25

1505 Words
◆Him◆ Isang sampal ang nakuha ko matapos kaming bumaba ni Tien. Oo sampal. "Mama. " Galit na pinag sabihan kami ng ina ni Tien nang makapag sarilihan kami ng pamilya niya. Hindi masyadong makapag salita ang ama niya gawa ng nag papagaling ito ngunit bakas ang galit sa mukha at mata nito. Marahil nakuha ni Tien ang mga mata nito sa kanyang ama. Okay lang ang masampal. Ang importante sinagot niya ako kanina ng OO. Kasalanan ko din naman ang mga nang yayari. Nakita ko kungpaano nilayo nila sa amin si Jao. Umiiyak ang anak ko at nanatiling tikom ang bibig ng pinsan kong si Angelique. "Anong pinagsasabi mong ikaw ang ama ni Jao? Alam mo bang sinira mo ang buhay ng anak ko? Anong klaseng lalaki ka?! " Walang ibang nagawa ako kung hindi ang humingi ng tawad sa pamilya ni Tien.  Hanggang sa pag disesyunan nilang umuwi nalang. Si Tien, ang anak ko kasama ang magulang niya at ako kasama ang pinsan kong si Angelique. Walang alam ang mga taong nasalabas at nanunuod ng muling pagtanghal ng Fallen. *** HINDI KO ALAM KUNG BAKIT hindi na nag rereport si Tien sa opesina. Inabisuhan ko nalang ang HR that she personally ask her leave from me. Sa tuwing bumubukas ang pinto ng opisina ko ang tanging pinapanalangin ko nalang ay ang pag dating niya. Nasana isang sandi siya ang pumasok at sasabihing 'Good morning sir. ' Nakatango lang ako sa kawalang noong mag gabi na. Balik sa dating trabaho kapag nag umaga na. "Explain this! " Nagulat na lamang ako nang habang nag pipirma ako ng mga papeles ay hindi ko namalayang nakapasok pala si Lolo kasama ang pinsan kong si Angelique at Charmaine. Natigil ako at binuklat ang isang news paper na hinampas ni lolo sa mesa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nasa headline noon. For f***s sakes! Akala ko ba walang makakapasok na media doon? I told Kriz about that. Fallen is back but is M really tying his knot? Who is this lucky girl? Iyon ang nakalagay sa balita. Malalaman at malalaman din naman nila ang totoo so better tell it all. Ginayak ko silang maupo sa sofa sa loob ng aking opesina upang sabihin ang totoo. Tahimik si Angelique ngunit hindi naman mapakali si Charmaine at si Lolo. "Is it true?" Tanong ni Lolo. Nakisingit naman si Charmaine. "Who is that kid you are carrying daw according to the news? " Napangiti naman ako sa kanila. "And why is that your Secretary's table inside your office? "Dagdag ni lolo na kinatango tango ng dalawa kong pinsan. Nasa HOT SEAT ako pag ganitong kinukorner nila ako. Napataas ako ng aking mga kamay bilang pagsuko.  "Okay,  okay I have confession to make. " saad ko na kina tahimik nila at prenteng umupo sa harap ko habang ako naman ay kinakabahan sa sasabihin ko.  Wala namang sakit sa puso ang lolo... Tangena dinadaga ako.  Napahigit ako ng hininga ko. "Ano na?! "Apurang tanong ni Charmaine.  "Oo na oo na heto na... Atat lang eh! " Sabi ko na kinatawa ng dalawa. "The kid that paper says is my secretary's son. "Saad ko na tinuro pa ang news papers. Sumisigaw ang gulat sa kanilang mga mukha.  Napa maang ang dalawa maliban kay Angelique na alam na ang katotohanan. Unang nag salita si Lolo.  "Your secretary? Ms.  Costo? " Tanong nito na kina tango ko. Nag salita si Maine. "Aba!  Sinong gago ang bumuntis sa kanya at hindi pinagutan ang bata?  Napaka walang kwenta pala niya!  Ang kapal ng mukha!  Sino?  Masusuntok ko iyong gagong iyon eh! " kita mo itong babaeng ito sinasapian nanaman ng katomboyan!  Sinuway siya ni Angelique pero wala.  Natigil lang ito ng mag salita na si Lolo.  "I never expect her to have a son...kilala mo ba ang ama ng bata? " tanong nito sa akin.  Napatingin ako kay Angelique na nag ngingiting aso pabalik sa akin.  Dinaga naman ako bigla.  Napahigit pa ako ng hininga bago tumango.  "You should have punch that fucker's face!"inis na usal ni Maine na patango tango naman si Angel.  Seriously, hindi pa nila alam na ako yun pero kung makamura ang pinsan kong ito lintik ah kulang pa ang imperno!  Si Angel naman alam na niya pero kung maka tango kay Maine aba walang bukas! Si Tien ang pinsan nila?  Napailing iling na lamang ako sa inaasta nila.  Nagtanong ulit si Lolo.  "So why did he leave his son and Tien? Seryoso ka ba sa nararamdaman mo'ng iyan apo? " Napangiti ako sa tinanong ni Lolo.   I'm dead serious. "Yes I am lo. " sabi ko na kinatango niya. Sumingit naman sa usapan si Angelique.  "He f*****g is lo.  Hindi ko nga alam kung umuwi iyan upang mag aral o umuwi upang mag landi. " Sinuway ni Lolo ang ginamit na wika ni Angelique.  Seriously, hindi nag iba ang kumento niya sa akin simula noong tulungan ko siya sa pag alis nito sa kumbento hanggang sa ngayon.  That woman is Bitching me again! Kampihan na ang nagaganap lalu na noong tumawa si Maine at sumangayon.  "If you're serious then it's yours to make with.  Huwag mo lang saktan ang babae Micael.  We didn't raise you to be an asswhole apo.  Baka multuhin ka ng Lola mo. " Saad pa ni Lolo. Napailing iling lang naman ako.  "What is his name? That kiddo. " tanong ni Lolo na kinatambol ng puso ko.  Hindi kase maaninagan ang mukha ng bata at walang pangalang naka lathala doon. Dinadaga ata ako!  Napahingang malalim ulit ako at napadasal ng lihim. Wala namang sakit sa puso si Lolo.  This is it.  Kinakabahan akong napagingin kay Angelique pero ang babaeng iyan pinag taasan pa ako ng kilay.  "That kid.... His name..." Kabadong saad ko.  "Huwag kang pabitin Micael. " Kumento pa ni Angelique na kinainis ko.  Kita mo itong babaeng ito! "That kid's name is Jao. " "Talaga?! "Sabay na gulat tanong nina Lolo at Charmaine.  Napatango na lamang ako.  Inikutan naman ako ni Angelique ng eyeballs niya.  Fuck!  My cousin is bitching me out. Problema nito?  "Napaka walang hiya ng gagong nang iwan kay Tien! "Utas ni Maine.  "Gago talaga. Sinabi mo pa! "Dagdag ni Angelique. Hello!  I am f*****g here!  Parang hindi pa alam ng isang ito ang totoo kung maka Gago ah!  "Did you personally get to know the guy?  Kung seryoso ka diyan apo I think you should talk to Jao's father lalu na in the near future your taking his responsibility and custody. " Saad ni lolo na kinatango ko.  Sinaniban ulit si Maine ng pagka Gabriella Silang.  "Iyong gago okay lang sa kanya?  Aba parang aso lang palang pinapaubaya sa iba ang anak niya.  Ay napaka walang hiya ng Gago! " Napupuno na ako sa pinag sasabi ni Maine.  Isa nalang.  Putangena Isa nalang! "Oo nga Couz sinabi mo pa.  Gago talaga iyon!  Malandi!  Bahag ang buntot!  Self centered f**k! Leche! " panunulsol ni Angelique na kina galit ko lalo.  Tangina ah! "Gago!  Lecheng lalaki ano?! Siya kaya ang manganak mag isa at itaguyod ang anak niya ng mag isa.  Kawawang Tien nauto ng isang IRESPONSABLENG gago! Hayop! " Napabilis ang hininga ko sa sinabi niya.  Nandilim ang paligid at hindi ko napigilan ang sarili kong mapasigaw sa galit. "Tangina naman kanina ka pa ah!  Hindi mo alam ang buong sitwasyon Maine!  Wala kang alam! Kanina ka pa mura ng mura ah!  Bakit porket ba lumaki ang bata nawalang ama at hindi pina nagutan si Tien ibig sabihin Gago na at iresponsable? Hindi ba pwedeng wala siyang alam at tinago ni Tien ang totoo?!" Napasampal ako sa ulo ko ng mental dahil sa sinabi ko.  Eh sa galit ako eh! Totoo naman ang sinabi ko.  Anong masama doon diba?  Bakas ang gulat sa mukha ni Charmaine matapos ang pagsabog ko.  "Wow chill naman Mys! "Sabi ni Maine ng humupa ang galit ko.  "Maka react ka naman diyan parang iluwal mo na ang baga mo ah.  Ano ba ang problema mo? Close kayo ng Gagong nangiwan kay Jao at Tien? Ano kinakampihan mo ang gagong ulol na iyon?!" Napatahimik ako bigla nang tanungin ulit ako ni Lolo.  "Kilala mo ba personally ang lalaking iyon apo? " Napahigit ako ng hininga kasabay ng pag tango ko.  Napakuhom ako ng aking kamao. "Sino? " sabay nilang tanong nila Maine at ni lolo, habang si Angelique ay prenteng nakaupo sa sofa.  "The one you're talking with now. " Sabi ko at bigla nalang akong napahandusay sa sahig dahil sa pinsan kong walang Timpi! Putang inang Tomboy na ito! Lintik! Minsan lang ako ma suntok babae pa potah! ◆◆◆◆◆◆ Vote Comment Share Note: hello Readers! Can I ask for a simple help? Please Vote and share my book. This book is free and still on process. From December 1 until 31 there will be a program that I wish to win. During that time our book will be judged base on the votes and share you made. I'll count you on this! Thank you and Bless you all! Xoxo, Ice
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD