Kinabukasan ay hindi pumasok si Matt sa opisina. It was noted there in his schedule that he has a doctors appointment. Hindi na niya ininda iyon at mas nagpasalamat siya dahil nagkaroon siya ng mas maraming oras para igugol na lang sa pagsusulat. Medyo na mi-miss na rin niya ang beach house, pero makakabalik lang ata sila pag andito na ulit ang kuya niya. Sa break time ay napatawag sila. May inaasikaso lang daw ang kuya niya sa pamilya ng babae at pagkay uuwi na ulit sila upang pormal na magpaalam sa mga magulang nila. Medyo kinakabahan siya para sa kuya niya pero maiintindihan rin naman ito kinalaunan ng mga magulang nila. Hindi talaga nagparamdam si Matt the whole day, pero nagkaroon siya ng tsansiyang makita ulit si Harvey sa lunch time. Sabay silang nag lunch at umupo saglit sa ben

