“you’re asking too much Hon!” pagmamaktol ni Chelsea sa asawa. Habang pabalik-balik sya sa pag lalakad sa may paanan ng kama nila. “You can ask anything, kahit mundo sige pipilitin kong ibigay sayo, pero thatttt? I doubt it!” exheradong turan uli ni Chelsea.
“Hon, I know its too much! But are we not going to try? I mean even you, could face him and talk to him too!” may pagmamakaawa na sa tinig na may halong ka desperadohang ani Adrian.
“Whhhaaaattt?? Talking to that bastard? Sigurado ka ba dyan Hon? Baka maipanganak ko ng wala sa oras itong baby natin pag ginawa ko yan!” nandidilat ang matang sagot ni Chelsea sa asawa. “Adrian, sinasabe ko sayo pababa palang ng sasakyan yang kaibigan mo sabog na bao nyan” gigil na dugtong na ika nito.
“Hon, calm down! Kaya nga makikipag usap sayo nong tao at ng maka bawi sa atraso nya, His far behind the Ethan that you’ve known, trust me!” pilit na pinapaliwanagan pa din ni Adrian ang asawang tila galit na turo na sa pagkakataong iyon.
“Calmn down? Pano ako mag kakalma dyan sa pabor na hinihinge mo aber? Adrian, mahabang panahon na ang nakaraan, nakaraos na sa kahihiyan at hirap yong kaibigan ko. Ok na buhay nila. Wag na syang mang gulo! Tama na yong minsang muntik na nyang mapatay sa subrang sakit at kahihiyan yong kaibigan ko! He don’t deserve any chance to be part of there life anymore lalong lalo na kay Dalton!” mahabang litanyang wika ni Chelsea. Bato ito sa nais ipahiwatig ni Adrian. Di rin naman masisi nito ng asawa kung ito mismo ay tutol sa nais mangyare ni Ethan.
“I know Hon, but please be calmn, baka mapano ka pa dyan! Ang sa akin lang is to give Dalton a chance na maranasan nito ang magkaroon ng ama na gagabay din dito” paliwanag uli ni Adrian.
“Ama? Ngayon? Aba, di sana nong nalaman nya pa noong una dapat ginawa na nya! Matapos syang makunsensya o maging miserable buhay nya saka nya idadamay uli yong dalawa? Na kung saan maayos at ok na buhay ng mga ito? Aaaayyyy, hinde, hinnnnndddeee! Magdusa sya” mariing pagtutol ni Chelsea sa gustong mangyari ng kanyang asawa. “At naku Adrian tumantan ka na sa pangungulit mo, kung gusto mo akong kumalma? Pwess sundin mo ang gusto ko! ako ang asawa mo at ako ang dapat masunod, at hinde yang gago mong kaibigan! Tapos ang usapan!” pinal na wika ni Chelsea. Sabay akyat na sa higaan nila at patalikod na humiga sa asawa.
Malalim na buntong hininga nalang ang tanging marinig mula kay Adrian. Alam nyang mahihirapan talaga syang kumbinsihin ito. Pero gagawin pa din nya ang lahat para mapakita dito na mabuti ang hangarin ng kaibigan nya para sa mag-ina. Pinagdarasal nyang sana hipan ng pagpapatawad ang puso ng kanyang butihong asawa nga sa ganon ay maging mas maayos at payapa na silang lahat. Kaya naman humiga na rin ito sa tabi ng asawa, inakap nya ito at hinalikan sa pisnge at bulong ng I Love You! Ayaw nyang matulog silang di maramdaman ng asawa kung gano nya ito kamahal. Tango lang ang sinagot ni Chelsea at inintindi naman ito ng huli.
Ilang araw ding sinusubokang kausapin ni Adrian ang asawa, pilit pinaiintindi dito ang lahat, binibuild up nya si Ethan dito hanggang sa umabot sa puntong pati sila nagkasagutan na. Sing tigas na ng bakal ang pag hinde ng asawa sa gusto nyang mangyare. Tulad nalang ngayon nagkataasan na sila ng boses pareho.
“Stop Yelling Chelsea! Pwede mo namang sabihen ng mahinahon ang lahat!” aburido na ding turan ni Adrian.
Nanlaki naman ang mga mata ni Chelsea sa narinig mula sa asawa, tama ba narinig nya? Binubulyawan na din sya ngayon?
“whaatt? Dahil lang dyan sa gusto nyong mangyare binubulyawan mo na din ako? So does it mean na mas matimbang talaga brotherhood nyo kisa sa amin ng anak mo ganon?” skiptikal na sagot ni Chelsea dito
“that is not what it means! All I want you to do is LISTEN and be FORGIVABLE for heaven sake!” desperadong saad ni Adrian sa asawa. “ it maybe too much to ask, but for goodness Chelsea, be humane! Why cant you give him a chance? Kung ang Dyos nga mapagpatawad at nag bibigay ng chances, how can’t you?” dugtong nito.
“ooohhhh! Sorry di ako si God para magawa yang gusto nyo! And why cant you even understand me either? Adrian kung ipipilit mo pa din yan, aalis kami ng anak mo at mag sama kayo ng gagong kaibigan mong yan!” mariing saad ni Chelsea.
“So now you're making that to blackmail me? You think tama yang gagawin mo? Instead of facing and making amends of it, yan talaga gagawin mo?” exhausted na balik tanong na ika ni Adrian.
“Oo, kung yon ang tanging paraan para maiparating ko sayo na HINDE pwedeng mangyari ang gusto nyo!” matigas na bitaw pabalik na ika ni Chelsea.
Napatitig si Adrian dito ng mariin. May lungkot sa mga matang suko na sa nais ng asawa. Napa upo nalamang ito sa mahabang upoan sa sala at pasapong binaon ang ulo sa mga kamay nito. Hudyat na ba ito ng pagsuko sa gusto nyang mangyari? Maya-maya pa’y tumingala uli ito sa asawa na walang pagbabago sa ekpresyon nito. Matatag pa din nitong pinanindigan ang gusto!
“yon ba ang gusto mong mangyari? Sige bahala ka!” malalim na buntunghinga ang kumawala sa dibdib ni Adrian. Taas ang kamay na hudyat ng pagsuko. “Ang gusto ko lang na sana bago mailabas ang baby natin ay wala nang mabigat dyan sa dibdib mo, na natuto na kayong magpatawad at maging mabuting ehemplo sa mga bata kung saka-sakali! Pero matigas kayo, dinaig nyo pa ang Dyos sa di pagpapatawad at pagbibigay ng chances, sige! Go on! Sana lang kaya mo ding ipaliwanag sa anak mo yan sooner!” pagod na turan ni Adrian. Sabay tungo sa pintuan palabas.
Naiwang nakatulala si Chelsea sa sala. Tama ba ang nakikita at naririnig nya? Ganon ganon lang din ang pag payag ni Adrian sa gusto nya? Ibig ba sabihen nito hinayaan nitong masira sila ng dahil lang doon? Napa-upong napatutop sa bibig si Chelsea.
Napa isip sya ng malalim. Mariing napatiim-bagang si Chelsea ng mapagtanto nyang kaya silang ipagpalit ni Adrian, na mas matimbang dito ang kaibigang naging dahilan ng pag hihirap ng matalik nya ring kaibigan. Kaya naman napag desisyonan nyang layasan ito at iparamdam dito na malaking kawalan sila ng anak nya.
Dali-dali nyang tinungo ang kabinet kung saan nakalagak ang mga damit nya, kinuha nya ang maletang nakatago sa may gilid ng malaking kabinet nila at sinalansan ang mga mahahablot na mga damit. Di nya alintana ang pag patak ng mga luha nya sa pagkakataong iyon, nanaig sa kanya ang inis at galit para sa asawa. Ng mapuno na ang maleta ay agad naman nya itong sinara. Kinuha ang bag na paborito nya at inilabas ang sarili nitong cellphone at maya-maya lang ay may kausap na ito sa kabilang linya.
Paingos-ingos pa sya habang sinalaysay ang nangyayari. Mga ilang minuto lang ay ibinaba na nya ang cellphone at tinawag na ang katulong para mag patulong sa pag baba ng kanyang maleta.
Nagulantang naman ang katulong nang makita ang pag aalsa balutan ng kanilang amo, nais man nitong mag salita ay nanayili nalamang itong nakatikom ang bibig ng makita nitong di nagbibiro at tyak makakatikim lamg ito ng masamang salita pag nag tatanong pa ito. Kaya naman dali-dali din nitong tinawag ang driver nila para ipalabas ang kotse ng amo.
Ilang sandali lang ay nakalabas na ang kulay itim na kotse sa pamamahay nila Adrian. Ng sa di kalayuan ay may dalawang kotse ang nakamasid sa paglabas nito.
“Oh good lord! Ingatan mo po ang mag-ina ko!” abot langit na panalangin ni Adrian habang tinatanaw ang papalayong sasakyan ng asawa. Mangiyak-ngiyak nyang sinubaybayan ito ng mapadaan na mula sa kinalulanan nyang kotse.
“Its gonna be alright bro! Crossing finger na matatapos din ang lahat ng ito” ani Hendrich na nakatuon din ang tingen sa dumadaang kotse. Habang marahang tinatapik sa balikat ang kaibigang alam nyang kanina pa ito di mapakali. Kung di nga lang nya ito napigil kanina ay baka bulilyaso na ang plano ng tropa. Dahil subrang na guilty ito sa kanyang ginawa.
“pag may mangyaring masama sa mag-ina ko bro, di ko mapapatawad ang sarile ko!” ani Adrian na tuliro na sa pagkakataong ito.
“Bro! Heeeyyy….. cheer up! Walang masamang mangyayari sa mag-ina mo! Sisisguradohin nating umagapay, pangako yan! Kaya chill ka lang okey?” may assurance sa pananalita ni Hendrich para sa kaibigan. Nang nag ingay ang walkie-talkie sa harapan nila.
“Bro, sumunod na kayo, susundan na namin si Chelsea.” Aning boses na nagmula sa walky-talkie na naka lapag sa may dashboard. Kinuha naman ito ni Hendrich upang sagutin ito l.
“Copy and On our way bro!” sagot naman ni Hendrich sabay lapag ng walky-talkie sa dash board at pinaandar na ang kotse para sundan ang kulay grey na sasakyang naka sunod na sa sasakyan ni Chelsea.
Walang kamalay malay si Chelsea na may dalawang sasakyan ang naka sunod sa kanila, sa dami ng iniisip nya ay di nya na ito namalayan. Napagibik nalamang ang buntis sa luob nang sasakyan ng di parin mag sink in sa kanya ang mababaw na dahilan ng asawa sa pagbitaw nito ng ganon ganon nalang.
Pinapahid nya ang luhang pumapatak sa pisnge para itago ito sa driver na kanina pa naka masid sa kanya. Ayaw nyang makita sya ng mga ito na pinanghihinaan ng luob. Sisinghot-singhot pa sya ng ibaling ang mga mata sa labas ng binta para iiwas ang mukha sa mapanuring driver nila. Sa isip-isip ni Chelsea kakayanin nya ang lahat kahit subrang sakit, para sa anak nya kakayanin nya lahat-lahat!
Sa Pal-airlines dumako ang sasakyan ni Chelsea, pababa na sya ng sasakyan ng mag tanong ang driver nito.
“ma’am Chelsea sasamahan ko na po kayo sa luob mabigat po itong mga dalahin nyo baka mapano po kayo” bukal sa luob na ika ng driver.
“Hinde, ako nalang kaya ko to” atubiling sabi ni Chelsea. Ayaw nyang malaman nito kung ano ang sasakyan nya at baka pag nagtanong si Adrian dito ay sabihen pa nito kung anong eroplano ang sasakyan nya.
Tila nahulaan naman ng driver ang iniisip ng among babae.
“ma’am wag po kayong mag-alala hinding hinde po malalaman ni sir kung saka-sakali. Promise ko po yan mam, basta po mag-iingat po kayo ni baby kasi malulungkot din po kami kung may masamang mangyayari sa inyo” mahabang paliwanag ng driver kay Chelsea. “at isa pa po mam, napakabuti nyo po sa amin, kahit sa ganito man lang po ay makakaganti po ako sa kabaitan nyo” dugtong pa nito
Na touch naman si Chelsea sa sinabe ng Driver nila kaya naman pumayag na syang ihatid nito sa luob, mabigat nga naman yong mga dalahin nya tyak mahihirapan syang kakahila dito. Dumaan muna si Chelsea sa Pal-Airline Reservation Office para kunin ang ticket na kanina pa nya tinatawag bago lumisan sa bahay nila. Di na kailangang pumasok pa ng husto ni Chelsea dahil sa may pintuan palang ay sinalubong na sya ng kausap nya kanina.
“Ma’am Chelsea?” aning isang dalagang naka uniporme ng kulay itim na hanggang tuhod ang haba ng palda, may dala dala itong isang envelope.
Tumango naman si Chelsea para kompormahin ang kanyang pagkakilanlan.
“here’s your ticket bound to Legaspi, Albay after 1 hour and 10 mins. Minimum ay nasa Bicol International Airport na po kayo! And from there po ay may mag aassist na po sa inyo na inform ko na po yong informant to guide you till Virac Catanduanes. And in a minute ay aalis na din po ang sasakyan nyong eroplano, binook ko na po agad as soon as you want it mam!” Paliwanag ng babae kay Chelsea.
“Oh, thank you Jessie! I really need such help from you!” ani Chelsea sabay ngiti dito.
“It’s our pleasure to help ma’am” balik sagot naman nito sabay ngiti din kay Chelsea pabalik.
Tinuro na nito ang daan kung saan pwede dumaan si Chelsea para maka sakay na sa eroplano nito.
Sa di kalayuan naman ay dinig na dinig nila Adrian ang pinag uusapan nila Chelsea kagut nasa luob sila ng sasakyan habang naka manman sa likuran naman nila ay naka pwesto na si Ethan na kanina pa taimtim na nakikinig sa pinag uusapan nila Chelsea. Tila ayaw nyang ma miss ang bawat detalying sinasabi ng kausap ng asawa ng kaibigan. Napa pitik kamay pa sya ng marinig lahat ng ito.
“what the ..! Virac Catanduanes? Ang layo naman nang pinag taguan nila” tila namanghang pa si Ethan sa nalaman.
“So that’s the reason kung bakit di natin mahanap-hanap yong mag-ina mo. Akalain mo who could have thought na don sila mag tatago?” si Hendrich.
“Jesssuuusss! Sa tingen nyo may ospital don? I mean kompleto ng facilities? What if bigla manganak don si Chelsea?” tila nanghilakbot naman si Adrian sa nalaman, nag alala sya ngayon lalo a mag-ina nya. Malayo sa kabihasnan ang Catanduanes di nya alam if maganda ba ang ospital don kung saka-sakaling biglang manganak si Chelsea.
“Adrian bro wag kang praning, Chelsea is on her 5 months, right? So, di pa manganganak asawa mo don, and sisiiguradohin nating solve na ang problema ni Ethan bago lumabas yang baby mo” ani Fredrick na kanina pa pala naka lipat mula sa kabilang sasakyan. Napalingon naman ang tatlo dito ng magsalita ito na medyo ikinagulat pa ang mga ito.
“andito ka na agad? Ambilis mo ha!” tila gulat na turan ni Adrian dito.
“Guys ako pa ba? And anyway, anyhow, paslamat kayo at kilala ko ang piloto ng airline na sasakyan ng asawa mo. He was may ka golfer way back. And you don’t have to thank me again, nakausap ko na ito and napakiusapang makaka sakay tayo sa flight na to.” Walang gatol na pahayag ni Fredrick sa tatlong tila namamanghang pa din.
“Good Lord! Bro, you’re such a savior on this” ani Ethan na di mawaksi ang lapad ng ngiting namutawi sa kanyang mga labi. Kinasiya naman ng dalwa ang balitang narinig lalo na si Adrian na kanina pa di mapakali sa pag-iisip sa asawa.
“Adrian tawagan mo na driver mo, and pa reserve mo kamo tong parking area for a few more days or so.” Si Henrich. Tumango lamang si Adrian dito at agad na tinawagan ang driver nila.
At walang lingon-likod namang nag sibabaan ang apat para tungohin ang landas papunta sa kung saan paparoon si Chelsea. Pero maingat ang mga ito sa pag bunton na di mahahalata nito na sinusundan pa din nila ito. Mabilis at masinop ang mga galaw ng mga ito para di mahalata ng babae na sinusundan at minamatyagan nila ito.