Chapter 1

1162 Words
Kabilugan ng buwan at punong puno ng mga kumikislap na bituin ang langit. Isang perpektong tanawin sa maaliwalas na gabi. Ngunit sa pakiramdam ni Helena, ay wari kinutya siya ng kagandahang, kanyang malayang tinatanaw sa kasalukuyan. Kaya mapait itong napangiti. Maghahating gabi na at napakalamig na ng simoy ng hangin. Pero balewala ito sa dalaga. Hindi nito alinta, ang nanunuot butong lamig sa katawan. Sapagkat parang wala itong maramdaman. Tila ba namanhid na ito at wala ng pakialam sa paligid. Hawak pa nito ang isang bote ng alak sa kanan nitong kamay. Basta nalang nito dinampot iyon. Bago umalis ng sarili nitong bahay. Gumegewang na sa paglakad ang dalaga. Dahil medyo lasing na ito sa kakainom. Ngunit nakuha pa rin nitong makaakyat sa isang luma at mahabang tulay. Kalmado pa itong tumayo sa taas nito at kahit kaunting takot ay hindi man lang masisilayan sa maganda nitong mukha. Natatabunan kasi iyon ng sakit na kanyang nararamdaman. "Gusto ko ng mamatay." Mahinang bulong pa nito sa sarili. Habang nakatingin sa kawalan. " Wala na rin namang saysay ang buhay ko." Patuloy na sambit nito. Pagkatapos tinungga ang natitira pang alak sa bote. Pinagmasdan pa nito ang wari'y kulay itim na rumaragasang tubig sa ilog. Repleksyon iyon ng kadiliman ng gabi. Pakiramdam tuloy ng dalaga ay sinasabayan siya nito sa nadaramang pait. Dahil parang nanghahalina ang itim na tubig. Habang lalong tumatagal niya itong pinagmamasdan. Para bang kumakaway ito sa kanya at nagsasabing magtampisaw siya rito. Para maibsan ang kanyang sakit na nadarama. Pagak na napatawa pa ang dalaga sa kanyang naisip. Ngunit hindi nito napigilan ang pag-agos ng masaganang luha. Mula sa kanyang mga mata. Naglandas pa ang mga iyon sa makinis nitong pisngi. Dahil sa patuloy na tumatakbo sa isip nito. Ang masalimuot na pangyayari sa kanyang buhay. "Kasalanan mo ito!. Kasalanan mo ang lahat.!" Paulit ulit na rumerehestro sa utak nito ang mga katagang iyon. Pati na rin ang mga masasakit na salita mula sa mga taong naging malapit sa kanya. Mga taong inaakala niyang iintindi at nagmamahal sa kanya. Pero ang lahat ng iyon ay akala niya lang pala. " Oo na, kasalanan ko na ang lahat. Ako ang sumira sa sarili ko, Ako ang may kasalanan, kung bakit s'ya nawala. Ang taong pinakamamahal ko. Ako rin ang may kasalanan, kung bakit lahat sila iniwan na ako. Ako naman talaga ang malas at nagdadala ng sumpa sa mga taong minahal ko." Hindi na napigilang humagulgol ng iyak ni Helena sa mga isiping ito. Labis nitong sinisisi ang sarili sa lahat ng mga pangyayaring naganap sa kanyang buhay at sa mga taong naging parte nito. "Ano pang silbi na ipagtanggol ko ang sarili ko. Wala rin namang maniniwala at makikinig sa akin. Sa kung ano talaga ang totoo." Sumusukong sambit pa nito sa sarili. Pakiramdam ni Helena ay para siyang nauupos na kandila. Durog na durog hindi lang ang kanyang puso. Kundi pati ang buo niyang pagkatao. Wala man lang siyang kakampi sa mundong ito. " Kaya mas mabuti pang mamatay na ako. Para matapos na lahat ng sakit." Hinanakit nito. Ibinato pa nito ang wala ng lamang bote ng alak sa tubig. Pagkatapos ay walang pagdadalawang isip na tumalikod si Helena sa tulay. Nagpatihulog ito habang nakabukas ng malaya ang kanyang kamay at ipinikit pa nito ang mga matang hilam sa luha. "Paalam" Sambit pa nito. "Patawad!." Mataimtim nitong paghingi ng paumanhin sabay usal ng dasal. Na sana'y patawarin siya ng diyos. **** Inaasahan ni Helena na mabilis na siyang bubulusok pababa at matatangay ng agos ng tubig at pagkatapos ay malulunod. Mawawalan ng buhay. Mamatay. Ngunit nagtaka ito ng maramdamang may yumakap bigla sa kanyang katawan. Nakakapanginig ang mala yebeng lamig na sumisingaw mula sa katawan nito. Kaya napilitan ang dalaga na imulat ang kanyang mga mata. Nagulat si Helena ng makitang isang lalaki ang nakayakap sa kanya. Habang patuloy pa rin ang pagbagsak nila. Hindi nito maintindihan, kung saan nanggaling ang lalaki. At kung paano ito napunta roon. Samantalang sigurado siyang, mag-isa lang siyang tumalon mula sa tulay. "Shi-si-no ka?" Nauutal pang tanong ng dalaga. Dahil sa epekto ng kanyang pagkalasing. Ngunit nakuha parin nitong pagmasdan ang misteryosong lalaki. Kahit na nahihilo pa ito. Kasing puti ng labanos ang makinis nitong kutis at balat. Litaw na litaw iyon, dahil nakasuot ito ng puting polo na pinatungan ng itim na amerikana. Kaparis ng itim na slacks at itim rin na sapatos. Tila ba galing ang lalaki sa isang desenteng trabaho o kaya ay katatapos lang nitong umatend ng isang company meeting. Ngunit parang may mali at hindi ito mawari ni Helena. Pakiramdam niya ay hindi ordinaryong tao ang kanyang kaharap. Dahil may kakaibang aura siyang nararamdaman na nagmumula rito. Nang magtama pa ang kanilang paningin. Pakiramdam ng dalaga ay hinihigop siya nito sa pinakarurok ng kanyang pagkatao. Dahil sa tiim ng pagkakatitig nito sa kanya. Hindi niya maintindihan, kung bakit ganun ang kanyang pakiramdam. Habang nakakulong sa titig nito. Parang may sariling isip din ang kamay ni Helena ng tumaas ito. Para haplusin ang mukha ng lalaki. Ngunit... "Huwag!" Mariin nitong sabi. Dahilan upang mabitin sa ere ang kamay ng dalaga na hahaplos sana rito. Nakaramdam ng hiya si Helena at napakagat labi. Sandaling na balot sila sa nakakabinging katahimikan. Pero naalala ng dalaga na nasa kalagitnaan pa rin sila ng pagbulusok. At kasalukuyang nagpapakamatay siya. " Teka!, sino ka nga ba?" Balik tanong nito. "Saan ka nanggaling?, Paanong bigla ka nalang sumulpot sa harap ko? " Sunod sunod na tanong ng dalaga. Nakainom nga ito, ngunit biglang nawala ang kanyang kalasingan. Dahil sa sitwasyon nila. Hindi sumagot ang lalaki at nakatitig lang ito sa kanya habang mahigpit siya nitong yakap. " Pabayaan mo na akong mamatay!" Madiing pakiusap ni Helena rito. " Hangal!" Ang tanging sagot nito. Tiimbagang pang nakakatitig lang ito sa dalaga. Dahil hindi nito sinagot ng maayos ang tanong ni Helena. Nagwala na ang dalaga at tinangkang makawala sa pagkakayakap sa kanya ng lalaki. "Bitiwan mo na ako!, Ano ba!. Gusto ko ng mamatay. Kaya huwag kang makialam" Singhal pa nito. " Pakialam mo ba sa pesteng buhay ko." Humahagulgol pang iyak ulit nito. Nanginginig na rin ang katawan nito sa pinaghalong galit at pagkalito. "Paumanhin binibini, ngunit hindi maaari." Malalim na boses na sabi nito sa dalaga. Humigpit pa ang hawak nito kay Helena at nanlaki nalang ang mata ng dalaga. Sa bilis ng pangyayari. Sa isang pitik lang ng kamay ng lalaki ay parang tumigil ang oras. Bago parang nagteleport sila sa kung saan. Nasumpungan nalang ni Helena ang sarili na wala na, sa pagbagsak sa ilog. At nakatayo na siya sa gilid ng isang kalsada. Kasama ang misteryosong lalaki. Hindi makapaniwala ang dalaga sa kanyang nasaksihan. Napamulagat pa ito at napatutop sa kanyang bibig. Habang nanatili sa kanyang kinatatayuan. Paano iyon nangyari?. Naguguluhang tanong pa nito sa sarili. Nahihibang na ba siya?. Ngunit sigurado naman ang dalaga na hindi siya nababaliw at ang tanging gusto lang nito ay tapusin ang kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD