Kabanata 2

1059 Words
"Medyo busy yata si Alezia sa buhay niya. Hindi ko na rin siya nakakausap," saad ni Rance na ikinatango ko. "Hindi na rin kayo nag-uusap?" Kasalukuyan kaming naglalakad pauwi nang magsuhestiyon ito na ihatid ako sa amin. Matapos ako nito samahang magpasa ng resume sa in-apply-an kong trabaho. Umiling ako. "Ayoko rin naman guluhin si Alezia. Baka napagtanto niya na gagawin niya sa buhay ngayon. Alam mo naman kapag kinausap mo 'yon, magkukulit na naman," natatawang saad ko. "Nakakalungkot, 'di ba?" malungkot nitong sambit. "This is a sad reality. Darating ang punto na tayong magkakaibigan ay tatahak na ng iba't ibang direksyon sa buhay." "Kaya mahirap talaga magka-attachment issue," dugtong ko at mapait na ngumiti. "Kaya siguro nahihirapan akong lumayo sa iyo," dagdag naman nito na ikinangiwi ko at siyang ikinatawa niya. Hindi na rin ako nagsalita at tahimik na lang naglakad kasabay nito. Kung gaano katagal ako sa kolehiyo ay gano'n din katagal ang nararamdaman nito para sa akin. Pero ako, ito at tina-take friend lang siya imbes na magpakatotoo. "Paano ba 'yan nandito na ako?" ngiting tanong ko nang makarating kami sa harap ng bahay. "Ang bilis naman," ngiting saad nito. "Paano ba 'yan dito na lang?" Ngumiti akong tumango sa tanong niya na hindi ko alam kung sagot ba 'yon sa tanong niya lang o sa sitwasyon naming dalawa. Nagpasalamat ako rito sa pagsama sa akin at paghatid pati sa panlilibre niya ng meryenda ngayong araw. "Siguro ilang beses na lang sa isang buwan tayo magkikita," ngiting saad nito na bakas pa rin sa tono ang kalungkutan. "Pero mag-uusap naman tayo araw-araw, 'di ba? Pwede ba tayo mag-usap araw-araw?" Napatingin ako sa paligid na padilim na rin habang nag-iisip ng sagot sa katanungan nito pero tumango na lamang ako. "Pwede naman, ikaw naman mauubusan ng load," biro ko. "Alam ko kung gaano karami ang responsibilidad mo kaya okay lang din kahit hindi mo na sagutin lahat ng tawag ko o obligahin na reply-an ako." "Oo naman," tangang tugon ko na lang. "Pasok na ako, Rance." Tumango ito. "Hmm, pahinga ka na." Tumango ako. "Pagabi na baka ma-late ka pauwi, mahaba pa naman ang biyahe pabalik ng Manila." Hindi ito umalis hangga't hindi ako pumapasok kaya ako na ang naunang pumasok sa loob ng bahay namin. Diretso akong pumasok sa kuwarto ko at napasalampa sa sahig. Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako. Siguro dahil sinasampal na naman kami ng reyalidad na kailangan na naming atupagin ang sariling buhay namin at isantabi muna ang pagkakaibigan. Pagkatapos namin sa kolehiyo ay lumipat si Rance rito sa La Castellano upang dito rin hanapin ang kinabukasan niya. Pero ngayon ay babalik na ito ng Manila dahil sa bumalik ang kuya niya mula Canada. Kaysa magtrabaho ito ay magnenegosyo na lang sila ng kapatid niya. In short, magiging busy ito at tulad kay Alezia ay possibleng once in a blue moon na lang kami makakapag-usap. "Bakit ba kasi sinanay niya ako?" malungkot kong tanong. "Alam naman niyang may attachment issue rin ako." Pakiramdam ko ay ako na lang sa aming tatlo ang wala pang direksyon sa buhay at hindi pa sigurado ang magandang kinabukasan. Pinasadahan ko na lang ang maliit kong kuwarto na hindi naman sobrang tinadtad ng gamit at hindi rin kalakihan. Ang higaan ko na kalahating dangkal ang kapal para hindi tumagos ang lamig ng sahig. At ang maliit pero cute na bintana malapit sa study table ko na tuwing umaga ay lagi akong sumisilip dahil sa nakikita mula rito ang papasikat na araw. Kung hindi ko pa aayusin pati didisenyuhan itong kuwarto at buong bahay ay hindi ito magiging maganda at maaliwalas. Sa huling palapag ng apartment building na ito kami umupa, pinakamurang unit sa tatlong palapag ng gusali pero sulit naman. "Staizy? Nakauwi ka na?" dinig kong boses ni Tita Tonia na mukhang kakarating lang. Mabilis akong lumabas ng kuwarto at binating sinalubong ito. "Kakauwi ko lang po." "Kumusta pala ang napag-apply-an mo?" tanong nito. "Okay naman po. Maghahanda na lang ako sa interview sa susunod na araw," saad ko. "Kumain na kayo, Tita?" "Oo, tapos na. Magpapahinga na lang ako. Nagkaroon kasi ng kainan matapos ang trabaho. Kung hindi ka pa kumakain, kumain ka na. Huwag mo na akong hintayin." Tumango ako at saka pumasok ng kuwatro ko nang makapasok na rin ito sa kuwarto niya na katabi lang ng akin. Habang sa harap ng kuwarto ko ay ang maliit na kusina at sa kaliwa naman nito ay ang bathroom na. At napapagitnaan ng bathroom at kuwarto ni Tita Tonia ang pintuan ng apartment unit namin. Hindi naman kalakihan pero hindi rin kaliitan ang sahod ni Tita Tonia bilang isang call center agent. Kaya kadalasan ay alternate ang schedule namin. Kapag nandito ako kinagabihan ay panggabi naman ang pasok niya. Kaya hirap din itong makabisita sa hospital. Kung hindi ko siguro kasama si Tita Tonia ay baka triplet ng responsibilidad ko ngayon ay karga-karga ko sa likod. Hindi ko tuloy ma-imagine kung gaano ako kakuba no'n kapag nagkataon. Hindi ko namalayan na nakahiga na ako at nakatulala na lang na nakatitig sa kisame. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas simula nang pirmi akong nahiga. Ngunit agad akong napabalikwas nang may biglang kumatok. "Staizy? Gising ka pa ba? May naghahanap yata sa iyo sa ibaba," dinig kong boses ni Tita Tonia na ikinadungaw ko agad sa bintana. Si Rance. "O-Okay po!" saad ko at mabilis na binuksan ang pinto ng kuwarto ko. "College friend ko po 'yon. Si Rance po. Kaibigan po namin ni Alezia." "Ah, kaya pala pamilyar. Gabi na, Staizy, bakit naparito siya?" "P-Po? Naiwan niya siguro 'yong phone niya sa akin," palusot ko na lang na ikinatango nito. "Medyo makakalimutin po kasi siya." "Oh, siya, bilisan mong kausapin siya. Huwag kamo magtagal dahil maaga tayong pupunta bukas ng hospital bago ako pumasok," saad nito na ikinatango ko agad. Mabilis akong kumaripas na bumaba at sinalubong ang bagsak nitong balikat at mukha na animo'y may pinaglamayan. "Oh, anong nangyari? May nakalimutan ka ba? May naiwan ka ba sa akin?" sunod-sunod kong tanong na ikinailing lang nito at iniabot ang kumpulang papel na nakatupi. "Liham? Ah! Listahan ng utang ba ito? Pero bayad na ako–" "Hindi ako babalik sa Manila, Staizy," nakayukong saad nito na ikinatinag ko. "Sasama ako sa kuya ko sa Canada." Hindi ako nakaimik sa huling sinabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD