Chapter 59

1060 Words

Mahimbing ang tulog naming dalawa ni Hydee nang biglang may kumakatok sa pinto ng kwarto namin. Pagod na pagod ang katawan namin dahil sa buong araw na paglalakad at kung ako ang tatanungin ay ayaw ko pa talagang bumangon sa mga oras na ito. Si Hydee naman ay ganoon din kaya kinapkap niya ako sa aking balikat at inutusan na ako na muna ang magbukas ng pinto. "Elyse, ikaw na ang magbukas," nanghihina niyang utos sa akin. Para na siyang lantang gulay at hindi ko man siya tingnan ngayon halata naman sa tono ng kaniyang tinig. Kahit naririnig ko ang sinabi niya ay binalewala ko pa rin ang nang-iisturbo. Pero wala yata itong balak tumigil dahil mas lalo pang lumalakas nang lumakas ang pagkatok niya. Parang sisirain na yata niya ang pinto at sinasabayan niya pa ng malakas na pagtaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD