Special Chapter 1. SPG LIAM POV Nang makarating ako sa mansion ay agad kong hinanap ang mag-ina ko dahil hindi ko sila nakita sa sala. Sabi rin ni Mommy nasa kwarto namin sila. Gusto ko sana magpagawa ng sariling bahay para sa pamilya ko pero ayaw ni Mommy dahil gusto niya laging kasama ang asawa at anak ko. Nagtungo naman agad ako sa taas para puntahan ang aking mag-ina. Nang mabuksan ko ang pintuan ay hindi nila ako napansin kaya sumandal na muna ako sa gilid habang pinagmasdan silang nag-uusap. “Nanay look you need to read it.” dinig ko namang wika ng anak ko sa kanyang ina. “Ano ba ‘yan Jiho?” tanong ng asawa ko habang tiningnan ang pinakita ng anak namin sa kanya. “You can read this Nanay, how to get pregnant Nanay.” damn agad akong lumapit sa kanila dahil sa sinabi ni Jiho kay

