi ko. "Nako ha! Sabi na nga ba may pagnanasa ka sa akin ehh.." ngiting-ngiti niyang sabi, tinaasan ko naman siya ng kilay, ang kapal din talaga neto. "Ha? Hangkapal!" saka ako naglakad paakyat sa may second floor. Nasa may theater room kami ngayon, nakaupo kami sa couch at abala ako sa paghahanap ng papanuorin pero kanina pa ako nag-i-scroll ay wala naman akong mahanap na movie. "Saan ka pala galing?" tanong ko sa kanya habang nagbabasa ng sypnosis noong movie. "Kila Sy." tipid na sabi niya, hindi ko napigilng mapalingon sa kanya. May something kaya talaga sa kanila kaya siya nagpunta doon? Luh ang dumi ko mag-isip, magkaibigan din sila kaya walang problema kung pumunta si Neil sa kanila. Pero hindi eh, magkaakbay sila kanina tapos basta parang may something sa kanila. "Umamin ka nga Neil may something sa inyo no?" Pagpapa amin ko sa kanya. Tinaasan naman niya ko ng kilay at parang hindi inaasahan ang tanong ko. "Eh ano naman sa'yo kung meron? Selos ka?" Bakit naman ako magseselos, curious lang ako. Assuming naman to si Neil. "Asa naman! Bakit ba ko nagtatanong ano pa bang bago sa'yo?" Ini-play ko yung To All The Boys I've Love before based on Jenny Han series of romance novel na nabasa ko na. Sobrang nagustuhan kong basahin yung book pero hindi ko pa alam kung maganda yung movie adaptation. "Napanuod mo na ba to?" Tanong ko sa kanya na busy sa pagtitipa. "Neil?" Tawag ko ulit pero mukhang di niya ko naririnig. "Neil ano ba manunuod tayo o magchachat ka?" Inis na tanong ko. "Syempre manunuod tayo." Inilapag na niya yung cellphone niya sa may arm rest. "Ano to?" Tanong niya. "To All The Boys I've Love Before" Kinunutan niya ko ng noo. "Huwag na yan, nabasa mo na yan diba? Napanuod ko na to." Inirapan ko siya, ito nga ang gusto kong panoorin eh bakit ba? "Eh gusto ko nga panuodin eh. Titignan ko kung maganda yung movie kasi maganda yung book." "Tss.. Para namang kinilig ka sa book." Panunuya niya. Anong akala niya sa akin manhid? "Bakit kailangan bang kiligin ha? Paepal ka eh noh?" Sabay irap ko sa kanya. "Edi manuod ka mag-isa." Padabog na sabi niya. Kinuha niya yung cellphone ko at hindi ko alam kung ano ang pinagkaabalahan niya doon. Bwisit talaga tong lalaking to. Bahala siya, manunuod ako mag-isa. Tapos na akong manuod at lahat pero si Neil hindi pa din tapos sa ginagawa niya sa cellphone ko. Biglang nag vibrate yung cellphone niya pero hindi ko tinignan kung sinong nag-chat. Busy kasi ako sa paghahanap ng sunod na papanuodin. "Neil may nagchat sa'yo." Sabi ko habang nag-i-scroll. "Basahin mo na." Tinignan ko siya. Ano bang ginagawa niya sa cellphone ko at seryoso siyang nakatutok don? Binasa ko yung message. Galing kay Assyla? Biglang napataas ang kilay ko pagkabasa sa message ni Sy, Ano ba talagang meron sa kanilang dalawa ni Neil? "Anong sabi?" Tanong ni Neil. "Wala si Assyla lang." Sabi ko habang pahiga sa tabi niya. Sinilip ko yung ginagawa niya. Letse naglalaro lang pala kaya naman pala hindi matigil. Bigla siyang napatingin sa akin nang mamatay siya. Sobrang magkalapit na ngayon yung mukha naming dalawa, magkatitigan kami sa mata. Napatingin ako sa labi niya then balik ulit sa mata niya. Dahan-dahan niyang inilalapit yung mukha niya sa mukha ko habang ako naman unti-unting nilalayo yung mukha ko. Bigla siyang ngumisi at tumawa. "Sus asa! Kala mo naman hahalikan kita, ikaw talaga! Pero kung gusto mo sige, mapagbigay naman ako." Napanganga naman ako dahil sa sinabi niya. Paano ko naging gusto eh lumalayo nga ako? Ang kapal talaga nito minsan. "Kapal mo noh! Asa ka naman!" Sabay sampal ko sa kanya. Tinawanan lang niya ko tsaka ginulo yung buhok ko. "Kasi naman eh!" Inis na sabi ko, ayaw ko sa lahat ginugulo yung buhok ko. "Picture tayo." Yaya niya, bago pa ko naka hindi ay umakbay na siya sa akin at saka yun kinuhaan ng picture. "Diskarte mo Neil!" Masyado talaga siyang clingy kaya minsan iniisip ng iba na may something kami and kung malisyosa lang ako inisip ko nang may gusto siya sa akin pero we're just friends. Yeah FRIENDS. "I- story ko to ha?" Sabay pakita ng picture namin, saglit ko iyong tinitigan. Naka poker face ako habang siya naman ay ngiting ngiti habang nakaakbay sa akin. "Bahala ka." Walang gana kong sabi. After niyang mag upload ay niyaya niya akong mag punta sa plaza kung saan madalas kaming magpunta noong mga bata pa kami dahil malapit lang yun sa bahay namin. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng kotse, napatingin ako sa kanya habang seryoso lang siyang nagda-drive. "Natulala ka na naman sa kagwapuhan ko?" mapang-asar na sabi niya, nakatitig na pala ko sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Wag kang feeling Neil Ygan! Natulala lang ako sa kapangitan mo." Mataray na sabi ko sabay tingin sa daan. "Wow ha! Uso din kasing umamin pag may time!" Nakangising sabi niya. WTF! Minsan di ko alam kung may pagka feeler lang to si Neil o ano eh! "Sayo uso yun sa akin hindi!" Walang tinging sabi ko. "So natutulala ka nga sa kagwapuhan ko?" Napatingin naman ako sa kanya, nakatingin din siya sa akin, tingin na nang-aasar. Inirapan ko siya pero saglit ulit akong napatitig sa kanya, sobrang lawak ng ngisi niya. Napailing nalang ako, kung ikukumpara mo si Neil sa dating siya ay masasabi mong sobrang laki ng pinagbago niya. Bigla ko tuloy naalala kung paano kami nagkakilala. Pagkalabas ko ng bahay namin para mag bike ay nadatnan kong may naglilipat ng gamit sa katabing bahay namin. "Neil ipasok mo na dito yung mga gamit mo!" Sigaw ng isang babae na nasa kanyang mid 30's "Yes Mom!" Yamot na sigaw noong batang lalaki na ngayon ay nakatitig sa akin. Malamang ay siya yung Neil. Siguro ay half chinese ang batang ito dahil sobrang singkit ng kanyang mata. Isang ngiti ang ibinigay niya sa akin pero ako ay nanatiling nakatitig lang sa kanya. "Neil!" Sigaw ulit noong babae. "Opo wait lang!" Iritadong sagot noong Neil habang nakatitig pa rin sa akin. Bakit ba niya ako tinitignan? Inirapan ko nga! Kaasar eh ayaw ko sa lahat yung tinititigan ako, alam ko namang maganda ako pero di niya ako kailangan titigan. Ang taas pala ng sikat ng araw, ayaw kong mangitim. Makapasok na nga lang tinatamad na pala akong mag bike. Papasok na sana ako nang bigla niya akong tawagin. "Hoy bata!" Pairap akong napalingon sa kanya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa tsaka kinunutan ng noo. Maka hoy bata naman siya. "Anong bata? Fyi! Hindi bata ang pangalan ko!" Mataray na sabi ko. Napakunot noo siya saglit bago nagsalita. "Ah ganon? Anong pangalan mo?" Titig na titig niya sa aking tanong. Tinaasan ko siya ng kilay. Asa naman siyang sabihin ko sa kanya ang pangalan ko. "Wala ka na don!" Sabay dila ko sa kanya. "Ang suplada mo naman, nagtatanong lang ng pangalan eh!" Sabay nguso na sabi niya. Tatanungin niya pangalan ko tapos ano? Makikipagkaibigan siya? Tapos paglaki namin manliligaw siya? Haha no thanks! Advance ko naman pala mag isip. "Bakit kasi gusto mo pang alamin?" Iritang sabi ko. "Ano namang masama pag nalaman ko? Wala naman diba? So ano ngang pangalan mo?" "Annikha... Annikha nasaan ka ba?" Napairap ako sa kawalan nang marinig ko ang boses ni Yaya. Kahit kailan talaga pahamak yun! Kainis. Nakabusangot akong napatingin sa bata sa harapan ko. Nakangisi siyang nakatitig sa akin. "Annikha pala ha!" Sabay ngiti niya nang nakakaloko. Hay! What ever! Matalim na irap ang binigay ko sa kanya pagkatapos ay tumalikod na ako papasok sa loob ng bahay. Kinabukasan ay nagulat nalang ako dahil paglabas ko ng bahay ay nandoon yung batang lalaki kahapon. Nakangiti siya sa akin at mukhang ako talaga ang hinihintay niya. "Hi!" Nakangiting bati niya sa akin. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay tsaka tinignan mula ulo hanggang paa. Mukhang mangungulit na naman ang isang ito. "Ang suplada mo naman! Para makikipag-kaibigan lang eh!" Parang disappointed na sabi niya. "Sino namang nagsabi sa'yong gusto kong makipagkaibigan?" Taas kilay kong tanong. Mataray talaga ako simula pagkabata, hindi rin ako palakaibigan kaya't tanging ang mga kaibigan ko lang ay ang anak ng mga kaibigan ni Mommy. "Tss. Dibale na nga lang! Sungit!" Aalis na sana siya pero hinigit ko siya na ikinagulat niya. Nagulat din ako sa ginawa ko pero hindi ko kasi gusto yung way na tinalikuran niya ako because I rejected him. "Marunong ka bang mag bike?" Taas kilay ko pa ring tanong. I'm so bored and I want to play with someone na marunong mag bike. Wala kasi si Kuya Oliver para samahan akong mag bike, nasa Pampanga siya kasama ni Daddy dahil bumisita sila kay Lola Anastacia. Naiwan kami dito ni Mommy dahil nagkasakit ako last week at isa pa ay ayaw ni Mommy na makihalubilo kila Lola. "Oo naman!" Proud na sabi niya na siyang ikinatuwa ko. Mabuti naman at marunong siyang mag bike. "Kung ganoon ay i-angkas mo ko hanggang makarating tayo sa park." Nakangiting utos ko sa kanya pero binusangutan niya lang ako. "Ayaw ko nga, diba sabi mo ayaw mo akong maging kaibigan?" Nang uuyam na sabi niya. Nginusuan ko siya. Pabebe pa eh, hindi nalang siya matuwa dahil niyaya ko siyang i-angkas ang isang magandang katulad ko. "Kanina yun! Gusto ko na ngayon. Dali na i-angkas mo na ako habang hindi pa nagbabago ang isip ko." Napailing nalang siya tsaka kinuha sa akin yung bike na hawak ko. Narealize ko na hindi naman pala siya boring kasama. Nakakatuwa nga siya dahil sinusunod niya lahat ng gusto ko. So simula noon ay naging malapit kami sa isa't-isa. Palagi siyang nagpupunta sa bahay namin at ganoon din ako sa bahay nila. "Huy! Baba na aba! Lulusawin mo nalang ba ako maghapon?" Iritang sabi niya habang nakatanghod sa akin mula sa pinto ng kotse niya. Isang matalim na irap ang binigay ko bago bumaba ng sasakyan. +++ Kaasar tong si Neil katagal tagal bwisit! Napakaarte niya talagang mamili ng damit. Hindi na kami pumasok ngayon dahil may program lang sa school. Sayang lang naman oras namin kung mag i-stay kami dun kaya lumayas na lang kami at napagdesisyunang mag mall dahil bibili daw ng damit si Neil at pang regalo since bukas na ang birthday ng mama ni Stephan. Bumili na din ako ng bagong mga set ng make up para pangabog yung ayos ko bukas. "Baka gusto mong bilisan?" Yamot na sabi ko habang kinakatok yung pinto ng fitting room. Paano ba naman kasi kanina pa kami dito sa mall paikot-ikot napapagod na ko pero wala pa din siyang napipiling damit. Kanina pa ako nakapamili ng ipang reregalo ko at mga make up pero siya hanggang ngayon wala pa ding nahahanap na damit. Noong nakaraang mag mall kami ay wala siyang napili kaya eto ngayon palang siya naghahanap ng isusuot niya pero mukhang wala na naman siyang mabibili. "Teka lang kasi, matuto kang mag hintay." Inis na sabi niya sabay labas sa may fitting room. Anong matuto akong maghintay? Hindi ako naghihintay dahil ako ang hinihintay. "Ano bagay ba?" Nag-aalangang tanong niya, tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Napataas kilay naman ako, lahat naman kasi bagay sa kanya siya lang iyong mukhang ewan na iniisip na hindi bagay. "Oo, pwede na din." Tatango tango kong sabi, bagay talaga sa kanya ang kahit na anong damit pwede na nga siyang maging model eh ewan ko ba naman kung bakit napaka pili niya sa damit. Kung di niya ayaw ang design ay ayaw niya ang kulay o di kaya ang tela. "Tss. Ano nga kasi? Bagay ba o mas bagay pa rin tayo?" Seryosong sabi niya na siyang ikinaawang ng labi ko. Kahilig niya talagang bumanat, I wonder kung yan ang paraan niya ng pambobola sa mga babae niya. "Anong bagay tayo? Hindi tayo bagay, at wala ring tayo." Pairap na sabi ko sa kanya. "Aww! My poor heart!" Sabay hawak pa niya sa puso niya. Corny talaga neto! "Di man lang niya sakyan yung joke ko!" pa pout na sabi niya. Dami talagang arte ng lalaking to. "Letse ka! Panay ka kaartehan diyan, bilisan mo na nga! Hindi na ako natutuwa Neil Ygan!" Sabay irap ko sa kanya, natawa naman siya. Letse talaga to, trip na trip akong pikunin eh! "Eh ikaw eh ayaw mong sumagot ng maayos!" ako pa talaga ang sinisi. "Maayos naman sagot ko." Iritang sabi ko. "Oo na. So ano eto na?" Putek kakulit talaga! Paulit ulit nalang kami dito. "Oo nga! Letse Neil hah! Isang tanong pa iiwanan na kita diyan." Tsaka ko siya inirapan. Napabuntong hininga naman siya at malungkot akong tinignan. "Okay lang sanay naman akong iwan!" What the! Lakas makahugot eh, sarap sapakin. Hindi ba dapat "Sanay naman akong mang iwan" ang linya niya kasi siya itong nang iiwan? "Punyeta ka! Ang dami mong alam bilisan mo na diyan! Bwisit ang dami pang say eh!" Sabay sapok ko sa kanya. "Haha! Oo na, pero sure kang bagay to ah!" Kunot noo niyang tanong habang tinitignan yung sarili niya sa salamin, Hay! Ang kulit naman talaga neto. "Oo nga!" Nakukulitan nang sabi ko at hindi na niya ko pinansin pumasok na siya sa fitting room at nagpalit. Pagkabayad niya don sa binili niyang long sleeve na polo na kulay pink ay dumiretso kami sa may Infinite Cafe. Taro milkshake at lasagna ang inorder ko at ganon din siya, gaya-gaya talaga. Balak ko sanang mag Iced Caramel Macchiato kaya lang ay naisip kong mas masarap mag milkshake ngayon. Tahimik kaming kumakain dahil busy siya sa pagchachat habang ako naman ay abala sa pagkain at pag scroll sa ig feed ko. Hindi ko alam pero parang hindi ako komportable sa pagkakaupo ko. Pakiramdam ko ay may mga matang nakamasid sa akin. This is the first time na parang na conscious ako. Nag angat ako ng tingin at napalingon sa kabilang table na katapat namin. Tumama ito sa dalawang pares ng kulay tsokolateng mga matang nakatitig sa akin. Sinasabi ko na nga ba eh, hindi ko alam pero bakit ngayon lang ako nabahala na may nakatitig sa akin at hinanap pa talaga kung sino yun. Nakakalusaw ang mga titig niya na yun at may kung sa sistema ko dahil bigla akong na conscious. Mukhang kanina pa siya nakatingin sa akin. Napakurap ako ng dahan dahan at sinisigurado kung siya nga ba talaga yun o pinaglalaruan lamang ako ng isip ko. Hindi maalis ang titig ko sa kanya habang umiinom ng milkshake. Tinaasan niya ako ng kilay, tss. Doon ko nakumpirma na siya yun walang duda, siya nga yung lalaki kahapon at noong isang araw. Hindi ko inaasahang magkikita pa kaming muli pagkatapos masira ng araw ko dahil sa kanya. Ayaw niyang magbaba ng tingin kaya't nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya. Hindi ko kinakaya ang mga titig niyang iyon dahil para itong tumatagos sa buong pagkatao ko. Gayun pa man ay hindi ako nagpatinag, mas lalo akong nakipagtitigan sa kanya. I don't know but he looks familiar, not because of our encounter. Hindi ko alam kung saan ko siya nakita or kailan pero ngayon ko lang na realize na parang naramdaman ko na kung paano lusawin ng mga mata niya. "Nikha!" tawag sa akin ni Neil kaya napatingin ako at tinaasan siya ng kilay. Ano ba tong si Neil paepal, pakiramdam ko tuloy ay natalo ako sa pakikipagtitigan sa lalaking yun. "What?" Taas kilay kong tanong sa nakakunot noong si Neil. "Kanina pa kita kinakausap." napairap siya sa akin at halata ang pagka dismaya. Inirapan ko din siya at ini ayos ang upo. s**t! Ilang minuto na kaya akong nakikipagtitigan sa lalaking yun para mapansin ni Neil na hindi ko nakikinig sa kung ano mang sinasabi niya. "Ano ba kasing sinasabi mo?" pagsusungit ko kay Neil. "Wala, never mind! Ano bang tinitignan mo diyan?" kunot noo niyang sabi at nagpalinga linga sa paligid. Napakagat labi ako sa kaba na baka maisip niyang ang lalaking yun ang tinitignan ko, ayaw kong magtanong pa si Neil at baka malaman niya kung paano ako binara ng taong yun. "Wala!" Sabay inom ko. Nilingon niya yung tinitignan ko kanina at saka binalik ang tingin sa akin, tinignan niya ako ng mapaghinalang tingin. "Don't tell me si Clark Jertine yung tinitignan mo?" tanong niya sabay inom. Mas lalo akong tumuwid sa pagkakaupo. Damn it! Wala talaga akong takas kay Neil. Clark Jertine? So yun pala ang pangalan niya? Jerktine. Napatingin ako sa Jertine na yun, nakikipag usap na siya doon sa kasama niyang babae pero nang mapansing nakatingin ako ay nilingon niya ako. Nag igting ang panga niya ng magtama ang mga mata namin. Nginisian ko naman siya at nakita kong binasa niya ang ibabang labi niya at kinagat ito habang masamang nakatingin sa akin. "You know him?" Takang tanong ko kay Neil pero naka titig pa rin kay Jerktine na nakikipagsukatan saakin ng tingin. "Of course, why?" kunot noo niyang tanong, pambihira di nalang kasi sumagot eh, magtatanong pa. Paano niya nakilala ang lalaking ito? Is he famous or what? Umiling ako kahit meron naman talaga. Binalik ko ang tingin ko sa nasa harap ko at nakitang titig na titig siya sa akin, tumikhim ako at tinaasan siya ng kilay. "What?" Mataray na tanong ko. Napailing nalang siya at nagpatuloy sa pagkain. At dahil curious ako kung paano niya nakilala si Jertine ay tinanong ko siya. "Teka bakit mo siya kilala? " nagtataka kong tanong, saglit ko siyang tinignan at nahagip ng tingin ko ang pagkunot ng noo niya. Yumuko nalang ako at pinaglaruan yung pasta para maiwasan ang mga mata niya. Alam kong nakatitig siya sa akin at ayaw ko ng mga ganoong titig kaya nagpanggap akong abala sa pagkain. Ayaw kong tanungin niya ako kung bakit ako interesado dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko. "Well he's quite famous, girl crush siya and varsity ng basketball sa East Land. He's also my cousin's friend but we're not close. I don't like him." Buti naman hindi niya binanggit ang pangalan ng pinsan niya. Varsity? Hindi kasi ako nakakapanuod ng laban ng East Land at West Land dahil natataon na may laro kami ng Volleyball. Hindi na rin ako magtataka kung marami mang magkagusto sa kanya. Well we can't deny the fact na gwapo siya. So friend pala siya ni Glenn, hmm sa East Land pala nag aaral yun. Di kasi talaga ako updated sa buhay niya kaya wala akong alam at never pa ulit kaming nagkita so di ko alam na nandito lang siya. "Bakit naman hindi kayo close?" Curious pa ring tanong ko. Nakakamatay talaga ang curiosity tss. "Nayayabangan lang ako sa kanya, tsaka ayaw ko sa kanya kasi masyadong magaspang ang ugali niya lalo na sa mga babae." napailing naman ako. Tama naman siya sa mga sinabi niya tungkol kay Jertine. Naalaa ko tuloy noong unang engkwentro namin ng antipatikong yun. "Palibhasa kasi ikaw masyadong malandi sa mga babae!" pang-aasar ko sa kanya habang naiiling pa. "Hindi paglalandi yun, friendly lang talaga ako. Teka nga, paano mo nakilala yang si Jertine?" Friendly daw baka flirty. Bakit ba iniiba niya yung usapan? Asa naman siyang sabihin ko sa kanya kung paano kami nagkakilala ng ungas na yun, sigurado akong tatawanan niya lang ako dahil for the first time in history may lalaking nangsupla sa akin. "Secret walang clue." Sabay ngisi ko sa kanya kaya inirapan niya ako. Marahan ko naman siyang sinampal na ikinatawa niya. "Secret pa gusto! Teka wag mong sabihing siya yung boyfriend mo?" Sabay bato sa akin ng mapaghinalang tingin. Napailing ako nang marahan habang nakangisi. Hindi ko alam ang isasagot ko, hindi ko boyfriend si Jertine pero tamang siya nga ang pinaghihinalaan nila na boyfriend ko. "Alam mo kalalaki mong tao ang chismoso mo. Kumain ka na nga lang." Sabay irap ko sa kanya, ganito ako kapag ayaw kong inuusisa, dinadaan ko sa pagtataray. "Ito naman masyadong pa suspense kala mo naman totoo." Totoo naman talaga. "Alam mo ikaw epal ka eh, matuwa ka na lang." Inirapan ko ulit siya. "Bakit naman ako matutuwa eh may karibal na ko?" Seryosong sabi niya habang nakatingin sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung joke ba yun o seryoso siya. Pero kung hindi ko lang siya kilala baka inisip kong seryoso siya. Minsan kasi kaya niyang magmukhang seryoso kahit na ang totoo ay nagloloko naman talaga siya. "Ano ka ba, alam mo namang nag-iisa ka lang sa puso ko. 'Kaw ang bestfriend ko diba?." Nakangisi kong sabi. Siya lang din naman kasi ang lalaking nakakapag tiyaga sa ugali ko kaya sobrang thankful ko na naging kaibigan ko siya. "Don't me Annikha." Sabay irap niya. "Akala ko pa naman matutuwa ka dahil sa wakas nagkaboyfriend na ako tapos gaganyan-ganyan ka ngayon!" Ako naman ang umirap sa kanya at uminom nalang ng shake. "Alam mo ang daming pwedeng maging boyfriend bakit si Montero pa ang napili mo?" Naiiling na sabi niya. Montero? Ahh so Clark Jertine Montero pala ang pangalan niya, napabuntong hininga ako, talagang ayaw niya kay Jertine huh? "What's wrong with dating him?" Napakunot noo ako habang takang nakatitig sa kanya. Nagkibit balikat siya, "I don't know, I didn't see it coming. I believe that opposite attracts pero mukhang mali ako." mas lalong kumunot ang noo ko, hindi ko talaga maintindihan etong si Neil minsan. Mukhang alam niyang hindi ko nagets kaya't napabuntong hininga pa siya bago nagsalita, "I just can't believe na nagkagusto ka sa kaniya, he's like the male version of you." What? Gusto kong matawa sa sinabi niyang iyon. The truth is hindi ko naman talaga siya gusto at isa pa ay hindi ko siya boyfriend. Hindi ko alam kung maniniwala akong kasing tigas din ng yelo ang puso ni Clark Montero, somehow ay na curious ako kung anong kuwento niya, bakit siya nagkaganon. Hindi ko maiwasang mapasulyap muli sa kaniya na ngayon ay nakikipagtawanan doon sa babaeng kasama niya. Teka sino ba yung kasama niya? Girlfriend niya? Akalain mong may girlfriend ang isang to, buti at natagalan ang ugali niya? Napatawa ako sa naisip, goodluck kung magtagal silang dalawa. Pero since sabi ni Neil na siya ang male version ko baka tulad niya ay kaibigan lang din ang babaeng iyon. Napatingin ako sa cellphone ko na nagri-ring dahil sa tawag ni Lola. Tss mangungulit na naman ang isang to. Ini- silent ko nalang, kunwari hindi ko alam na tumatawag siya kahit pa panay ang vibrate ng cellphone ko. "Sino yan? Bakit hindi mo sagutin?" kunot noong tanong ni Neil. "Wala lang yun." Sabay sulyap sa tawag ni Lola na kakauumpisa lang ulit. "Sino nga yan? Si Nicker ba yan? Nangugulo na naman ba siya?" Napairap ako dahil doon. Ang OA talaga nito ni Neil. Si Nicker kasi yung stalker ko na palagi akong ginugulo. "Tsunga hindi. Si Lola lang yun, alam mo naman kapag sinagot ko yung tawag niya, walang humpay na sermon lang ang matatanggap ko." "Akin na nga ako ang kakausap." Sira ba siya? Bakit naman kakausapin niya si Lola? "Patawa ka! As if namang maintindihan mo siya." Sabay iling ko. Hindi kasi marunong mag tagalog si Lola at mabagal pang umintindi ng english kaya naman mahirap kausapin. Kahit half chinese tong si Neil hindi rin naman siya marunong mag chinese. "Try me." Napailing ako sabay abot ng cellphone. Ano siya tester? Try me pa gusto. "Hello?" Nakatitig sa aking sabi niya sabay kibit balikat. "No this is her boyfriend." What the! Pinanlakihan ko siya ng mata, ano bang sinasabi niya? Anong boyfriend? Gago talaga tong si Neil. "Anong boyfriend sinasabi mo dyan gago ka talaga akin na nga!" Sabay hablot ko ng cellphone ko sa kanya. Isang nakakagagong tawa naman ang ginawad niya. Napatingin ako sa screen ng cellphone ko at nakitang hindi naman pala nakasagot ang tawag. Bwisit talaga itong si Neil. "Paniwalang paniwala ka naman?" Natatawa pa ding sabi niya. Sinampal ko siya ng marahan. "Ang epal mo! Mabuti nalang talaga at hindi totoong sinagot mo yung tawag!" Inis na sabi ko sabay patay ng cellphone ko. Nakakainis talaga si Neil nako! Buti na lang talaga at hindi totoong kausap niya si Lola, kung nagkataon na sinabi ni Neil na boyfriend ko siya malamang ipakasal niya kami kaagad. Adik sa kasal yung matanda na yun, puro kasal ang nasa utak. Napabuntong hininga nalang ako sabay inom ng milkshake. "Chillax ka lang, masyado ka namang kabado." Natatawa pa ring sabi niya. "Gago ka ba? Eh kung sakaling kausap mo nga talaga siya at yun yung sinabi mo sa kanya, malamang oramismo ipakasal tayo non." Wala na kasing ibang ginawa si Lola kundi ireto ako sa kung sino sinong anak o apo ng mga kaibigan niya para lang ipakasal. Buti nga ngayon ay hindi na niya ako kinukulit na magpakasal kung kani-kanino. Kapag na lang daw nagka boyfriend ako, tss ibang klase. "Ayaw mo non? Nagkaroon ka ng asawang gwapo na gwapo pa?" Napairap ako sa kawalan, biglang lumakas yung hangin ah! "Anong pinagkaiba non? Alam mo ewan ko sa'yo humanap ka nga ng kausap mo." Iritang sabi ko. "Ang pikon mo naman po." Nagmake face nalang ako sa kanya. Kainis! Nagpahabol pa ako ng tingin kay Jertine na seryoso na palang nakatitig sa akin, madilim ang ekspresyon ng mukha niya at nakatiim ang kaniyang mga bagang. Napasinghap ako at napaayos ng upo dahil hindi ko kinakaya ang titig niya. Bakit ba ganiyan siya makatingin, iniiwas ko ang mga mata ko at mataray na tinignan yung babaeng kasama niya na nmasama palang nakatingin sa akin, isang matalim na irap ang binigay ko sa kanya. Akala naman niya ang ganda niya sampalin ko siya ng salamin nang matauhan siya eh. Tumayo na yung kasama niyang babae kaya naman tumayo na rin siya, malamang ay aalis na sila. Tama yan lumayas na silang dalawa, ang sakit nila sa mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD