Chapter 14 LIAM POV “Sir Liam punta ulit tayo doon sa snow!” bungad agad ni Margie sa akin ng makarating ako sa condo unit namin. Kahapon lang kami pumunta sa snow world pero gusto na naman niyang bumalik doon. “We can go there next time, I have many things to do.” ani ko sabay upo ko sa upuan habang sumunod naman siya sa akin. Nag ring naman ang aking phone at agad ko itong sinagot dahil si Mommy ang tumawag. “Yes Mom,” sagot ko kay mommy habang naglalakad papunta sa kwarto. “Where are you now son? You said you go home now.” wika ni Mommy sa kabilang linya at halatang galit ito kaya napahawak naman ako sa aking noo dahil nakalimutan ko pala ang pangako ko kay Mommy. “Sir Liam punta na tayo doon,” pangungulit pa ni Margie sa akin hindi ko kasi napansin na sumunod pala siya sa akin

