Chapter 19

2303 Words
“Akiesha? Babe? Ok ka lang ba? Malamig na ah, at lumalalim na ang gabi! May problema ka ba?” sunod-sunod na tanong ni Paul Andrie. “Kanina ko pa napapansin ang pananahimik mong yan! May gusto ka bang e share dyan?” dugtong nito sabay lapit sa dalaga at sumandal sa railings ng terrace na paharap dito. Napalingon naman si Akiesha sa kaibigan, mapait ang ngiti nito. Napansin ito ni Paul Andrie. “Hey! What’s been going on? You really seem a bit troubled. May nangyari bang hinde ko alam babe?” ani Paul Andrie na matiim ang tingen nito kay Akiesha na malayo pa din ang tingen. “Its Ethan!” walang emotion na ika ni Akiesha na sa malawak na karagatan pa din naka tingen. Naka harap kasi sa karagatan ang likurang terrace ng kwarto ni Akiesha sa malawak na dagat. Napamaang si Andrie sa narinig. “As in Ethan Eziekel Vergara?” ani Andrie sa buong pangalan ng ex ng kaibigan. Tumango-tango si Akiesha bilang pag komporme dito. “Saan? Kilan? Paano?” gulomihanang tanong ni Andrie sa kaibigan na buong atensyon na nga ang ipinukos nito. “Kanina! Sa resort!” tila labas sa ilong na ika ni Akiesha ngunit daig pa ang bomba sa pandinig ni Andrie ang sinabe ng dalaga. “You mean sa resort natin? As in here? Andito si Ethan?” nagkadabuhol-buhol na ikang sabi ni Andrie. “But how? Paano nya nalamang andito ka? I mean sa tagal ng panahon ngayon lang sya napunta dito so it means…..” dugtong na ika nitong medyo binitin ang sinasabe at matiim na tumingen kay Akiesha. Nakuha naman ng dalaga ang ibig sabihen ng kaibigan, posibling dahil kay Chelsea kaya sila natunton, but di pa nya ito na konpurmi sa kaibigan. Di nya alam kung totoong nag aaway ang mag asawa o baka naging daan lang ito para muling syang matunton ni Ethan. “Akala ko hinde ko na mararamdaman yong sakit! Na akala ko eh nalagpasan ko na, kasi di ko ito naramdaman noong una naming pagkikita, pero nong makaharap ko na sya ng masinsinan at makausap ng sarilinan? It brought back a flood of emotions! Lalo na yong galit ko at yong hapdi at sakit bat naramdaman ko pa din dito!” litanyang ika ni Akiesha na itinuro pa ang nasasaktang puso. Humarap na din sa may dagat si Andrie at inakbayan nya ang kaibigan bilang pagsuporta sa nararamdaman nito. “I can only imagine how challenging that must have been for you. Do you want to talk about it?” may simpatiyang saad ni Andrie na hinamas-himas ang balikat ng kaibigan. Napatango si Akiesha sa pagbibigay paumanhing nito, kung gusto ba nya itong pag-uusapan sa ngayon. “I do! It’s just……seeing him again made me realize that there are still unresolved feelings between us. We had such a strong connection at first, alam ko namang darating yong panahon na mas pipiliin nya yong tunay Nyang nobya over me, pero nagbago pananaw ko nang mabuntis ako, na akala ko mas pipiliin na kami kasi nga may namuo na sa amin, hinde ganon ang pagkakilala ko sa kanya at first, but then in a snap lahat ng yon ramdam at tanda ko pa, lahat ng sakit na salitang binitiwan nya at sa anak ko!” ani Akiesha na napatiim bagang ng maalala ang nakaraan nya. Nakinig lang si Andrie ng mataimtim sa kaibigan, giving Akiesha the space to express himself, sa nararamdaman nya sa muli nitong paghaharap ng nakaraan nya with Ethan. “Sometime encounter like this truly brings up old wounds! It’s okay to feel conflicted, Akiesha, babe! What do you think you need right now?” mahinahong tanong ni Andrie sa kaibigan. Ayaw Nyang husgahan at pangunahan ito sa magiging pasya nito. Kung sya ang tatanungin gusto Nyang lumigaya ang kaibigan pinapangarap nya yon noon pa man, lalo na at palaki na si Dalton. Need nito ang father figure! Lalo na ngayong mapapalayo sya sa mag-inang ito, di na nya maibibigay sa bata ang ganon dahil tyak syang maging mahirap para dito ang LDR kung sakali, mas mainap pa din ang lumaki itong may tumatayong ama. Hinde naman sa ok lang sa kanya ang ginawa ni Ethan, ang kanya lang eh paghirapan mun ani Ethan na makuhang muli ang loob ng bata at lalo na ng kaibigan nya. At sisiguradohin Nyang totoo na ito at hinde pang isang lingo, buwan o taon lang ito sa buhay ng mag-ina kundi pang habambuhay na. “I already did!” walang emosyong sagot ni Akiesha. “What do you mean na you did?” nagulomihan namang tanong pabalik ni Andrie. “Ginawa ko na kung ano ang dapat! Ginawa ko na yong closesure na dapat eh noon ko pa ginawa. I do have an honest conversation with him, I already express myself on how I truly feel and for him to understand and where he should stand!” ani Akiesha na malamlam ang mga matang naka tingen kay Andrie. “That sounds like a brave step, babe. It takes too much courage to face and confront our emotions head-on. And hoping that it will heal you this time.” May ngiti sa labing saad ni Andrie sa kaibigan. “Thank you, babe! Your support means the world to me, alam mo yan!” mapait ang ngiting binitawan ni Akiesha. “You’re my sister and friend, I’ll always be here for you, no matter what! And I know you can surpass this one step at a time AGAIN!” ani Andrie na hinawakan sa baba nito si Akiesha. “You think so?” tila alanganin pang sagot ni Akiesha dito. “Of course! I believe in you, trust yourself and follow what your heart says! If it says FORGIVE and be at PEACE then be it! But be wise enough this time! I’ll be right here by your side, cheering you on!” may pagmamahal at suportang ika ni Andrie sa kaibigan. Subrang na touch naman si Akiesha sa sinabe ni Andrie kaya naman inakap nya ito na mahigpit! They share a warm embrace, a testament to their unwavering friendship. “Oh, pano na? shall we sleep?” aya nito sa kaibigan. “Susko ma wala na sa routine ang beauty sleep ko pag ganto tayo lagi babe!” anitong tumikwas ang mga dalire sa hangin. Natawa naman si Akiesha sa iminuwestra ng kaibigan alam Nyang pinapangiti lang sya nito upang iswasan na ang mag isip ng kung anu-ano. Kaya naman tumango na sya bilang pagsang-ayon na matulog na nga sila. Magka-akbay ang dalawa na pumasok na sa luob. Sa isip ni Akiesha sasabihen at itatanong din nya ito kay Chelsea kung may kinalaman ba ito sa pagdating ni Ethan sa kanilang lugar. Pero ramdam Nyang wala itong kinalaman, pero posibleng nagamit sya ng mga ito upang matunton sila ng anak nya. At tungkol kay Ethan kung mag pipilit pa din ito, ay baka hahayaan na lamang nya ito na maging ama sa anak nya, but depende pa din ito sa maging takbo ng panahon. Bahala na si batman ika nga. Nasa opisina na sya ng kanyang opisina at may ginagawa syang importante ng makatanggap ng tawag mula kay Chelsea. Agad Nyang sinagot ito: “Chelsea? Napatawag ka?” tanong ni Akiesha. “Asan ka?” balik tanong naman ni Chelsea. “Sa opisina, bakit?” nakakunot ang nuong tanong nya uli sa kaibigan. “We need to talk! Its urgent! Antayin mo ko dyan. Wag na wag kang umalis o lumabas.!” Ani Chelsea na tila may humahabol dito. Sabay baba ng telepono. Maya-maya lang ay dumating si Chelsea tila nag hahabolan ang hininga sa pagmamadali. Her face flushed with anger Sensing the urgency to talk to her, as she approaches Akeisha cautiously, taking a set in front of her furiously. “Shiiitt!......shiiittt….shiiittt!” gigil na saad ni Chelsea nang bumungad sa opisina ni Akiesha. “Hey! Easy, what happened? You seem so upset and angry.” May pag-alalang ika ni Akiesha sa kaibigan. “Akiesha, you won’t believe who I saw today.” Tila manlalamon ng tao ang tingen na ipinukol nya sa kaibigan. “Sino?” mahinahong tanong ni Akiesha. Mukang alam na nya ang dahilan ng galit nito. Tama nga sya wala itong alam, nagamit lang ito para matonton silang muli ni Ethan. “It was your EX! Ethan. And guess what? He was with my good to be true husband and his minions.” Umuusok na ata ang ilong ni Chelsea sa galit habang sinasabit ang pangalan ng nakita nito. Kampanting sumandal si Akiesha sa kanyang swivel chair. “Are you sure na si Ethan Nakita mo?” ani Akiesha sa kampanting tinig. “Yeees! I am perfectly sure it was him, no doubt about it.” Gigil na gigil na saad ni Chelsea. “Nakuuuu! Ngani-ngani ko nang sugurin kanina ang hinayupak, di ko alam kung paano nila ako nasundan! Kowwww pagmakaharap ko talaga yang si Adrian yare sa akin talaga ang lalaking yan, at ang kakapal ng mukha dinala pa dito ang Ethan na yan!” nag uusok na sa galit na dugtong ni Chelsea. “So ano naman kung andito sya?” kalmanti pa din ang boses at itsura