CHAPTER 3

2637 Words
Bigla nalang naimulat ni Nathaniel ang mata niya nang marinig niya ang alarm sa kanyang cellphone. Dali-dali naman niya itong pinatay at inilagay muli sa cabinet sa tabi ng kama niya. Natatakot kasi siyang may makitang panibagong notification at baka galing ulit ito mula kay Luxe na 'yon. From the bed, he seemed excited to sit on the bed. He is so grateful and there is light. He didn't even sleep well because of what happened last night. He feels, he just glared but shook his whole body and thought. Mula sa pag kakaupo niya ay tumayo naman siya bigla at humarap sa salamin. Mukha siyang ewan na mukhang zombie sa lalim ng mata niya at laki ng eye bags daig pa naka shabu. "Naku naman, ano bang gagawin ko? Maglagay ng bawang at asin sa buong paligid ng kwarto? O kaya magpa-albularyo? Tumawag ng ispiritista? Pare?" Hinimas naman niya ang magkabilang pisngi at napapakamot sa ulo. Pag katapos, madiin niyang kinurot ang pisngi niya. "Kamag-anak lang niya ang gumagamit n'on, hmm okay?" Saad niya sa sarili niya. Napaigtad siya nang bigla na lamang nag vibrate ang cellphone niya dahil sa f*******: messenger tone. Malakas ang tunog dahil NAKAPATONG ang cellphone niya sa cabinet kaya mabilis niya itong maririnig at dahil naren sa sobrang tahimik sa loob ng kwarto niya. Nagmadali niyang kinuha ang twalya at mabilis na pumunta sa banyo sa pag kakatakbo niya muntikan pa siyang ma dulas. Ni-lock naman niya agad ang pinto kahit alam niya na siya lang naman ang tao sa loob ng apartment niya at naka lock den naman ang main door nito. Habang naliligo si Nathaniel, hindi niya maiwasan na maya't maya niya patay sindi ng shower. Pinakikinggan niya kung may iba siyang naririnig or kaluskos ba sa paligid sa loob man ng c.r or mapa labas. Binuksan niya ulit ang shower at tumingin naman siya sa salamin kung may napapansin itong kakaiba. "Tinatakot mo lang yang sarili mo sa mga walang kwentang bagay, boy!" Aniyang napapailing. Muli niya naman pinatay ang shower nang mag-shampoo na siya. Bigla namang napamura si Nathaniel dahil sa nang pumailanlang ang kantang 'time machine' sa labas ng banyo. Medyo mahina 'yon dahil ang nasa tantya niya ay medyo malapit sa kusina o maybe sa kusina ang tunog na 'yon. Tila naman na nabitin ang kamay niya sa pagkuskos ng kanyang buhok. Ni hindi niya ito mabanlawan dahil natatakot siyang pumikit. Iniisip kasi niya na kapag pumikit siya eh pag dilat ay makita niya sa harapan na niya mismo may nakatayo or something creepy face in front of him. Napahawak siya sa braso niya at biglang tumayo naman ang mga balahibo nito, basa siya ng tubig ngunit para siyang pinagpapawisan. Kahit pa na hindi makapag banlaw si Nathaniel, kinuha na niya ang tuwalya at ipinalupot na lamang 'yon agad sa katawan niya. Kinuha niya naman ang tabo na nakalagay sa balde at napaka higpit ng hawak niya rito. Balak pa man din niya iyon ibato sa anumang klaseng nilalang na bigla na lamang pumasok sa apartment niya. Tumutulo pa mula sa kanyang buhok ang bula nang lumabas pa siya sa c.r. Dahan-dahan naman siyang naglalakad at nag mamasid sa gilid-gilid. Narinig niya ang mahinang kaluskos mula sa kusina nga nila. Lalo siyang kinabahan, ngayon niya lang siya nag sisi at ngayon niya lang den na napagtanto na bakit pa siya lumabas ng banyo . Sana pala, nag kulong nalang siya doon hanggang mawala ang naririnig niyang kung anong bagay man ang mayroon don at kung sinong nilalang iyon. Mas lalo pa niyang hinigpitang ang pagkakahawak sa tabo, habang ang kabilang kamay ay nakaalalay sa kanyang tapis. Mabagal niyang tinungo ang kusina hindi siya nagbibigay ng ano mang ingay. "Oy tol, good morning!" Napanganga siya sa bati ni Geo . "Kain tol? Nga pala pinakialaman ko na yung cereal mo diyan ang sarap, eh." Natulala naman siya at napakurap-kurap pa siya at nang oras ding 'yon ay gusto niyang sapakin ang matalik niyang kaibigan. "Jusmiyo marimar ka, bro! Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa 'yo, akala ko pa naman kung ano na, akala ko may nakapasok nang masamang elemento na gawa ng yokai sa pamamahay ko! Akala ko-----" Geo rolled his eyes. "Ano? Akala mo multo? Akala mo maligno? Akala mo si Luxe? Akala mo mahal ka pa pero totoo hindi na?" Napairap siya . "Hindi ako nakatulog dahil diyan," pag-amin niya. "At saka bakit may ganyang kanta oa? Bakit hindi ka man lang nagsabi na ' hoy tol andito ako papatugtog ako' pero wala hindi porket may susi ka den ng bahay ko, basta ka nalang papasok! Give me privacy too..." Tinawanan lang siya ni Geo. "Kung maka-privacy ahh, akala mo may girlfriend. Ang huling nag-time na naka-check, napag-iwanan ka na. Ikakasal na ang ex-girlfriend mo.. tapos ikaw? Kalalaki mong tao luhaan." "T*ngin* mo, cereal ko 'yang kinakain mo!" "Oo nga, bestfriend o tropa mo ako, eh. Ang kay bilog, kay tatsulok den. At ang kay tatsulok ay kay bilog den," nang-aasar paring saad ni Geo na sinundan pa ng paghagikhik na napakalakas na tawa. "Na-LSS kasi ako dito sa kantang 'Time Machine, nanood kasi ako ng Movie kagabi. At saka nag chat ako sa 'yo tol, ah na pupunta ako rito, monggoloid ka den eh no." Sabay natulala ulit si Nathaniel ng maalala niya ang NOTIFICATION na narinig niya kanina. Hindi na niya 'yon tiningnan manlang oh miski buksan ang phone nang dahil sa takot na baka si Luxe ang laman nanaman ng notif niya si Geo pala 'yon. Anong nangyari masyado na talaga siyang paranoid. "At anong gagawin mo sa tabo na 'yan?" "Pang self-defence ko," saad niya na mistulang natatawa na rin dahil sa nang-yari. "Ano ibabato mo sa multo? Ihahampas mo?" "Wala kang pakialam kung paano ko ipagtanggol ang sarili ko----kahit pa bulak oh cottonbuds pa gamit ko, ibabato ko paden sa kanya 'yon, wala ka na r'on labas kana sa ganoong sistema," inis na saad niya. "Maiwan na nga muna kita diyan, mag babanlaw lang ako." Agad naman niyang tinalikuran ang kaibigan niyang napapangiti rin. Hindi na niya tuloy alam kung kaibigan ba talaga niya ang isang 'yon. Mamaya, iche-check ko na talaga kung sino'ng himpokrita ang gumagamit ng f*******: account na 'yon, aniya niya sa sarili bago naman siya pumasok sa banyo para mag banlaw. /////////////////////////////////////////// "CONGRATS, sir!" Bati kay Nathaniel ng guard nang makarating sila ni Geo sa grounds ng kompayang pinapasukan nila. They even dont know kung para saan yung congrats na 'yon Napakunot-noo naman siya at nag salubong kilay. Para saan naman 'yong 'congrats' na 'yon? Nang tiningnan niya ang kanyang kaibigan, napailing at nagkibit-balikat den ito na sinasabi o ipinapahiwatig den siya na wala siyang alam kung bakit sinabi ng Guard iyon. "Oyyyy bro! Congrats!" A man shouted from behind him. Nang lingunin naman nilang dalawa ang lalaki na sumigaw sa likuran nila ay nakita nila itong lakad-takbong paglapit sa kanila ni Cedric. Hingal na hingal ito nang tuluyang makalapit sa kanilang dalawa. "Congrats," inulit-ulit nito sa sinasabi sa pagitan ng paghinga niya. "Nakita ko sa f*******:, may girlfriend kana ah naaauuxx may jowavels kana ahh, sa wakas!" Narinig naman niya ang bahagyang pagsamid ni Geo. Sigurado ako ngayon na nagpipigil ng tawa si Geo, pambihira. Mukha na talaga siyang kawawa para pagtawanan ng mga kaibigan nila? Pakiramdam tuloy niya na talaga inaabangan ng lahat kung kailan mag kakaroon ng panibagong love life si Nathaniel. "Nakakainis kayo, mga patola," iritang saad naman niya at nauna nang maglakad at iniwanan si Geo papunta sa elevator. Ramdam naman niya ang nagmamadaling hakbang ng dalawang kaibigan nito at tila ba na hinahabol pa siya nito. "Hindi ba totoo bro? Wit mo paba jowabels 'yong Luxe Groussine?" Usisa naman ni Cedric. "Hindi! Kaya 'wag kang napaka patola diyan," saad naman niya sa kaibigan. Lahat na lang ba ng ipo-post niya sa f*******: ay papatulan ng mga ito at gagawin pang headline? "Ay, gan'on? Echos lang ang---" "Ssshh" saway niya naman rito dahil napaka ingay nito at nang marinig pa ng iba pang katrabaho dito sa loob ng elevator. Mga kaibigan 'yon ni Sarah. Magkatrabaho kami ni Sarah noon dito sa kompanyang pinapasukan ko ngayon . Parehas lamang sila ng department at palagi ren silang magka-chat, text, call or whatever gamit ang instant messenger ng kompanya nang maghiwalay sila, nag-resign na ito at lumipat naman doon sa kalaban nilang kompany. Magandang bagay, nilinaw na niya na hindi dahil sa break up nila kaya ito lumipat at wala ren dapat ikatama doon dahil lamang sa break up na naganap. Sadyang mas lumaki lang ang sahod doon sa kalaban nilang kompanya kaya siguro natukso itong doon na lamang mag trabaho. Yeah, right. Kaya nga nakapag-ipon agad ng pampakasal ang mokong. "Hey, pre! Good morning!" Bati naman sakanya ni Mark, isa sa mga kaibigan ni Sarah. "Btw, congrats huh, at last bro!" "Thanks," saad niya naman kay mark. "Nakadale ka ng chekwa, ha," tukso naman sakanya ni Mark. He's been his friend. Katulad lang siya ng nga kaibigan niyang lakaki ay mababait den naman ito---at minsan yes medyo bully. Kung hindi lang ito kaibigan ni Sarrah, sasabihin din niya ritong hindi niya talaga siya Girlfriend ‘yong Luxe Groussine na yon. Pero kung malapit lang talaga siya kay Mark?, Hindi hamak na mas malapit lang den ito kay Sarrah. Kaya no, no, no. "Seriouly, pre?... I'm so fvcking glad that you're happy. You deserve it pre" sabi pa nito. Lihim siyang napangiwi. Hindi sa sinabi ni Mark, kung hindi sa sarili niya na talaga mismo. Paano naman siya magiging masaya kung kinakailangan pa niyang magsinungaling sa iba? Paano siya magiging masaya kung kailangan niya oang humatak o manghila ng kung sino-sino lang ang nakikila niya sa f*******: para lang sabihing Girlfriend niya iyon. He's really pathetic. Bahagya naman siyang napa iling. Naunang lumabas na si Mark kaysa sa kanilang dalawa dahil ito ang nasa harapan. "Okay guys coffee?" Magtitimpla ako," alok naman ni Cedric nangmakalabas na silang lahat sa elevator. "Yun ohh okay, yeah, one for me bro, please?" Saad niya. "Hindi ako nagkape kanina eh may g*go kasi na pumasok nalang bigla sa apartment." Narinig niya ang halakhak ni Geo na nauuna na sa kanila sa paglalakad. Nag-echo pa ito sa buong lobby ng floor. "Mabait din ako maging gago, alam mo yan" Hindi na lamang niya tuloy ito pinansin, sinundan na lamang niya ang kaibigan papunta sa kanilang opisina. Ipinatong naman kaagad niya ang dalang bag sa ibabaw ng kanyang lamesa nang makarating sa sariling station. Tila nawaglit sa isipan niya ang kaba at takot dahil kinuha naman nito ang kanyang cellphone sa loob nang bag at tiningnan niya muli ang notification sa f*******:. Naroon den ang unread messages ni Geo na nagsabi na dadaan siya sa bahay kanina nga bago pa siya pumasok sa trabaho. At ang ilan oa sa mga nakita niya sa notification niya ang puro nalang 'congrats' sa post niya tungkol sa 'in relationship' niya kay Luxe Groussine. Para siyang nag-announced na ikakasal na silang dalawa kung makapag-congrats ang mga kaibigan niya. Nagbasa-basa lang nang comments si Nathaniel at nag scroll down, scroll down nang mabasa niya ang comment den si Sarrah na 'nice one'. Nag-salubong naman kaagad ang kilay ni Nathaniel. Alin doon ang nice? Iyong may jowa na ba siya kuno o ang may maituturong jowa ba kamo kahit pansamantala lang naman talaga iyon at hindi niya kilala ang babae si Geo lang ang nag tulak sa kanya na yon ang gamitin niya? Napailing siya. Such a loser. Nagulat naman siya ng biglang magkaroon ng number na '1' sa notification icon niya at yung din ang dahilan kung bakit napakunot noo nanaman siya. Buong akala niya ay, 'congrats' na naman 'yon mula naman sa kung sino mang f*******: friends niya. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakamali niya. Muntik na kamo niya maibato ang cellphone na gamit niyo nang isang heart reaction ang lumitaw pag bukas niya ng notification niya, mula kay Luxe Groussine. "Your coffee," saad ni Cedric sabay abot sa kanya ng kape na nasa styro cup. "M-may problema ka na naman ba bro? Bakit hindi maipinta 'yang ganyang mukha mo?" "Wala," pretending. "Btw thank you for this, tol" Inirapan siya ng kaibigan at nagmamaktol na nagsumbong kay Geo. Napaaga sila ng 30 minutes, kaya pa petiks petiks lang muna sila. "Geo, kausapin mo nga 'tong bestfriend mo, ba't ganito na naman 'to?" Natawa si Geo sa inakto ni Cedric. Habang siya naman, salubong-kilay pa rin sa makitang nababalagbagang 'yon. Bwisit talaga kung sinong nilalang man ang nananakot sa kanya. "Baliw ba talaga kaibigan mo? Jan, aning-aning," saad ni Cedric na sinabayan pa ng pag-ikot ng daliri sa tapat ng tenga nito. "Mga loko," inis pero natatawa niyang sagot sakanila. "Baliw kase, ganto kase yan CED, jusmiyo marimar, pinusuan ang post ko ng chekwa na yon." "Awwwww, sweet pie," hudyo ni Cedric. "Tsss, hindi mo naiintindihan, Cedric." Napakamot na lamang siya sa ulo. "Ganito kase yan Cedric makinig kang mabuti ang lakas den kase ng tama mo mang trip, 'yang girl na 'yan. Noong nag-message ako sa..." Luminga-linga muna siya sa paligid kung may nakikichismis pa bang iba sa sasabihin ni Nathaniel at sinisugurong hindi iyon maririnig ni Mark o na kahit sinong malapit sa buhay ni Sarrah. Sumandal na muna si Geo sa division ng mga station nila, at habang si Cedric ay humila ng isang upuan at para makaupo den malapit sakanya. "Ano ba kasi 'yon? Tuloy mo na bro" tanong ng huli. "Charot lang na Girlfriend ko 'yong patay," simula niya sa mahinhin na boses. "Eh, bwisit kasi 'yang kaibigan mo, sinabi kase sa akin na hindi na daw ginagamit yung account. So ayon nga i sent her a message, hoping that she won't read it---that no one would actually read it. But we're wrong, I'm wrong." "She read it?" Cedric asked. "Yes! At in-add ako ng mokong! At ang sabi pa niya na magaling mong kaibigan, i-accept ko. "So anong ginawa mo?" Cedric asked again. "In-accept ko nga." "Eh, bakit ba kasi sunod ka ng sunod den kay Geo?" Pang-aasar niya at natatawang tanong ni Cedric. "Alam mong isa ding may sapak 'yan, eh" sinenyas pa nito ang ulo nito. "So, ano na nangyari? Nagalit?" "Sana nga nagalit na lang siya jusmiyo marimar. Nag-sorry na naman ako kaagad kaya lang, nang tingnan ko ang profile niya, jusmiyo marimar kayo, deads na ang lolay mo!" "What the hell dude!? SERIOUSLY? Eh, s-sino'ng n-nag-add sa 'yo?" "Potek 'yan den ang tanong ko, jan. Actually hindi nga lang 'yan eh dahil nag-message rin siya. Sino'ng nag-chat sa akin diba at sino den ang gumagamit sa account niya." "At saka, sabi mo pa pinusuan pa niya ang post mo?!" Cedric asked. "Oo! Medyo creepy siya---i mean ang creepy talaga," saad niya na nagpatawa nang malakas kay Geo. "Nagsama pa nga ang magkaibigang may sapak. Malay niyo kasi, kamag-anak lang 'yon! Nanay niya, o kaya naman kapatid niya jusko maryosep!" Inis niyang hinablot ni Geo ang cellphone ni Nathaniel. "Ako ang magtatanong nga, sabi mo may naka-tag post? Ime-message ko ang isa sa kanila matigil na 'yang kaekekan at pagka-paranoid mo. Baka bukas o sa makalawa, hindi na tabo niyo ang tangkain mong ibato o ihampas sa 'kin," natatawa naman nitong sabi. Jaymee Groussine ang pangalan naman na chinat ni Geo gamit ang f*******: account ni Nathaniel. Tinanong niya lang ito kung sino ba ang gumagamit ng account ni Luxe Groussine, at ilang sandali naman pa ay nag reply din ito. Kumunot ng noo naman si Geo na siyang ikinabahala niya. Napangiwi na lamang ito, hindi dahil sa pandidiri kung hindi sa tila kababalaghang naganap. "What the fvck, dude! She's really dead, she died four fvcking years ago! At ni isa wala raw silang alam at sigurado silang walang gumagamit ng f*******: account na 'yon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD