“There’s no us Akiesha, una palang alam mo na yan.” galaiting sambit ni Ethan sa babaing kaharap.
“ANOoo? How could you do this to me Ethan, this is your child too!” galit na busal ni Akiesha sa lalaking namumula na ang mukha sa matinding galit. “I bare your own blood and flesh! It is yours!” paiyak nang sambit nito.
“I don’t care! I really don’t mind at all! Wala akong naipangako sayo! There's one thing na pwede mong gawin......A B O R T it! Abort that thing inside you! That's it, that’s the solution. Tama ako di ba? tama?!” pabulyaw na ika ni Ethan. Tuliro at gulong gulo na din ang isipan. wala na sa sariling pag-iisip ang mga binibitawan nitong salita.
Mulagat ang mata ni Akiesha ng marinig ang sinambit ng lalaki.
“Whaaaaattt? are you out of your mind? alam mo ba yang sinasabe mo Ethan? di ka man lang nangilabot dyan sa sinasabe mo?” gulat na gulat at di makapaniwalang usal ni Akiesha. “How could you say that? For heaven's sake Ethan. It is your child. I know you don’t love me, alarm kong wala kang pakialam sa akin, but please spare your child” nagsumamong ani Akiesha sa lalaking tila wala talagang balak na panagutan yong dinadala nya.
“Nooooo! I can’t afford to have that child, Akiesha! You know very well how much I love Cassandra and I can’t afford to lost her just because of that…that thing inside you” sambit ni Ethan na di man lang masambit ang salitang “bata” at animo’y nandidire pang tinuro ang sinapupunan ni Akiesha. Na ikinapanlulumo naman ng huli.
Sya siAkiesha Borromeo ulila ng lubos. Bata palamang sya ng mamatay both parents nya dahil sa aksidente. Tubong probinsya at tanging abuela na lamang nya ang nag aalaga sa kanya ng parehong mawala ang parents nya.
Fresh graduate lang din sya noon ng mamatay ang abuela nya sa sakit na NEUMONIA. Kya lubosang ulila na talaga sya kung tutuosin. At isa din ang dahilan na yaon kung bakit sya natatakot at nahihirapan sa kinakaharap nyang problema ngayon.
Iisa nalang ang naisip nyang hingian ng tulong, dahil kita naman nyang desidido na si Ethan na di pananagutan ang dinadala nya. At wala sa bukabolaryo nyang gawin ang gusto nitong mangyari sa dinadala nya.
Kahit kilan di nya kayang kumitil ng buhay. itataguyod nyang mag-isa ang dinadala kahit ano mang mangyayari, Ipapakita nya sa lalaking walang bayag na ito kung pano nya kakayanin ang lahat para sa isang responsibilidad na di kayang panindigan ng lalaki.
Pero sa puso’t isip nya alam nyang mahihirapan sya, dahil na pakalaking responsibilidad ang kakaharap nya, At di ito birong responsibilidad.
“You’re impossible, Ethan too impossible to think of! Balang araw pag sisihan mo din yang mga sinassabe mo, and when that day comes, we will just be laughing at you so hard for dumping us!” nag aapoy sa galit ang mga mating luhaan, mababanaag sa boses ng dalaga ang sakit at pait na nararamdaman sa pagkakataong yaon. Hilam sa luha ang mga matang tinaas ang mukha para ipakita sa kaharap na kakayanin nya ang responsibilidad na di nito kayang paninindigan.
“Ohh...it's a pleasure and if you do? Give me a favor of NOT ruining my life with Cassandra!” firm at gigil na saad na Ethan.“It’s your decision to make!” walang emosyong dugtong nito.
“subrang sakit para sakin ang pag talikod mong ito sa ANAK ko, kakayanin ko pa kong ako nalang sana ang saktan mo, Pero ang idamay mo sa kawalang hiyaan mo ang anak ko? You’ve hit it lower, Ethan, and I hate myself for loving a man who ain’t to be loved and adored from the start. Pinatunayan mo lang kung gano ka kahayop! Tama ka, you don’t deserve my child! And you don’t deserve my love from the start and I HATE YOU for hurting me this much” puno na ngayon ng galit ang tuno ni Akiesha. Sabay talikod at tinungo ang pintoan, upang lisanin ang lugar kung san saksi ito kung pano naging duwag sa pagkakataong iyon si Ethan.
Matagal ng wala sa harap nya si Akiesha pero bat parang di parin sya maka galaw matapos marinig ang huling sinabe ng babae? Bat parang nakaramdam sya ng pagkakamali? Matagal na nyang alam na may gusto sa kanya si Akiesha.
Noon pa man ay pinagpapantasyahan na sya ng dalaga. Pero mas mali nya, dahil ginamit nya ang kahinaan ng huli. Na humantong pa sa pagsuko ng sarili nito para lang patunayan sa kanyang mahal na mahal sya ng huli. Pano nga ba nag umpisa ang pakikipag ugnayan nya kay Akiesha?
“Come on Ethan! Don’t tell me nawala na ang karisma mo?” si Henrich, isa sa sertipikong playboy ng tropa.
“And besides di ka na mahihirapan pa, she’s head over heels on you men!” dugto pa ng huli sabay samid ng natirang alak sa baso.
“Guys…. guyyss…. Easy lang! We know Ethan much, aba sino ba ang di nakakilala sa kamandag ni Ethan Eziekel Vergara? Kilan ba may pinaglagpas ang isang Ethan natin ha? “Ani Fredrick sabay kindat kay Henrich at tapik sa balikat ni Ethan.
“Si Ethan pa ba?” ika naman ni Adrian.
“Among us? It was Ethan who slayed more or most, especially those “V” “dugtong ng huli na umamba pa ng pa quoted sign sabay ngisi ng nakaka demonyo.
Napailing nalamang si Ethan sa mga sinasabe ng mga kaibigan. It was a company’s Team Building noon nang nag pa book din ang mga kaibigan ng malamang sa beach ang venue ng company nila Ethan, sapat lang din ang araw na yaon para maka pag relax at makapag bonding din ang magkakaibigan. Matagal-tagal na ding di nag kakasama ang magkakaibigan, may mga priorities din ang mga ito na inaatupag. Katulad din ni Ethan na syang namamahala ng Atlas Ventures Inc.
Si Ethan Eziekel Vergara ay ang bunsong anak nina Donya Mariel at Don Fidel Vergara, isa sa mga kinikilalang malalaking tao sa larangan ng negosyo at mga lupain.
Dahil sa bunso nga si Ethan lahat ng layaw nito ay nasusunod lalong lalo na sa inang si donya Mariel, answered prayer ika nga kasi si Ethan sa mag-asawa. 12 years ang gap nya sa ate nyang si Suzette na inaakala ng mag-asawa ay sya ng pinaka huli sa mga Vergara. Biniyayaan ang mag asawa ng tatlong supling, si Alexandra ang panganay na sinundan naman ni Braiden at Suzette.
Nag dasal ang mag asawa na sanay biyayaan pa sila ng isa pa sanang lalaki para makumpleto na ang apat na anak na sya namang pinapangarap ng mag-asawa. Makalipas nga ng labin-dalawang taon, nag dadalang tao na nga si donya Mariel.
Kaya ganon na lamang ang tuwa ng mag-asawa ng lalaki nga ang huling supling. Kaya naman naging sunod sa luho ito ng magulang at mga kapatid maliban sa amang si Don Fidel na pinapanatili pa din kahit papano ang paging strikto nito lalo na sa pag papamahala ng kanilang mga negosyo, na sya namang mamanahin nilang magkakapatid balang araw.
Simula’t sapol ay kinakitaan na si Ethan ng kagandahang lalaki nito. Namana nya ang features ng mga Vergara. May halong katsila at tsinoy ang angkang pinagmulan ni Ethan. Kaya naman mula elementary hanggang kolihiyo ay kilala na ang pangalan ni Ethan sa paging magandang lalaki at matinik sa tsiks kumbaga.
Gamay na gamay na nya ang kilos ng mga babaing nagkakagusto sa kanya. Ganon pa man iisang babae lang ang tanging nag papaikot ng mundo ni Ethan, Si Casssandra Almida. Grade 6 sya noon ng lumipat si Casssandra sa paaralang pinapasokan ni Ethan.
Si Casssandra na may mala anghel na mukha, makinis at mala sutla na balat, ay halatang galing din sa angkan ng mayayaman. Mahinhin at malambing ang boses ng dalaga. At higit sa lahat matalino din sa klase nila. Katunayan nga nyan naging valedictorian nila ito at sya naman ang salutatorian. In short naging karibal pa nya ang babae sa school curriculum.
Mula ng makilala nya si Casssandra ay sinumpa nyang wala ng ibang mamahalin kundi ito lang. Si Cassandra lang ang natatanging babae na pakakasalan nya balang araw. Kaya naman laking galak nya ng nasa 3rd year na sila ng kolihiyo nang matanggap nito ang matamis na “Oo” ng dalaga.
Naging okey naman ang relasyon nila ni Casssandra, sabay silang nag tapos ng kursong pinili nilang kunin. Sya bilang Master of Business Administration (MBA) at Project Management Professional (PMP) habang Bachelor of Science in Tourism Management (BSTM) with flight Attendant Course naman si Kaycee dahil noon pa man ay gusto na nitong mag travel around the world.
Kahit mahirap man para kay Ethan na di laging makakasama ang nobya ay inunawa pa din nya ito, dahil subra nyang mahal ito at di nya alam kung kakayanin nyang mawala sa buhay nya ang huli.
He never loved another woman the way he loved and adored Casssandra. Kaya naman lahat ay kaya nyang gawin at intindihin para dito. Every 6 months ang routine ni Casssandra pabalik ng pinas, at sa twing nasa pinas ito ay sinusulit ng dalawa ang panahong magkakasama silang dalawa. Halos sa condo na nya tumutuloy ang dalaga pagka lapag nito mula sa eroplano. Napagkasundoan ng dalawa na sa susunod na taon ay mag papakasal na sila at bubuo na ng pamilya. Pero huminge ng 3 taon na palugit si Casssandra bago sumang ayon na mag buntis. Kaya kahit labag man sa kaluoban ay sinunod na lamang ni Ethan ang kagustohan ng nobya.
“Heyyyyy!” ani Henrich sabay pitik in a snap sa mukha ni Ethan.“What’s the matter with you? Natameme ka na dyan.” dugtong pa ng huli.
“Don’t tell me na you’re a SCAREDY CAT na ngayon?” pang aalaska pa ni Fredrick
“Who? Me?” ani Ethan sabay turo sa sarili. “Ethan Eziekel Vergara…puuuffff that’s a piece of a cake, ako pa ba?” dugtong nyang sabi sabay taas ng baso at sairin ang laman nito. Animo kidlat na dumadaosdos ang alak sa lalamunan ni Ethan. May unting pakla at pait syang nalalasahan sa alak pero baliwala lang ito sa kanya pagkat naging banayad na ang hagod nito ng di kalaunan.
“That’s what I’m talking about! That’s our man!” hiyaw ni Fredrick.
“How much will it cost?” si Ethan sabay pagalaw ng makakapal na kilay hudyat ng pagtanggap sa hamon ng mga kaibigan. "A Bet perhaps? it won't hurt you that much for sure!" Dugtong nito.
“Oooooohhhh yeeeessss…. 500K!” si Fredrick na pinitik pa ang mga dalire bilang pag sang ayon sa sinasabe ni Ethan.
" Aggghhhh....More! Its not enough! I guess this girl is worth a dime, kasi kung hinde di ganyan ka demonyo ang pag kakanulo nyo sa akin sa kademonyohan" naka ngising mala demonyong saad ni Ethan dito. sabay salin ng alak sa baso.
"Now your talking! Ha.ha.ha! OK, 500k and a trip of your choice! Isn't it enough? kulang pa ba yan? " Ngising nakakaluko din ang balik tanong ni Fredrick sa kaibigan.
"Hmmmm....not bad! A trip of my choice.....any places ha?.....Call!" Ika ni Ethan sabay hagod ng baba nito habang nag iisip ng lugar na magugustohan ng nobyang kanilang pwedeng punthan sa pag babakasyon nito.
“My condo in makati, matagal mo ng inuungot sakin yon” si Henrich sabay taas ng bote ng beer.
“wooooooohhhhh! Good beat! Now I'm starting to like it even more!” napasipol pa si Ethan ng marinig ang tinuran ng mga kaibigan.
“And you, Mr. Chavez?” aniya sabay lingon kay Adrian na kampanting nag slouching sa kinaupoan.
“Name your price!” bulas ni Adrian. “3 weeks, is enough, para makuha mo si Akiesha” dugtong pa nito.
“Whoooooooooh! What if your personal yacht is quite enough bro! Don't worry....I know women of that kind, she will come to me begging for more bro!” si Ethan. Sabay kindat sa kaibigan. Matagal na nyang gustong bumili ng yate, instead of buying it why not getting it from his friends hence they’re too eager to lose the bet!
“shoooottt! For 3 weeks, for 3 long weeks, will see then!” ani Adrian sabay toast sa mga kaibigan. In the back of his mind, mahihirapan ang kaibigan na mapasagot ito sa loob ng ilang linggo. Nakilala na nya ang babae. At ito ang tipong di luluhod sa tulad nilang pinapantasya ng karamihan. This woman is far different from the others. Kaya kampante syang mahihirapan itong makuha sa loob ng maiksing panahon.
" Yes! 3 weeks and your Yacht will be mine!" Nakalukong turan ni Ethan.
"Will see....after 3 weeks! crossing finger to that." Si Adrian na may makahulugang ngiti.
"All right a toast for the win?" Ani Henrich na itinaas ang baso ng alak.
“All riiiggghhht…CHEEERRSSS!” sabay-sabay na saad ng magkakaibigan at tanging kalansing ng mga baso ang nag papatapos sa usaping nabuo.
"Mukang need ko na matawagan si Attorney para maihanda ang pag turn over ng condo ko ah!" pabirong turan ni Henrich sa mga kaibigan.
"Don't worry mukang di lang ikaw ang gagawa nyan Bro....may dalawa pa sa tabi mo!" pabirong usal ni Ethan habang tinapik ang balikat ng kaibigang tumungga na ng alak.
"Heeeeyyy!......Di pa nag umpisa ang laban......sumuko ka na agad papayag ka ba na ganon nalang?" Pabirong turan ni Fredrick dito.
"Oo nga naman! Besides, we still got 3 long weeks! And in that span of time? madaming posibling mangyari!"makahulugang wika ni Adrian.
"That's good bro, just keep your spirit fighting! Coz I’m gonna win for sure!" tila nakakalukong ika ni Ethan. na kinatawa naman ng ilan sa tropa.
Sa di kalayoan ay naka tanaw si Akiesha sa isang grupo ng kalalakihan na animo nagkakasiyahan. Natanaw pa nga nya ang sabay sabay ng pagtaas ng mga ito ng bote ng alak na animo nag totoast. Isa na dito ang lalaking mula ng makita at makilala nya ay pinapangarap na nyang maging ama ng magiging anak nya.
Minsan lang syang magkagusto, at alam din nyang sa isang tao pang mahirap at malabong maging kanya. Pero sa kaibutoran ng kanyang puso ay umaasam at pinag darasal nya sa itaas na sanay mapansin at mapag ukolan man lang sya ng kunting oras o kausapin man lang sya kahit ilang segundo ay pwede na syang sumunod sa mga magulang at abuela. Ganon ka patay na patay si Akiesha sa iniidolong lalaki. Naka pangalumbaba pa syang nakatingen sa di kalayoan habang nag papantasyang sya ang kausap ng lihim na iniibig.
“Hoooooyyyy! Nag day dreaming ka na naman dyan!” si Chelsea ang bestfriend nya since mga bata pa laming sila. Sabay tapik kay Akiesha na kamuntikan pang mapasobsob sa kinaupuan.
“Ano ba! Bad trip ka naman eh! Panira ka sa momentom ko! Andon na ako eh! Yong tipong tinitigan na ako at tatanongin na pangalan ko! Tapos bigla kang eeksena dyan! Chelsea naman kasi ehhh.....” may pagkayamot na turan ni Akiesha sa kaibigan sabay kamot sa may batok bilang pagka irita sa ginawa sa kanya ng kaibigan.
“Ayyyyy! Sorry po mahal na prinsesa! Pero tama na po yang pag iilusyon nyo! Baka mahuli pa po tayo don sa gagawin natin! Tayo nalang po ang inaantay, medyo di na po nakakahiya ano?” may panermon na pagkasabing ika niChelsea sa kaibigan.“baka naman po, peding madisturbo ka ng saglit para matapos na tayo sa ating activities at maka pag pahinga na din mahal kong prinsesa!” dugtong na ika ng huli na nang aasar pa
“OMGgggggg......! may activities pa nga pala tayo! Naku po sorry......bessshhhyyy sorry na !” tila binuhosan ng malamig na tubig si Akiesha ng maalalang di pa pala tapos ang activities nila. Inutosan nga pala sya ni Sir Darwin na hanapin si Ms. Amalia at Imbes na si Ms. Amalia eh yong love of his life yong nakita nya kaya nawala sa isip nya ang lahat.
“Ayyyy…...hinde! Tapos na tapos na! Sige tumunganga ka pa mangarap ka pa dyan! baka sakaling magkatotoo ng kahit unti pag-asa mahulogan ka man lang" pang uurat naman ni Chelsea sa kaibigan. sabay upo sa tabi nito.
“Nakuuuu poooo! Patay ako kay Sir Darwin nito!” bunghalit ni Akiesha sabay tayo “halika na Chelsea! Wag ka ng umupo pa dyan!” dugtong pa nyang sabi.
“aaayyyyy! Ako pa nga ang napagsabihang naka upo lang!” mulagat na turan ni Chelsea “hala takbo, talon yare ka kay sir! Ayan kasi! Ayaw pa gumising day dreaming pa ng day dreaming, singe Akiesha takbo lipad na rin.” dugtong nyang sabi sabay bato dito ng sumbrerong suot-suot nito, at inuundayan pa ng pagwasiwas ng mga kamay nito.
Nagkandarapa namang humayo si Akiesha at iniwan ang kaibigang nag bubunganga pa din. At kinalaunay sinundan na din ang kaibigan matapos lingonin ang umpok ng kalalakihang tinatanaw kanina ng kaibigan.
Tanaw naman ni Ethan ang nagkakandarapang babae habang palayong tumatakbo kasunod nito ang isa pang babae na humahabol na tila binabato pa nito ng suot nitong sumbrero. Tinunga nya at sinaid ang laman ng bote sabay isip ng paraan at hakbang kung pano nya masisilo si Akiesha sa luob ng tatlong linggo. Sapat na ang panahong yon para maisakatuparan lahat ng plano nyang mapasakamay ang babaing napili ng mga kaibigan.
Alam nyang mali pero nakasanayan na nilang mag babarkada ang ganong katuwaaan. Pero kahit kilan ay di namimilit si Ethan na makuha at maikama ang isang babae na labag sa kagustohan nito. Kahit kilan ay di pa nakaranas si Ethan na pumalpak lalo na sa pakikipag niig. Karamihan kasi sa mga napag pustahan ng tropa ay kusa pang nag aalok nang mga ito na makasama lang sya kahit isang gabi. Sa isip ni Ethan napaka dali lang nito para sa kanya.
At pag mapasakanya na ang yate ni Henrich ay tamang tama ito sa pag uwi ng kasintahan. Maglalayag sila hanggat gusto nila, doon nila gugulin ang mga panahong magkakasama sila. Kaya nyang bumili ng yate kung gugustohin nya pero bat pa kung makukuha naman nya ito sa pustahan nila. Ganon ka at ease si Ethan na mapasakanya ang lahat ng beat ng kaibigan. Sisimulan nya ito pag balik nila sa manila.
10:30 na ng umaga kasagsagan na din ng kainitan, tapos na ang team building ng kompanya nila, at sa araw na ito ang balk na ng lahat sa manila. nasal Bus na si Chelsea umuna na ito para makakuha na ng pangunahang upuan, habang palinga-linga ito hinahanap ang kaibigang kanina pa wala. ng sa di kalayuan ay namataan nya ito.
“Akiesshhaaaa!” sigaw ni Chelsea sa kaibigan na nakaupo na sa harap ng bus.
Napalingon si Akiesha sa lugar kung saan nanggaling ang boses na tumatawag sa kanya. Napangiti sya ng makitang si Chelsea pala at nakaupo na ito sa may harapan. Alam nyang naka reserba na ang upoan para sa kanya. Patakbo na sana syang puntahan ito ng maalalang naiwan niya pala ang isang bag na kung saan naka lagay ang madudumi nyang damit.
Sumenyas sya ng sandali lang sa kaibigan at tinuro ang kwarto na kung saan sila naka ukupa at senenyas na kukunin nya ang bag na naiwan. Tango lang ang sinagor ni Chelsea. Kaya patakbong tinungo nya ang dulong bahagi ng nakahilirang kwarto. Nang palapit na sya’y biglang may naka bunggo sya. Napaangat ang muka nya para pagsinohin ang taong naka bonggoan.
"Aayy!"napalakas na bulas ni Akiesha na muntik ng matumba sa lakas ng pagkabungo.
"Oooppppsss!" Ani Ethan na mabilis namang nahawakan sa may bewang ang babaing naka bungoan.
Nanlaki ang tsinita nyang mga mata ng makita si Ethann na nasa harapan nya at hawak hawak sya sa me bewang para di lumagpak sa lupa. Kinakabahang di mawari at kinilig syang bigla. Di nya alam ang e-asta o sasabihen kung mag sorry ba sya o ano ba ang dapat.
“Hey! Okey ka lang ba?” ani Ethan sa kaharap animong tinirik na kandila ito sa kinatatayuan. Sabay bitaw nito ng mapagtantong di na gigiwang ang kaharap.
“haa? Ahh…yes! I’m okey!” si Akiesha na pinamulahan ng mukha. “OMG! Ang swabe ng boses nya pag nasa harap mo!” belong na ika Akiesha na kinikilig na ng tudo.
"Thank you and pasensya na if na bunggo po kita!" si Akiesha uli.
“Akiesha, right? From the accounting department?” balik tanong ni Ethan sa kaharap
“Ha? Ahhmm… ye...yeess sir!” nag stammer pang sagot ni Akiesha sa kaharap.
“Nice meeting you Akiesha!” sambit ni Ethan na sinamahan ng ngiting kay tamis at tumambad ang magaganda at mapuputing ngipin ng binata. Kita nya ang pamumula ng mga pisnge ng kaharap. Tanda ng umepekto dito ang killer smile nya. "ingat ka sa susunod, baka mapano ka pa! at walang makakasalo sayo, mababangasan ka pa." Dugtong pa nito.
Animo pinagsilihan naman ang pakiramdam ng dalaga. Di na maintindihan kung sisigaw sya sa kakiligan, hihimatayin o gumanti nalang ng ngiti din sa binata. Pinili nya ang huli. Sumilay naman ang matamis at mayumi nyang pag ngiti. Napagkit naman ang mga mata ni Ethan sa makipot at mamula-mulang labi ng dalaga.
Wala itong lipstick na suot wari nya’y napaka natural na kulay lang ang suot nito. Napalunok syang bahagya na animo biglang na uhaw ang kanyang lalamunan, there's something inside of him telling him to lend him a kiss, napailing nalang sya sa isiping yon. Kaya agad syang tumalikod na sa dalaga.
Napatili ng tahimik lang si Akiesha ng mawala na sa harapan nya si Ethan. Akalain nyang sa huling araw na andon sila ay makaharap nya pa ng personal ang dream boy nya. Napapiksi naman sya ng bumusina ng malakas ang bus hudyat ng pagtawag sa mga sasakay pa. Kaya patakbo nya uling tinungo ang kwarto na naka bukas na. Dali namang hinablot ang bag ng makita at nag mamadali ng tinungo ang bus kung saan andon ang kaibigan.
Medyo hiningal pa sya ng maka sampa sa bus.
"Bat ang tagal mo? Kanina pa nag bubusena si manong! Nakuha mo ba yong naiwan mo?" Sunod-sunod na tanong ni Chelsea sa kaibigan. habang inabot nito ang isang bag at inilagay sa taas ng inuupoan nila.
"Oo, andito na...eh kasi may nag patulong pa sakin don, kaya pasensya na po nanay kung medyo na tagalan ho ako!" Pabirong turan ni Akiesha sa kaibigan. Sabay lagay ng isa pang bag sa may paanan nila.
"Tamo to! Haiizzzttt kala ko lang kasi na ba sinundan mo si sir Ethan, baka kako nakita mo itong palapit sa pwesto mo, kaya nag papacute ka na naman o di kaya nangangarap sa harap nong tao. " ani Chelsea na sinipat ang maging reaksyon ng kaibigan. Naka taas pa kilay nya habang nag aabang sa isasagot ng kaibigan.
"Ha? Bat ko naman susundan yon? Eh di ko naman nakita!" Patay malisyang bulas ni Akiesha.
"Hmmmmm...sigurado ka?" Ani Chelsea na pinihit pang paharap ang ang kaibigan para suriing di ito nag sisinungaling. Alam nyang matalas pakiramdam nito pag si Ethan na ang pinag uusapan. Nang makitang tila seryoso naman ito ay napa nguso nalamang sya dito.
"Chelsea, may mga panahon talagang aayon sayo ang mga bituin. Kung talagang pag tatagpuin kami ng mahal ko, pagtatagpuin kami! at waling sino man ang makakahadlang non, tandaan mo yan." Sambit ni Akiesa sa kaibigan satay kindat nito dito.
"Mahal mo? Eh ang tanong Mahal ka ba ng minamahal mo?" Pambubuska ni Chelsea sa kaibigan.
"Ayyy sya ohhhh.....gumaganyan ka na sakin? Gusto mo humanap ng bagong bestfriend ha? pine-personal mo na ako nyan ha!" Pabirong turan ni Akiesha sa kaibigan. Na kinahagalpak naman ng huli. Ganon lang naman silang mag biruan. Lam naman ni Akiesha na pinoprotektahan lng sya ng kaibigan. Pero sa luob-luob nya di parin mawala ang kilig na nararamdaman. Saka nalang nya e kwento sa kaibigan ang nangyari, para di na sya sesermonan at bubuskain nito.