ni Akiesha. Bigla ang lingon nito sa tila kampanti lang na kaibigan, nagulat sya sa kakalmahan ng itsura nito at animo di ito na trigger sa maging presensya ng ex nito sa resort. “Teka lang! tama ba itong Nakita ko? Ikaw? Akiesha Gale Borromeo? Kalmanti lang sa ibinalita ko?” nakataas ang mga kilay na ika ni Chelsea sa kaibigan habang sinusuri nitong maigi ang pagmumukha nang kaibigan kung totoo nga ba ang nakikita nya dito. Natawa sya sa itsura ng kaibigan. “Bff, hayaan mo sila, ayaw mo non? Dagdag sa profit natin ang pag dating nila!” naka ngiting ika ni Akiesha. Tudo sa pagtaas na ang kilay ni Chelsea ng marinig ang sinabe ng kaibigan. Tumayo ito at sinipat ang nuo, leeg at mata ng kaibigan kung ok pa ba talaga ito. “Akiesha, ikaw ba talaga yan? May sakit ka ba? Nilalagnat ka na di mo lang sinasabe sa amin? O baka may cancer ka na ba sa utak? O di kaya na nuno ka? Ayyyy… Dyos ko! Asan ba may albularyo dito at nang matawagan na.” tila di pa din makapaniwalang saad ni Chelsea. “Teka….Mhaaaariiieeeeeee!” dugtong na ika ni Chelsea na halos lumabas na ang ngala-ngala nito sa pagtawag sa secretary ng kaibigan. “Hoooyyyy! Ano ba! Tumahimik ka nga dyan! Ha.ha.ha.” hagalpak sa kakatawang ika ni Akiesha sa kaibigan na animo tumawag ng bomber. Sya namang pag pasok ni Mharie na animo namutlang parang binuhosan ng suka. Na inakala eh masasabon sya sa lakas ng pag tawag ni Chelsea na animo may nagawang kasalanan yong secretarya nya. “Maaamm! Bakit pooo?” ani Mharie na humahangos pa nga at tila natatakot. “Naku Mharie wala, pagpasensya mo na ang buntis may hormonal discharge na naman ata! Sige na bumalik ka na” sagot ni Akiesha sa kawawang secretarya. Gusto Nyang matawa sa itsura nito pero pinigilan lang na wag umimpit ng tawa. Ganon din si Chelsea ng makita nito ang itsura ni Mharie. Tinakip ni Chelsea ang isang magazine sa kalahating mukha para makaiwas sa pagtawa kay Mharie. Tumango pa nga sya ng magpaliwanag ang kaibigan. Yumukod naman agad si Mharie at nag paalam na uli sa amo. Napahampas naman si mesa ni Akiesha si Chelsea di na nya napigil ang tawa na kanina pa pinipigilang humulagpos. “Luka-luka kang talaga! Kawawa sayo yong tao!” ani Akiesha na tinampal ang kamay ni Chelsea. “Abay sorry agad akin! Malay ko bang ganon maging reaksyon nya, akala ko laging kalmado lang yang sekretarya mo no!” hagikgik na ika ni Chelsea. “At kasalanan mo! Ikaw tong parang may sanib dyan sa reaction mo.! Hinde nga Akiesha ok ka lang na andito si Ethan? Hinde ka threatened?” dugtong tanong ni Chelsea dito. “Hinde! At hayaan mo sya bff. I’m over him and I can deal with him professionally!” matatag na ika ni Akiesha. “Sigurado ka dyan bff? Samantalang ako para akong sinilihan ng makita ko sya, halos gusto ko na ngang lusubin pag ipinaalam ko na sayo at palayasin na dito. Pero ikaw napaka kalmante mo!” gulat na turan ni Chelsea. “Bff, chill lang tayo, hayaan mo na, di uubra ang hilatsa nya sa balwaltre natin pag gumawa sya ng gulo, kaya ikaw kausapin mo na yang asawa mo. Ayusin nyo na ang gusot nyong yan. Alam kong miss na miss mo na din yang asawa mo!” naka ngiting ika ni Akiesha. “Ano sya sinuswerte? Byaan mo sya dyan, amuin nya ako. Alam kong may kinalaman sya dito kung bat ka natunton ng mga yan!” ingos na ika ni Chelsea. “Oh sya, bahala ka, basta kausapin mo na si Adrian. Pag Nakita ko din ay iimbitahan ko na sa bahay yan.” Ani Akiesha na tumayo na at tinungo ang pintuan. May hahabolin syang supplier ngayon kaya need na Nyang umalis ng makitang mag 11 am na. Naka awang ang bibig ni Chelsea ng marinig ang sinabe ng kaibigan. Nagulat pa nga ito ng marinig na iimbitahan pa nito mismo si Adrian sa bahay nila. Medyo slow ang reaction nya sa sinabe ni Akiesha kaya pagtingen nya ay wala na pala sa harap nya ang kaibigan nasa may pintuan na pala ito. “Hooooyyyy Akieshaaaa… teka lang namaaaan!” habol hiyaw nya dito. “Huwag kang ganyaaannn…hooooyyyy…hayaan mo muna ako magpakipoooottt….Akiiesshaaa…” dugtong saad ni Chelsea ng mapagsarhan na nga sya nito ng pintoan. Alam Nyang sinasadya ito ng kaibigan kaya naman nang gigil na hinabol Nyang pilit ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD