Chapter 10 Masaya akong nakatingin sa suot kong damit bigay ito ni sir Liam kanina bago kami sumakay sa kanyang sasakyan. Ang sabi niya ay pupuntahan daw namin ang bahay ni Carla sobra akong natuwa dahil makakasama ko na naman siya. “Are you ok? Why are you always bent over?” Napatingin naman ako kay sir Liam habang ang kanyang paningin ay nasa daan. “Hindi lang ako makapaniwala na may bago na po akong damit sir,” ngiti kong sagot sa kanya at yumuko ulit para pagmasdan ko pa ang aking suot. “Tsk,” sambit naman niya kaya hindi ko na siya kina-usap pa. “We’re here.” Nag-angat naman ako ng tingin at nakita ang malaking gate. Bumukas ito at pinasok ni sir Liam ang kanyang sasakyan. “Wow sir ang laki naman po ng palasyo nila,” manghang sabi ko kay sir Liam, hindi naman siya sumagot at k

