Chapter 4

985 Words
Velbet's POV, Mahigpit kung hinawakan ang manubela ng race car ng maalala ko ang pinadalang sulat sa akin ng ama ko. Pauwi na ako ngayon sa TDR, actually nandito na ako sa Manila. Nag mamaneho ako pabalik sa TDR. Ang lakas ng loob niya ng pagbantaan ako, dinala niya pa si Ice. Mabuti lang sana kung ako lang pero kasama pa si Ice. Ibang usapan na kapag kasama si Ice, talagang gagawin ko ang lahat para malayo siya. Napakagago naman kasi ng ama ko na iyon. He's an asshole a f*****g s**t asshole. Darating ang araw mapapatay din kita. Kahit ama pa kita papatayin kita, simula ng sinaktan mo ako kinalimutan na kita bilang ama ko. Ipapatikim ko sayo ang imperno na naranasan ko, sobra pa ang ibabalik ko sayo. Sisiguraduhin ko na gagapang ka sa lusak, ibabaon kita sa imperno na hayop ka. Mabilis kung pinaharurut ang kotse ko at niliko ito, pero napa preno ako ng may muntik na akung mabangga na kotse na naka park. "f**k with degree!" Mura ko at mabilis na yumuko ng may lumabas na mga tao sa kotse at pinaulanan ako ng bala. Kinapa ko ang barel ko sa ilalim ng upuan ng kotse ko. Fuck! Minamalas ata ako ngayong araw, akalain mo may papatay pala sa akin ngayon. Hindi ako gumanti ng putok habang binabarel pala nila ako, siguraduhin lang nila na matatamaan nila ako, dahil kung hindi sila ang ihahatid ko sa hukay. "f**k them! Sinira nila ang mercedes ko! Bagong bili ko lang ang isang ito." Mura ko, mga gago talaga. Sayang ang pera ko, mahilig pa naman ako sa sports car. Ng tumigil na ang pagpapaulan nila sa akin ng bala kinuha ko ang maskara ko sa dash board ng kotse tsaka sinuot. Umikot ako at sinipa ang pinto, tumalon ako ng mabilis sa kotse habang iniiwasan ang bala ng barel. "f**k! Masakit pa naman ang puson ko." Mura ko at nagtago sa likod ng kotse ko, wala manlang katao-tao dito. Bwesit kasi na period ngayon pa dumating. "Lumabas ka dyan Heal! Huwag kang duwag!" Sigaw sa akin, sino ba ang mga ito. Malamang sino pa ba! Alagad na naman siguro ng magaling kung ama. "Paglumabas ako dito patay kayong lahat!" Sagot ko sa kanila habang sinusuri ang barel ko. "Kill her!" Napatigil ako sa pag-ayos ng barel ko at isang malakas na pagsabog ang umalingaw-ngaw sa paligid at ang pagsabog ng kotse ko. Napamura ako ng ilang beses sa isipan ko, sinikap ko na makalayo sa kotse ko pero huli na ang lahat tumagilid na ito at naipit ang kamay ko. Naramdaman ko ang pagmanhid ng katawan ko at ang pag-agos ng dugo mula sa ibat-ibang parte ng katawan ko, napangiwi pa ako sa sakit ng kamay ko. Tangina! Na dali ata ako ngayon, sigurado sasabog pa ang kotse na to, malakas kung hinila ang kamay ko pero kasabay ng pagkaalis ng kamay ko nagkasugat din ito. Hindi na ako nag atubili pa, gumulong ako paalis sa kotse at tama nga ako sumabog ito. Napaigik ako sa sakit ng mapahiga ako sa damuhan, bwesit! Kinapa ko ang barel ko maingat na tumayo. Kahit pilay ang kanang kamay ko may kaliwa pa ako. Umakyat ako sa matarik na bato kung saan makikita mo ang mga armadong lalaki na ngayon at nakapalibot sa sumabog kung kotse. Umupo ako sa bato at kinuha ang laser pen ko. Isa-isa kung tinutok sa kanila ito at pinaghahati-hati ang mga katawan nila. Nakita ko kung paano magkawatak-watak ang mga katawan nila. Linapitan sila ng ibang kasama nila dahil sa nangyari, kinuha ko ang barel ko at pinasabog ang ulo nila. Wala ba silang mata na hindi nila ako nakita dito, sa huling tao na napatamaan ko binarel ko ito sa tagiliran, tsaka bumaba sa bato. Ng makalapit ako sa taong binarel ko sa tagiliran sumusuka na ito ng dugo. Hinila ko ang takip nito sa mukha at sana hindi ko na ginawa. "Sa imperno ang deritso mo Heal, pinatay mo ang Tito mo." Wika nito kahit na lumalabas na ang dugo sa bunganga niya. Yeah, kapatid ng bwesit kung ama ang nasa harapan ko ngayon. He's my uncle. "Pareho lang tayo ng patutunguhan." With that pinasabog ko na talaga ang ulo niya. Napabuntong hininga ako, kung sa iba sobrang sama ko na siguro pero nararapat lang sa kanila ang mamatay. Mga halang din ang mga kaluluwa nila. Napabalikwas ako ng may narinig akung sasakyan na parating, tumigil ito sa dulo at bumaba ang nagmamaneho nito. "Minalas ka ata ngayon Heal." Napa rolled eye nalang ako sa sinabi ni Nix. Napatingin pa ako sa dulo ng may dumating na isang van at bumaba ang ibang special agent, nag abala pa sila. "Huli na pala kami." Natatawang saad ni Pink kaya pinukol ko ng masamang tingin. "Linisin niyo nalang ang bangkay nila at sunugin, na pilay ang isang kamay ko." Wika ko at nilampasan ang nakakalat na bangkay nila, watak-watak pa ang mga ito. "Ginawa pa kaming tagalinis." Reklamo ni Nix pero hindi ko na pinansin, para ano pa. Masakit na nga ang katawan ko. Hindi na ako makakapagpunta nito kay Ice, hindi naman pwede na humarap ako sa kanya na ganito ang mukha ko. Lumakad ako papunta sa van na dala nila at pumasok sa loob, humiga ako at pinikit ang mga mata ko. Sobrang sakit ng katawan ko pero kaya ko namang tiisin, para saan pa ang training ko. Fuck my father, he will badly pay for this. Huwag lang siyang magpakita sa akin dahil kahit ama ko siya papatayin ko siya. He's an f*****g asshole. Huwag lang siyang magkakamali na idamay si Ice sa kagaguhan niya,dahil pupulutin ang bangkay niya sa kalsada na lasog-lasog. Matagal ko ng kinalimutan na ama ko siya, at hindi naman siya naging ama sa akin. "Kailangan gamutin si Heal, bumalik na kayo sa TDR. Nandoon si Saki." Rinig kung wika ni Nix, wala na akung narinig na sagot. Naramdaman ko nalang na umusad na ang van. Tama si Nix kailangan ko ng magamot, nararamdaman ko na ang dugo sa damit ko. Sobrang malas naman ng araw ko ngayon. Tangina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD