Chapter 2

1236 Words
Velbet's POV, *RING!* Napadilat ako ng mata ko ng marinig ang pagtunog ng cellphone ko. Bumangon ako sa kama at kinuha ang TDR phone ko. "What is it?" Pambungad ko, hindi na ako nag-abala kung sino ang tumawag. "Single mission, do you want to accept it?" It's Kuya Slyde. Napaisip naman ako, tanggapin ko kaya. "What kind of mission?" Tanong ko, hindi kasi tumanggap si Red. Busy siya kay Blue, ewan nalang kay White. Nagsasama lang kami kapag kailangan. "Two days mission. Sa Japan,you just need to kill the famous doctor. "Sagot nito, not bad. "May papatayin pa bang iba?" Tanong ko, wala pa akung naging mission na hindi pumapatay na sobra sa isa. "If needed, kill him or her. Bukas ang alis mo." Wika nito. "Okay, I will accept it. Pupunta nalang ako mamaya jan." Sagot ko at pinatay ang tawag. Napabuntong hininga ako at bumaba sa kama. Kinuha ko ang robe ko at pumasok sa banyo, kung bukas ang alis ko. Pupunta muna ako kay Ice, tatlong araw ko rin siyang hindi makikita. Kaya lalandiin ko muna. Ng matapos ako pumunta ako sa kompanya niya, ang yaman kaya ni Ice. May airport siya at wine company. Sa elevator palang ako may pumasok na babae na naka dress ng kulay itim. She's beautiful. Pinasadahan ko ito ng tingin, maganda nga pero halata na maldita ito. Ang arte sa katawan, fake naman ang boobs. "Pupunta pa ako kay Ice, Jef." Sagot nito sa kanyang cellphone. Doon na napataas ang kilay ko. So si Ice ang pakay niya dito, tingnan natin. Ng bumukas ang pinto ng elevator mabilis akung lumabas at sinagi siya, dahil sa naka heels siya natumba ito. Bumaling ako sa kanya na gulat na gulat. Hindi siguro makapaniwala sa ginawa ko. "Sorry girl." Wika ko at pinindot ang close button ng elevator at pinindot ang groundfloor. Buti nga sayo. Nakangiti ako papasok sa office ni Ice, kilala na ako dito.Kahit secretary niya kilala ako. Ng nasa harap na ako ng office niya tinulak ko ito at pumasok, nadatnan ko siya na busy sa pagbabasa ng papeles niya. "Hello darling." Bati ko sa kanya at tumayo sa harap ng mesa nito. "What the hell are you doing here!" Sigaw nito, kita mo na. Kakarating ko lang sigaw na kaagad ang naabot ko. Ang galing. "I want to see you darling." Sagot ko at umupo sa mesa niya. Pinukol naman ako ng masamang tingin. "Stupid." Wika nito at pinagpatuloy ang pagbabasa sa papeles niya. "Stupid inlove with you." Wika ko at bumaba sa mesa at lumapit sa kanya. Napabuntong hininga naman ito at pabalang na binaba ang papeles nito. "Stay away Vel!" Frustated na wika nito at hinilot ang noo. Hindi pa nga ako nakalapit ganyan na siya. Ma try nga. Umikot ako sa kanya at mabilis na kumandong sa dito. Nagulat pa ito sa ginawa ko pero hindi ko na hinayaan na maka protesta ito, mabilis ko itong hinalikan sa labi. Yumakap ako sa batok niya upang palalimin ang halik, lalaki si Ice kaya alam ko na gusto niya ang ginawa ko. Hindi nagtagal tumugon ito sa halik ko, humawak ito sa beywang ko at hinila ako palapit sa kanya. Stay away daw, pero makahalik sa akin parang walang bukas. Sa bawat haplos ng kanyang labi damang-dama ko. Bumaba ang kamay ko sa leeg niya at hinaplos ito. Hanggang sa napunta ito sa suit niya. Tumigil ako sa kakahalik sa kanya at tiningnan ito sa mata. Ngumiti ako sa kanya at hinugot ang papel sa bag ko. Binigay ko ito sa kanya, hindi parin ito nagsasalita. "I want you too sign that contract, wala na akung ibang maisip para maging akin ka Ice. Masyado kang mailap, just give me two months Ice. Pagkatapos nito, pababayaan na kita. Just two months." Wika ko, wala na akung ibang maisip para mahalin ako ni Ice. Niligawan ko na pero wala parin, lahat ng papansin nagawa ko na. And worst naghubad pa ako sa harapan niya pero tinalikuran lang ako, gaya nga ng sinabi ko hangin lang ako sa kanya. "Are you insane! Gusto mo na maging bedwarmer kita! Baliw kana ba!" Singhal nito at tinulak ako patayo, ng makaalis ito paikot-ikot ito sa office niya. "Yes, wala na akung ibang ma-isip para maging akin ka! Alam ko na babae ako, pero sadyang mahal lang kita! Just give me a chance Ice kahit ito nalang." Sagot ko sa kanya, yes. Ang nakalagay sa papel ay contract na ginawa ko para sa amin. Na naglalaman na magiging bedwarmer niya ako for two months. Perma niya nalang ang kulang. "No!" Sigaw nito at pinunit ang papel, napabuntong hininga ako at tumayo. Ayaw niya talaga, ano pa ang gagawin ko para maging akin siya. "Ang tigas mo Ice, ano pa ba ang kulang! Alam ko na gusto mo ang ginagawa ko sayo, tumutugon ka sa mga halik ko! Pagbigyan mo naman ako! Hayaan mo lang ako na mahalin ka! Wala akung pakealam kung katawan ko pa ang maging kapalit! Wala na akung ma-isip." Huminga ako ng malalim at hinugot ang huling copy ng contract na ginawa ko. "Kung magbago ang isip mo tawagan mo ako, aalis ako ng tatlong araw, dalawa para sa mission ko, one day is for my rest. Hihintayin ko ang sagot mo, please Ice. Kahit ito nalang. Basahin mo ng maigi ang contract." Wika ko at nilagay ang last copy ng contract sa mesa niya at tumalikod, pero tumigil ako sa paglabas ng marinig ang boses niya. "Velbet! Nag-iisip kaba! Agent kaba talaga ng TDR dahil sa ginagawa mo! Ikaw ba talaga si Heal! Dahil sa inaasal mo hindi!" Singhal nito sa akin, napatawa ako at humarap sa kanya. "Yes, I'm Heal. At oo nag-iisip ako, ginagawa ko to dahil gusto kita." Sagot ko at humarap sa kanya. "Hindi ako papayag Vel!" Sagot nito at pinukol ako ng masamang tingin. "Hindi ko akalain na aabot tayo sa ganito! Hindi ako papayag!"Dagdag pa nito at kinuha ang papel sa mesa nito at binalik sa akin. Ng mahawakan ko ito, pinunit ko ito sa harapan niya. Nagulat pa ito sa ginawa ko. "Kung hindi ka madala sa usapan, pwes humanda ka. Hintayin mo ang pagbalik ko." Wika ko at ngumiti sa kanya, expect ko na na gagawin niya ito. "Velbet!" Frustated na wika nito. "I have my second plan darling. Just wait." Wika ko at tumalikod. Kung hindi ka madadala sa usapan, pwes sigurado ako sa gagawin ko papayag ka. "Nga pala, hintayin mo ang bangkay ng babae mo.Kilala mo ako Ice, papatay ako sa kung sino man ang makaka alam kung sino ako, that girl in elevator is going to die now. Narinig niya kung sino ako." Wika ko, ang babae kanina sa elevator nakita ko nakasilip sa pinto, kaya malamang narinig niya ang sinabi ni Ice na ako si Heal. Kawawa naman siya, kasi talagang papatayin ko siya. "What! Sino!" Tanong nito. Ngumisi ako at kinindatan siya at lumabas na. Tama nga ako, hindi papayag si Ice sa contract. Matalino talaga ang lalaking iyon. Ako na nga ang nag-offer tinanggihan pa. Talaga bang ganon nalang ang galit niya sa akin, ni kaibigan ayaw niya. Ng makababa ako sumakay ako sa ducati ko at sinundan ang na trace na location ko. Ano pa, edi ang babae kanina sa elevator papatayin ko. At pagkatapos ipapadala ko kay Ice ang ulo niya. Syempre joke, ma turn off ang darling ko sa akin. Pero hindi parin maiwasan na sumakit ang puso ko, sobrang mahal ko si Ice. Lahat na ginawa ko, ano pa ang kulang para mabigyan naman niya ako ng pansin. Kasi sa tingin ko nagawa ko na lahat, pero wala parin. Pero kaya ko pa magtiis, maging akin rin si Ice. Akin lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD