Velvet's POV, Dahan-dahan kung minulat ang mata ko ng makarinig ako ng usapan. "Damn Slyde! Hindi ko alam ang plano nito pero, delikado ang lagay ni Velvet. Dalawang linggo na siyang kinakabitang ng life support. Sobrang hina ang kapit ng bata." Kung hindi ako nagkakamali boses iyon ni Bench. Ginalaw ko ang kamay ko para malaman nila na gising na ako. "She's awake. Tawagin mo si Wind sa labas." Rinig kung saad ni Aston. Ng tuluyan ko ng madilat ang mata ko bumungad sa akin ang mukha ni Kuya Slyde at Bench. Nasa tabi nila si Porche at Aston. "s**t! Vel, may masakit paba sayo?" Tanong kaagad sa akin ni Kuya Slyde, hindi ako makasagot dahil sa oxygen na nakalagay sa labi ko. Ungol lang ang naging sagot ko at iling. "Don't move, sariwa pa ang sugat mo. Dalawang beses kang inoperahan.

