Happy Chinese New Year!!
◆HIS POV◆
"Magandang umaga po. Nandyan po ba si Tien Costo? "
Tanong ko sa isang may edad na babaeng bumukas ng gate sa akin.
Napangiti ako sa kanya ngunit na ririnig ko ang munting hikbi mula sa likuran niya.
"Wala na po rito. Pumasok na po ng Unibersidad kanina nina lang. Ano po sana ang sadya nila? "
Tanong nito sa akin.
Napa blangko naman ang mukha ko.
Ang tigas ng ulo niya.
Sabing susunduin ko siya para hindi siya mahirapan sa pag pasok eh!
"Huhuhu mama... Mama... Mama!!! Huhuhu" dinig ko mula sa likuran ng matanda.
"May kailangan lang po sana ako.
Ma aari po bang makapasok? "
Nag alangan ang matanda ngunit sa huli ang pina pasok ako nito at doon ko nakitang may batang lalaking nag iiyak na.
"Pag pasensyahan mo na ang apo ko hijo."
Saad nitong tinatakpan ang bata mula sa akin.
Napag pasyahan kong mag pakilala sa kanya upang maging pormal na ang pang liligaw ko.
Ngayon lang ako naging ganito ka seryoso sa isang tao at hindi ko hahayaang bastedin lang niya ako!
"Ako po si Micael Constancia. I want to formally introduced my self, are you Tien Costo's mom? "
Napamaang ito sa akin.
Patay! Hindi ata ako na iintindihan.
Ano banamang dila ito sana kase tagalog.
Mag sasalita pa sana ako nang biglang sumagot ito ng "Hindi. "
Nalaman kong land lady pala siya roon at nangungupahan na matagal si Tien doon kasama ang mga kaibigan niya.
"Nais ko po sanang pormal na mag pakilala. Malinis po ang intensyon ko kay Tien. Mag kaklase po kami at nililigawan ko po siya. Sana po ay ipag paumanhin ninyo noong nakaraan at hindi ako naka baba upang mag pakilala. "
Ngumiti ito sa akin.
"Abay walang ano man iyon hijo. Mabuti naman at ginagalang mo si Tien. Tinuring na namin siyang anak ng asawa ko. "
Nagulat nalang ako ng may isang batang biglang lumapit sa amin.
"Mamá, nililigawan mo po ang mama ko?"
Biglang tanong nito sa akin.
Sinuway siya ni Aling Celsa ngunit hindi ito nag paawat at umupo sa tabi ko at pinag masdan ako'ng maigi.
Hula ko nasa tatlo o apat na taon na siya.
Bilugan ang mata na may pagkasingkit. Maputi ito at halatang may lahi mestizo.
May anak na si Tien?
Kaya ba kaliwaan siya kung mag trabaho?
Kaya ba ganoon nalang siyang mag tipid?
Nasaan ang ama ng batang ito?
Hindi ko inaasahan iyon.
Pero magaan ang luob ko sa batang ito.
I can see my self at him when I was young.
Napangiti ako sa kanya habang naiwan siya sa akin ni Aling Celsa.
"Mamá, alam mo ba ang school ng Mama ko? Gusto ko pong pumasok ng school po. "
Saad nito sa akin na parang matagal na kaming magkakilala.
"Hijo. "
Napabaling ako muli kay aling Celsa na ngayon ay may dalang juice at tinapay.
"Nako po! Nag abala pa po kayo. " sabi ko sa kanya.
Mukhang may sasabihin siya sa akin ngunit nandyan pa ang bata kaya naman nag isip ako ng isang ideya.
Napatingin ako sa bata na mugto talaga ngayon ang mga mata.
Marahil ay umiyak ito.
"Kid, gusto mo ba talagang pumunta sa school ng mama mo? If you like I can bring you... If you fix yourself up now. "
Sabi ko at nag tatalon itong lumayo sa amin upang mag bihis.
"Hijo, masensya kana pero sa tingin ko hindi magandang ideya iyon. Walang nakaka alam na may anak si Tien maliban sa amin dito. Marahil ay nagulat ka rin. Ngayong alam mo na sana naman ay pag isipan mo ang mga desisyon mo. "
I know what that means.
Ngumiti ako sa kanya.
Anong masama kung may anak na si Tien?
I guess I can deal with it.
Isa pa hindi naman santa ang hinahanap ko.
It just showed how responsible she is so be it.
Parang Buy one take one pa siya.
"Makakaasa po kayo sa akin Aling Celsa. He is Tien's life kaya naman sana hayaan ninyo po akong maging parte ng buhay nila. Maari ko po ba siyang maisama sa school? Kanina po nihahanap po niya ang Mama niya eh. Pwede po ba? "
Mahirap kumbinsihin si aling Celsa ngunit sa huli napa Oo ko rin ito kapalit noon ay ang hindi ko pag siwalat na si Tien ay may anak na dahil baka mawalan pa siya ng scholarship.
Sinigurado ko sa kanya iyon at doon pumayag si Aling Celsa.
Nasa kotse kami at maraming tinatanong ang bata.
Natutuwa naman ako sa kanya dahil sa kabibohan niya.
"Sasakyan mo po ito? "Tanong agad niya noong makapasok ito sa loob.
Tango ang naitugon ko.
Tuwang tuwa ito dahil dadalhin ko siya sa University.
Nakakaaliw siya.
"Jao, nasaan ang papa mo? "
Tanong ko rito nang maipit kami sa traffic.
"Wala po akong papa. "Malungkot na saad niya. "Ngunit kahit na ganoon ayo ko siyang hanapin. Baka malungkot ang mama. Narinig ko noon siya na umiiyak at humihingi ng sorry kase hindi niya masabi na anak niya ako sa ibang tao at wala akong papa. "
Naantig ako sa sinabi niya dahilan upang mapag masdan ko siya sa tabing upuan ko.
Nilalaro niya ang kamay habang nag sasalita.
This kid is too old for him self.
Mature na siya sa edad niya.
May be because he is an only one child.
Kalimitang nakikilala kong uniha hija at uniko hijo ay sadyang mature na mag isip.
Sad atmosphere allert!
"I can be your daddy. " pag udyok ko sa kanya dahilan ng pag ngiti nito at pag tingin sa akin.
This is weird.
He makes my heart beats fast!
He got Tien's eyes.
Iyon siguro ang dahilan.
"Talaga po?! "
Bakas ang gulat at pananabik sa boses niya.
"Oo naman. You can call me Daddy any time any where you like kid. "
Napatawa ako sa sumunod na reaksyon niya dahil sa pag sayaw niya sa upuan.
"Kahit marami po'ng tao pwede kitang tawaging Daddy? "
"Oo naman. " taas nuo kong saad.
"Wow! "
Ginulo ko ang buhok niya dahil na kakaaliw ang batang ito.
AGAD KONG hinanap si Tien.
Saan ka ba galing? Kanina pa ako nag hihintay sa iyo. Pinuntahan kita sa boarding house ninyo pero wala kana. Ano ba naman ang tumawag ka at----"
Bigla siyang sumagot habang hindi pa ako tapos.
"Bakit ka ba pumunta doon?! Ang epal mo naman eh. Natural nasa school na ako dahil maaga akong gumising at baka ma late pa ako. "
"Diba sabi ko kagabi susunduin kita para hindi ka mahirapan sa pag byahe?"
Inis kong tanong.
"Hindi ba sabi ko huwag na? Kaya ko naman salamat. "
"Hay. Ang tigas ng ulo mo! " sabay naming nasabi nang biglang may sumulpot mula sa kawalan.
"Mama, Daddy Mys huwag kayong mag away please. "
Sa mga panahong iyon halos kainin na ako ni Tien nang makita ang anak.
Lumuhod ito at hinalikan ang bata.
Suddenly, my heart beats fast.
Hindi ko alam kung bakit ngunit may kung anong bagay sa loob ko ang kumikiliti sa akin.
I felt a pang of jealous.
Hindi ko alam kung bakit.
Akala ko lubusan na niya akong tatanggapin sa buhay nila ngunit...
"Jao anak, tito Mys hindi Daddy at hali ka dito ipapasundo kita kay tita Lala. Sorry anak. "
Iyon!
Parang bombang sumabog sa mukha ko.
Hindi parin niya ako gusto.
Sino ba ang walang hiyang lalaking nang iwan sa kanya?
Ang gago niya.
Ginto na binitawan pa!
Bakit Tien?
Why not me?
I'm willing to father your child.
Change your last name as mine.
Fuck love!
In love na ata ako sa kanila.