Chapter 25 MARGIE POV “Ate, saan tayo pupunta bakit hindi ito papunta sa malaking bahay ninyo?” tanong ko kay ate dahil iba ang dinadaanan namin parang ang layo-layo na at ngayon lang ako nakapunta rito. “Sa new house ko Margie.” aniya kaya napatingin ako sa kanya habang nasa daan pa rin ang kanyang tingin. “Ah ma’am baka po hinahanap na kami ni Sir Liam.” sabi naman ni Irene kay Ate. “Bakit niya tayo hahanapin kasama naman natin si Ate eh, diba Ate?” wika ko kay Ate at ngumiti naman siya sa akin habang tumango. “Don’t worry I call him later kapag dumating na tayo.” wika naman ni Ate. Napatingin naman ako sa tiyan ni Ate na malaki. “Ate sino gumawa sa'yo n’yan?” Napalingon naman si Ate Lota dahil sa tanong ko ulit sa kanya. “Ahm, ano Margie nakalimutan ko 'yong name niya.” sagot

