THIRTY SEVEN

1825 Words

"Via, come to me. I'm your mommy—" Hindi pa man natatapos ng babae ang sasabihin nito ay naputol na iyon ng malakas na pagbusina. Napaigtad sila pare-pareho dahil doon. Tumigil ang sasakyan ni Oliver sa tapat mismo ng gate. Ni hindi na nga iyon naiparada nang maayos ng binata. Nagmamadali itong lumabas mula sa sasakyan at hinarap ang babae. "Veron!" Galit na sigaw nito. "What in the fvcking world are you doing in front of my house?!" Veron. Syempre alam niya ang pangalang iyon. Paminsan-minsan ay nababanggit iyon sa kaniya ni Via. Ngunit sila mismo ni Oliver, hindi pa iyon napag-uusapan. Miski isang beses. Kahit kailan ay hindi niya binuksan sa binata ang usaping iyon. Alam naman kasi niya, at kita niya sa mukha ng nobyo na hindi ito kumportable, mabanggit lamang ang pangalan na iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD