Ice's POV, "Ice, mauunang pumasok ang Bladers, tsaka tayo susunod. Nandito na mamaya sina Red or doon nalang sila. Sila ang naglagay ng bomba sa mansion ni Cesar." Inayos ko ang barel ko habang nagsasalita si Slyde sa gilid ko. "Nasaan si Guitery?" Malamig na saad ko at nilagay ang dalawang barel sa tagiliran ko. Nilingon ko si Slyde na naka maskara. Tinuro niya ang babae na hawak-hawak ni Tungsten at nagwawala. Nandito sila ngayon sa HQ ng DG. Nalaman na nila kung saan ang bahay ni Cezar. Nasa gitna ng gubat ang mansion niya. Lumapit ako kay Guitery na halos pass ang mukha. Papatayin ko ang hayop na to! Buhay niya ang kapalit sa pagpatay sa kapatid ko. "Hayop ka Ice! Nagkamali ka ng kinalaban mo! Humanda ka!" Sigaw nito pero hawak-hawak ni Tungsten ang kadena sa kamay at paa niy

