Mattea's POV Kailangan ko pa bang bumaba? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa oras na makaharap ko na ito. Parang ayaw ko pa siyang harapin. Hindi ko alam kung paano umasta sa kanyang harapan. Ngayong andito na siya sa iisang bubong kasama ko, hindi ko na alam kung ano kailangan kong gawin. Dumiretso ako isang higaan dito atsaka umupo bago pinagmasdan ang sangkaterbang bulaklak sa aking harapan. Siya ba ang bumili ng lahat ng 'to? Halos binili na nito ang lahat ng klaseng bulaklak. May tatlong katok akong narinig mula sa labas dahilan upang mapaderetso kaagad ako ng tayo matapos yung bumukas. Iniluwa roon ang isang medyo may edad ng babae. Kung hindi ako nagkakamali, tinawag siya nong isang babae na Hayalin. "Señorita, hinahanap po kayo ng ama ninyo sa baba." Bigla akong

