◆Her◆
"Sorry Tien hindi talaga gusto ng management ang ginawa mong pag alis. Iyan na ang huling sahod mo. "
Para akong tinakluban ng langit at lupa dahil sa nangyari.
Una sinira na niya ang kinabukasan ko noon.
Ngayon, masisira pa ang kabuhayan ko dahil sa kanya ulit.
Paano ko susustentuhan ang anak ko?
Paano na kami?
Nakapag bayad nga ako ng tuition, wala naman akong gagastuhin sa pang araw araw namin!
"Uy Tien, paano ka? Alam mo kase tama naman kase si Jowabels Mys mo. Kung ako sa iyo tigil mo na iyang pa promo girl nag aaway tuloy kayo. "
Sundot sa akin ni Lala matapos kong umuwi galing agency.
Problema ko ang next month!
Ang bayad sa boarding house, ang kuryente, tubig, tuition at pagkain namin sa araw araw ni Jao.
Para akong iiyak. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Nangungunsume ako nang biglang may iniabot sa akin si Lala.
Ang lola mo nag ambag pa ng pera.
Isasauli ko sana ngunit matibay din.
Tinangihan ako.
"Kunin mo para sa inaanak ko iyan. Isa pa mabuti nang ikaw ang bigyan ko kesa naman sa Boyfriend kong girlfriend lang ako pag may pang chibog. Lintik sya! Nyeta! Oy eto pa, may nasagap akong balita galing sa isang kaibihan kong si Ding Dong. May hiring girl! Diba management ang natapos mo eto ang calling card tawagan mo. Paano babush na?! Sunduin mo ang Baby Jao mo bukas birthday nya. Baka wala ako alam mo na. Sige ha alis na ako. "
Napailing iling na lamang ako.
Tiyak out of the city nanaman ang lakad ni Lala may dalang traveling bag eh.
Napatingin ako sa isang Calling card.
Yzabella W. De Mayor
*0987-654 loc. 321*
Iyon lang ang nakalagay.
Wala man lang Address o kahit na ano.
Nag dalawang isip ako.
Matagal kong tinitigan ang calling card na iyon hanggang sa sumunod na araw.
Wala na akong choice.
Kapag pinairal ko ang takot o hiya sa kangkungan kami pupulutin ng anak ko.
Lumabas ako para mamili muna ng maihahain para mamaya.
Birthday ng anak ko.
Kahit pansit mag dadala ako sa school niya.
Nahiya na kase ako dahil alam kong nag titiis ang anak ko sa kakarampot.
Anong magagawa ko mahirap lang kami kumpara sa mga kaklase niya.
Napasok ang anak ko sa magandang Day care center na iyon na pribado gawa ng mataas na marka'ng nakuha niya sa entrance exam. Dahil doon naging libre ang kalahati ng pag aaral niya tinutustusan ko nalang ang kalahating tuition at miscellaneous fees.
Napakaswerte ko kay Jao.
*peeeeeeeeeepppppp!!!!!
Halos manginig ako sa takot habang nasa kalagitnaan ako ng kalye patawid ng sakayan.
Nabitawan ko ang dala kong lulutuin dahil sa gamuntik lang akong masagi ng sasakyan.
Hindi ko man lang maialis sa isip ko ang pag mumuni muni ko.
Napaka burara ko! Muntik lang akong masagasaan!
Paano na si Jao?
"Miss okay ka lang ba?" Tanong nito sa akin habang na estatwa ako sa kinatatayuan ko.
Gamuntik lang ako doon.
"Miss? " tawag nito muli sa akin.
Napaiyak na lamang ako.
Inalalayan ako ng isang lalaking naka uniporme ng puti hanggang sa tabi ng muting sasakyan. Agad na bumama ang isa pang lalaking naka blue na may head phone ata ang tenga.
Teka, parang Presidential security ang dating nila ah!
Nagulat nalang ako nang may isang magandang babae ang pinag buksan nila at inaya ako pumasok.
Hindi sana ako papasok ng van ngunit may pinakitang id ang mga taong nakapalibot sa akin.
Bigatin nga siguro itong babae na ito.
Ngayon lang ako naka pasok sa isang Limousine.
Maya maya pa isinara na iyon at dinampot ng babae ang isang telepono sa tabi niya.
"Lino, sa pinakamalapit na ospital tayo. "At binaba na niya ang telepono. Mukhang naka kunekta iyon sa driver.
Sosyalin.
"I'm sorry. Bago palang kase ang driver ko. Nasaktan ka ba? " tanong nito sa akin.
Ngayon ko lang nakita na kaya pala hindi naka labas ang babae buntis pala ito.
Napatango na lamang ako.
Ngayon mukhang na himas masan na ako bago pa kami makarating sa hospital.
"Ang pinamili ko. "
Malungkot kong saad nang maalala ko ang aking nabitawang pinamili.
"My men is up to it. May okasyon ba? "
Napatango ako.
"Kaarawan ng anak ko. " saad nito.
"Oh, don't worry we got it covered. Pasensya ka na sa nang yari. Iiwan ko sa iyo si Noyet para asikasuhin ka. If there's any problem with medical and finance huwag kang mag alala. Ibigay mo rin sa kanya mamaya ang address ng pag dadausan ng kaarawan ng anak mo. Iiwan muna kita dito sa ospital I have appointment with my husband's colleague. Heto ang calling card ko. "
Laking gulat ko nang napag tanto kong iisang tao lang pala ang kaharap ko at sinasabi ni Lala sa akin.
Bago ako bumaba tinanong ko ito.
"Ikaw si Yzabella W. De Mayor? "
"Yes in deed. "Saad nito ng malapad ang ngiti.
"May binigay po ang kaibigan kong Calling card... "
"Ah! Ikaw siguro ang kaibigan ni Lala na si Tien? "
Agad akong napatango.
INIWAN NIYA AKO SA HOSPITAL kasama ang tauhan nitong si Noyet.
Bago iyon sinabihan niya akong maging Secretary ng bagong CEO ng isa sa mga Company branch ng Demayor.
Agad kong pinasalamatan iyon.
Hulog talaga siya ng langit!
DALI dali akong pumanhik patungo sa paaralan ng anak ko noong matapos akong masuri sa pagamutan.
Wala nang may problema sa aking katawan.
Hindi naman kase lumapat ang kotse sa akin eh.
Sabi ng doktor na shocked lamang iyon. Pinag pahinga lamang niya ako ng sandali at nakiusap akong pumanhik na dahil kailangan ako ng anak ko.
Pasalamat na ako at ER patient ako at pina hintulutan ako ng doktor.
Laking gulat ko nang makita ang silid ng anak ko na may party.
Agad kong nilapitan ang guro niya.
"Misis, pasensya na kayo at ngayon lang po namin nakilala ang asawa mo. Tapos nanaman po ang klase. Nag early out nalang kami gawa ng pakiusap niya. Napaka bibo po ng anak ninyo.
Naku hindi naman po ninyo sinabi na darating pala ang Daddy ni Jao ngayon. Happy birthday po ulit kay Jao! "
Saad nito sabay alis na.
Anong pinag sasabi ng guro'ng iyon?
Daddy ni Jao?
Taka nga, paano nag ka roon ng party rito?
Lumapit pa ako ng kaunti upang malaman kung sino siya nag biglang may lumingkis na braso sa bewang ko.
Laking gulat ko nalang ng may biglang pag bulog ito sa akin at ganoon pa ang pagkagulat ko nang inangkin niya ang mga labi ko.
"So long not seeing you babe. "
❄️❄️❄️❄️❄️
Vote
Comment
Share