Chapter 37

1048 Words

Pinukos ko ang sarili ko nang iwanan na ako ni Lucy. Nagpaalam siya sa akin na bababa na siya at nangako rin na magkikita pa kaming muli. Ngiti lang ang itinugon ko sa kaniya at hindi nagtagal ay iniwanan na niya akong mag-isa. Matagal kong tinitigan ang nakabukas na pintoan. Kahit na may inosente akong pag-iisip ay hindi ko maiwasan na maisip ang pwede niyang gawin sa akin ngayon. Hindi imposibleng mangyari ang iniisip ko lalo na at kami lang dalawa ang nasa loob ng kwarto niya. Maari niya akong galawin kahit ilang beses niya mang gustuhin. Pero may tiwala naman ako sa kaniya na hindi niya ako magagawang saktan. Iniling ko ang aking ulo at sinaway ang aking sarili. Ano ba ang kinakabahala ko ngayon? Maraming beses na niya akong naangkin sa aking panaginip at ngayon pa ba

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD