Chapter 23 MARGIE POV Masaya akong naglalakad sa gilid ng gate rito sa mansyon ni Mommy Sam. Palakad lakad lang ako dito dahil nasa office si Honey Liam habang si Mommy ay umalis para sa kasal namin siya na raw ang bahala sa lahat. Lumapit naman ako kay Manong habang nakatayo siya sa may gate. Kinalabit ko naman siya kaya napatingin siya sa akin. “Bakit po Ma’am,” tanong niya at napangiti naman ako sa kanya habang ibinalik niya ulit ang kanyang paningin sa labas. “Anong tinitingnan mo riyan Manong?” tanong ko sa kanya habang sumisilip din sa labas. “Wala po Ma’am nagbabantay lang po ako rito.” sagot niya kaya napatingin ako sa kanya habang nagtataka dahil wala naman siyang tinitingnan pero nakatayo pa rin siya. “Hindi ka po nangangalay kakatayo Manong? Ito oh, upo ka muna.” sabay

